Rebecca Patricia POV (4)

389 16 4
                                    

bumalik muli ako sa hospital, para magpacheck up. ang sabi ng doctor, lumalaki na ang batang dinadala ko at kasabay non ang pag lala ng sakit ko.

"kapag hindi ito naagapan maaring mapunta ang buhay mo sa kamatayan. ngayon palang misis pinapapili na kita, ang anak mo.. O ang buhay mo"

agad akong natulala at napahawak sa tiyan ko, hindi ko alam ang gagawin ko.. kung pipiliin ko naman ang buhay ko, mamatay ang magiging anak ko

"Doc, wala bang ibang paraan? para gumaling ako" I asked he just stare at me and slowly shook her head.

"matapang yung gamot, once na mainom mo iyon ay posibleng makunan ka. kaya ngayon palang ay sinasabihan na kita"

"Ang anak mo.. o ang sarili mo"

that's why hindi nako madalas lumalabas ng kwarto, dahil pinag iisipan ko ang sinabi ni Doc.

nalaman na din nila ate na buntis ako, hinahanap nila sakin si Saint. ang sabi ko nalang ay wag na nilang hanapin dahil kaya ko naman buhayin ng mag isa ang anak ko.

ang hindi ko lang kaya, mawala si Freen sakin.

kaya lagi ko sinasabi kila ate Jennie na baka pwede nilang kausapin si Freen para makita ako.

miss na miss ko na siya.. at sa hindi ko inaasahan dumating na ang hindi ko inaasahan..

---

"ayoko kumain! hayaan niyo na muna ako!
.

"I told you, I dont want to eat"
.
"hindi pwedeng hindi ka kumain makakasama yan sa bata"

nang marinig ko ang pamilyar na boses na yon ay agad akong lumingon at bumungad sakin ang babaeng namimiss ko..

halo halo ang emosyon na nararamdaman ko ngayon, tila ba nagkaroon ako ng lakas ng makita ko siya.
.

"Freenky.." mahinang pagtawag ko sa kaniya, nanghihina na din ang aking katawan.

binalak kong lumapit sa kanya ngunit na out of balance ako

"Becky!"

lumapit siya sakin at inalalayan niya akong umupo sa kama ko.

natutuwa ako dahil narito na siya I feel safe na ulit..
.

"Patawarin moko.. kung.. hindi ako nakinig sayo. P-patawarin mo din ako kung.. Naging manhid ako.." umiiyak na sabi ko, ito na ang chance ko eh

"Patawarin mo ko kung--

"tahan na Bb"

"Hindi mo kailangan humingi ng tawad, dahil wala naman ng mababago don. Past is past okay?" sabi niya at nginitian ako

"Kaya kumain kana, panigurado.. gutom na yang.. anak natin" nabigla ako dahil sa sinabi niya, lalo ako natuwa at naluluha..

"Anak natin?" tanong ko na ikinatango niya

"Kahit na.. hindi na hihigit pa sa pagkakaibigan tong.. label natin. Aakuin ko ang responsibilidad. Syempre... bilang Kaibigan mo.. bilang Freenky mo, sasamahan kita hanggang sa pag tanda."
.

"itong tinapay na to, ang saksi. kung gaano kita ka mahal. Bb, Mahal na mahal kita Becbec.. umaasa ako na balang araw, mamahalin mo nako pabalik.. ngayon, hayaan mo na lang muna akong.. Mahalin ka, Hmm"

ako na ang pinaka masayang tao sa buong mundo lalo na nagbalik na ang matagal kong hinihintay.

pinanindigan ni Freen ang sinabi niya, Inako niya ang responsibilidad na dapat si Saint ang gumagawa.

SANDALAN || FreenBecky|| [TAGALOG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon