Gabi na at kakatapos ko lang tawagan sila Jennie para sabihin na okay na kami ni Becky.
So.. ngayon, nasa sala ako at naisip kong paglutuan si Becky ng tinolang manok habang naliligo siya. syempre kailangan niya ding humigop ng sabaw para kay baby.
sa kalagitnaan ng aking pagluluto nabigla ako ng may yumakap sakin..
"oh.. tapos kana?" tanong ko
ipinatong ni Becky ang baba niya sa balikat ko
sabay tanong niya sakin"ano yang niluluto mo?"
"tinolang manok" nakangiti kong sabi, nilanghap naman niya ang amoy ng tinola kasabay non ang pag yakap niya sakin ng mahigpit
"wahh, amoy palang masarap na"
"Sus"
kumuha ako ng kaunting sabaw gamit ang sandok para ipatikim sa kaniya, Hinipan ko muna ito bago ko i abot sa kanya
"tikman mo" sabi ko
humiwalay naman siya sa pagkakayakap sakin at tinago niya ang dalawa niyang kamay sa Likod nya sabay hipan ng sabaw
amp di nalang kinuha eh noh gusto pa talaga subuan ko siya
tinikman na niya ito at maya maya pa ay tumingin sakin ng nakangiti
"masarap?"
"Oum!. luto na ba? tara kain na tayo nagutom ako bigla" sabi niya
"papalambutin ko lang itong sayote, maghain kana"
"okieee"
**FAST FORWARD**
ngayon kumakain na kami.. iisang plato lang po gamit namin opo, ewan ko ba dito kay Becky. hati na daw kami sa isang pinggan di naman siya yung maghuhugas ako naman..
subuan ko daw siya. sige Freen, mag mahal ka pa ng mas bata sayo.
naka kandong siya sakin habang sinusubuan ko siya
"bakit ba kailangan kumandong kapa sakin?dalawa naman yung upuan" sabi ko
"mas masarap pag nakakandong sayo" sabi niya at sumandal sa balikat ko
kaya naman niyakap ko siya gamit ang isa kong kamay at sinubuan ko muli siya.
mukha siyang inosente pero.. ekherm.. lam niyo na..
"hindi kana galit sakin?" tanong bigla ni Becky
"yup, simula nung tumigil ka. naguilty ako sa pag iwas at sa pagtrato ko sayo ng di maganda, pasensya kana Bb" sabi ko at nginitian siya at napatingin sa tiyan niya at hinawakan ito.
"babawi ako, Teerak(darling) Papalakihin natin ang bata ng mapagmahal, mabait, masayahin at hindi katulad ng ama niyang Tumatakas sa responsibilidad" sabi ko at tinignan siya sa mata
Nakatitig siya sakin habang nakangiti kaya napangiti rin ako.
"Sana ikaw nalang" sabi niya at hinawakan ang pisngi ko
"Ang alin? Nabuntis?"
"Gaga hindi HAHAHHAHA"
"Ayan tumawa ka lang.. ayoko ng makikita kang umiiyak muli ha, umpog kita sa pader"
"Oh tologoh boh?, sa payat mong yan"
"Hampasin kaya kita ng buto ko. payat ka din naman ah"
"Ewan ko sayo, subuan mo pako"
"Ahhhh"
"Ahhh"
BINABASA MO ANG
SANDALAN || FreenBecky|| [TAGALOG]
Historia CortaFreen, an employee at the JKLM restaurant owned by Jennie, who is married to her cousin Lisa, has long harbored feelings for Rebecca. Despite her feelings, she chooses to keep them hidden, a secret known only to Lisa and Jennie. Rebecca, known for h...