Freen Sarocha POV (7)

382 16 0
                                    

2 months past...

hindi na talaga kami nakapag usap ni Becky. Masyado nakong ilag sa kanya, one time na pumunta siya sa restaurant ng ate niya para sana kausapin ako, ngunit hindi ko siya pinapansin..

"uy Freen, nariyan na naman siya" sabi ni Mind nang makalapit ito sakin

"anong gagawin?"

pinagpatuloy ko ang pag aayos ng mga menu dito sa counter

"pansinin mo na kaya, kawawa naman siya. lagi ka niyang pinupuntahan dito."

"hindi mo kasi alam ang nangyayari kaya tigilan moko" pagsusungit ko sa kanya

"Freen, kahit na ba hindi ko alam. dapat hindi mo siya ginaganyan, Okay I know na hindi dapat ako makialam sa problema niyo. pero kasi Freen, hindi kaba nakokonsensya? mag dadalawang buwan na siyang pabalik balik dito para lang suyuin ka"

natahimik naman ako at sinulyapan si Becky na tahimik at nakahawak sa tiyan niya. hays.. ayoko din gawin to pero.. kailangan kasi..

nilapag ko sa harap ni Becky ang menu

"Freen"

"ano pong order niyo?, ma'am" seryoso kong tanong at nilabas ang sticky note ko at ballpen.

"Freen, please let's talk."

"kinakausap mo na Po. ako ma'am" sabi ko at hindi man lang siya tinitignan

"Freen, please kahit saglit lang. pag tapos nito titigil nako"

"uulitin ko po ma'am, anong order mo" paguulit ko. napabuntong hininga siya at sinara ang Menu.

"Freen. wag ka nga umasta na parang hindi tayo magkakilala."

"ginagawa ko lang po ang trabaho ko Ma'am. kung wala naman po kayong bibilhin, hindi lang po ikaw ang customer na naririto." Seryoso kong sabi

"Freen, please let's make up. okay? hindi ako sanay ng ganito. marami akong mga bagay na gustong sabihin sayo"

"ma'am, inuulit ko ho. ano pong order niyo." seryoso kong sabi

tinignan niya lang ako at maya maya pa ay nagkasalubong ang kilay niya

"Fine! kung ayaw mo ako kausapin edi don't!" sabi niya at kinuha ang sling bag niya at bahagya akong binangga at nag walk out.

simula nangyari yun, hindi na siya pumunta sa restaurant ng ate niya

Mas mabuti na kung ganto, para makalimutan ko na talaga siya. okay lang na masayang yung mga pinagsamahan namin. kesa naman masaktan na naman ako..

Naririto ako ngayon sa labas ng restaurant naninigarilyo, wala eh. Stress ako kakaisip kay mami Becky niyo, charot.. Binalikan kaya siya ng kupal na Saint na yon? O talagang tinakasan na talaga siya.

tanga eh noh, kakalimutan daw pero laging nasa isip si Becky.

Sa kalagitnaan ng aking paninigarilyo, shutang*na! May bumatok saken.

"Huli ka!"

Paktay, si Jennie nahuli ako ywaaa

"B-boss" agad kong tinapon ang sigarilyo ko at hinarap siya.

Pinanliliitan niya ako ng mata, ayokong masisante nakoo

"S-sorry boss, hindi na mauulit" sabi ko at yumuko

"anong nangyari?" tanong naman ni Lisa na kakarating lang

"eh itong pinsan mo, naninigarilyo."

SANDALAN || FreenBecky|| [TAGALOG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon