Chapter 7

258 13 11
                                    

Napapikit siya habang palapit ang lalaki. Narinig niya ang mahinang hakbang nito.

"Senyorito, pwede na ba akong~"

"Look at me."

"Aalis na po ako, basahin mo na lang mga sinulat ni Doc Glenn dito senyorito.'

Inilapag ang mga gamit sa mesa.

Narinig niya ang pagsarado ng pinto.

"Inuutusan mo ba ako Akira?"

At napatili sila na tinakpan ang mga mata ng hinawakan siya sa braso at pilit siyang hinarap.

Natawa ng malakas ang lalaki.

Nakasuot na ito ng short at plain tshirt.

Nainis siyang hinampas sa balikat ang lalaki.

"Like the old times, I always make you mad." sabay hagalpak ng tawa ng lalaki.

Umirap siya dito.

"Ewan ko sa'yo. I hate you!"

Tinulak niya ito at tumalikod na.

"Ouch! Agghhh..." malakas na daing ng lalaki.

Nataranta siyang lingunin ito. Nakahawak sa kabibalang dibdib at nakatungo. Mabilis niyang tinulungan ito.

"Senyorito!" Mariing sigaw niya at hinawakan ng dalawang kamay ang balikat nito. "Sorry, may masakit ba saiyo? Tell me, ano gagawin ko" natatarantang wika niya.

Gumagalaw ang balikat nito saka lumuhod siya sa harap ng binata.

"Just hug me, Akira." isang pilyong ngiti ang sumilay sa mga labi nito.

"Señorito,~"

Tinakpan nito ng daliri ang labi niya.

"I'm just kidding," isang malawak na ngiti nito. "Wala ka bang gagawin? Samahan mo akong mag-ikot sa garden." wika nito.

Napailing siya.

Gandang bigwasan ng lalaking ito! Sa isip niya.

"Sa sunod, huwag na ho kayo magbiro ng ganyan~" inis niyang wika.

"I'm sorry, nag-alala ka ba?" ngiti sa kanya nito.

Kahit naiinis pinilit pa rin niyang pakalmahin ang sarili.

"Mabuti na po ba pakiramdam ninyo? Medyo malawak po ang harden baka po mapagod kayo." sagot na lang niya at hindi pinansin ang tanong nito.

"Maayos na, saglit lang tayo at magpapahinga na ulit ako." seryosong sagot sa kanya nito at ngumiti.

"Halos isang linggo na ako dito, hindi mo ba ako kukumustahin?" anito.

Napakunot noo siya at saka nilingon ito.

"Mukhang maayos naman ang naging buhay ninyo sa ibang bansa,señorito." panimula niya. " At marami na rin nagbago saiyo...,"

"Like what, Akira?" humarap ito sa kanya.

Naglalakad sila sa harden ng oras na iyon.

"N-naging..."

Paano ba niya ipaliwanag na naging mas gwapo na ito at naging mukhang hollywood actor.

Napakagat siya sa pang-ibabang labi habang nag-iisip ng sasabihin.

"Akira?"

Untag ng lalaki sa kanya.

"N-naging...ano señorito...naging english-ero ka na po." napakisap ang mata niya at pinagsaklop ang dalawang palad sa likod .

Pinagpawisan siya sa ginawa niya. Natawa ito.

Akira's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon