Muli siyang nagtimpla kape at mabilis na dinala sa kwarto ng señorito niya. Pag-akyat niya wala na ang mag-ina, tanging ang ina na lang niya ang andoon. Nagtatanong ang mga mata nito.
"Nay, dalahin ko muna kay señorito ito baka lumamig na naman." nakatungo siya at nahihiya sa nangyari.
Ayaw niya nang nalalagay sila sa alanganin, malamang pag-iinitan na naman silang mag-ina kapag wala sa paligid ang amo nila.
Mas malakas na ang loob niyang umalis sa hacienda total andito na ang may-ari at makakapag-paalam siya ng maayos. At isa pa may mag-aasikaso na ng kwadra, malamang sa pag-alis nila, iiwan na lang niya si Tucker. Malungkot pero mas maalagaan dito ito nang maayos sa piling na tunay na may-ari.
Tumango lang ang ina niya at bumalik sa kusina pero andoon pa rin ang mga katanungan sa mga mata.
Pag-akyat niya, nakasarado ang pinto ng kwarto. Mahina siyang kumatok.
"Come in..." Mula sa loob.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan.
Nakita niyang may kausap sa telepono at nakatalikod ito. Ibinababa niya ang bagong kape sa table at kinuha ang isa, mainit pa naman ito.
Ano naman kaartehan ng amo niya? Kinuha na lang niya at marahang lumabas.
"Okey bye, see you later,"
Hinawakan niya ang tray at humakbang palabas pero marahan siyang hinawakan nito sa braso.
"Stay for a while," bulong ng señorito niya ng mapalapit ito sa kanya.
Kinuha ang kape na nauna niyang tinimpla saka marahang hinigop iyon. "Not totally cold, pwede pa. I just want to drink more of this...thank you," umupo ito sa couch.
Tumango lang siya at napahawak ng mahigpit sa tray.
"Walang anuman po, meron pa po kayong ipag-uutos?"
Naka de-kuatro ito nang deritso siyang napatingin dito.
"Be my personal assistant from now on," seryoso ang mukha nito at naubos na ang isang tasang kape.
Napalunok siya sa sinabi ng señorito niya.
"From my personal things,my foods...all i need." tumayo ito at kinuha ang isang tasa pa ng kape. "Your salary is equivalent to your tuition fee in the university you choose, plus allowance...if we have out of town business trip."
Nanglaki ang mga mata niya. Papasok siyang muli? Hindi niya mapigil ang kabahan at sunod-sunod ang tahip ng dibdib niya.
"Gusto kung bumalik ka sa pag-aaral, nakita ko ang mga files ng mga scholar dito at ikaw lang ang huminto. Why? Matataas ang grades mo." anito.
"Personal reason po," napatungo siya.
Ayaw niyang ungkatin pa mga bagay na iyon.
"Are you sure, na walang ibang dahilan? Tell me," tumayo ito at lumapit sa kanya."Huling taon mo na para sa kursong Bachelor of Veterinary Science, bakit hindi mo tinuloy?"
"Wala po, kailangan ko lang tulungan ang inay dito sa mansion, señorito. Lalo ng umalis kayong lahat."
Matagal ang titig nito sa kanya at parang may malalim pang dahilan ito. Pagkunway nagsalita ito.
"Okey, prepare all things that they need and get enrolled."
"Seryoso po?" hindi makapaniwala sa sinabi ng amo niya.
"Yes, I'm serious about this, at bilang kapalit...be my personal assistant. Ako na ang gagastos sa lahat dahil hindi ka na pwedeng ipasok sa scholar ng hacienda," mahabang paliwanag nito.
Alam niya na kapag nag-back out sa school, lahat ng papeles kanselado na at hindi ka na pwedeng maging skolar muli kung gustong mo pang ipagpatuloy ang pag-aaral kaya nahirapan na siyang mag-aral muli.
Nagtatrabho sila ng kanyang ina ng walang sahod dito dahil sa utang ng ama niya noong magkasakit ito halos walong taon na rin pero hindi niya alam kung magkano pa balanse.
"Pero paano ko po magampanan iyon kung nag-aaral ako?" noon ay yakap na niya ang tray.
"Every other day ang klase mo, then every weekend be here." seryoso pa rin ang mukha nito.
"Hindi po ba makaka-epekto sa pagiging personal assistant ko iyon?"
Binaba nito ang hawak na tasa at muling lumapit sa kanya.
"That's okey, Akira. I can manage it."
Hinawakan nito ang baba niya at parang umurong ang dila niya at wala ni isang lumabas doon.
Isang dangkal na lang layo nito sa kanya at ayaw niyang haluan ng kung anong malisya lalo pa at nag-offer ito na mag-aaral siyang muli.
Muli siyang umusod pero dulo na ng kama ang nahawakan niya.
Unti-unting bumaba ang mukha nito sa mukha niya ngunit hindi ang labi niya ang pakay nito kundi ang tray na hawak niya. Kinuha iyon at ipinatong sa kama.
Napakurap siya at biglang napahiya sa iniisip niya saka napakagat labi.
"Are you happy when my parent and me left here ?"
Napaangat ang mukha niya.
"Hindi po, ibig ko pong sabihin...malungkot kami dahil umalis kayo at wala ni isang namamamhala dito ng maayos. At hinayaan lang sa mga trabahador ang pamamalakad dito. Tapat naman sila pero hindi ko sigurado kung lahat sila ay tapat ang palilingkod dito."
Nakita niya ang pagbuntong hininga nito at humawak sa baba.
"I see," wika nito. "Tomorrow we were going to university. Prepare yourself." at muling humigod ng kape.
"Salamat po," mayumi niyang wika sa binata.
"By the way, mamaya may mga bisita at inimbitahan ko ang lahat na namamahala dito sa hacienda at mga trabahador kasama ang ilang malalapit na kaibigan ng mga magulang ko. Be my date and get your dress inside the closet." wika nito.
Napalaki ang mata niya.
"Ako po...paano po ang mga pagkain?"
"I will hired caterer to manage it, just relax and enjoy the night becsuse you need to start your job tonight." ngumiti ito.
Napatitig siya sa gwapong mukha nito. He had beard face na hindi kakapalan pero mas lalong nagdadala ito ng kagwapuhan ng lalwki.
Napalunok siya ng matitigan ang mapupula nitong labi na parang kahit anong oras pwedeng lapatan ka ng isang halik.
"Something in your mind?" hindi niya namalayan ang paglapit nito at tinanggal ang isang hibla ng buhok niya na naligaw sa mukha niya.
Ang malakas na tibok ng puso niya ang gumising sa malisyosang pag-iisip niya at ang mainit na dampi ng palad nito sa mukha niya.
"Wala po...masaya lang po ako na makakabalik na ulit ako sa pg-aaral," napayukong wika niya.
Naisip na lang niyang dahilan para hindi mahalata ang kapangahasan niya.
Nakita niya ang pilyong ngiti ng lalaki.
"Go! Get the box inside the closet before I will lost my control, Akira."
Napaurong siya at tinungo nag closet. Hindi niya pinansin ang huling sinabi nito. Hindi na niya binuksan iyon pa iyon at mabilis nagpaalam na sa lalaki.
Halos hindi na niya marinig ang yabag ng kanyang mga paa paalis ng kwartong iyon dahil sa kabog ng dibdib niya. Narinig niya ang mahinang tawa nito, napatigil siya sa paghakbang, gusto niyang lingunin pero baka mapang-asar na mukha ng amo ang makita niya lalo pa at hindi niya narinig na sumarado ang pinto ng kwarto nito at alam niya na nakasunod pa rin ito nang tingin sa kanya.
Napailing siya at mabilis ang hakbang para makarating sa kusina. Parang gusto niyang lumipad ng mga oras na iyon sa hiya.
BINABASA MO ANG
Akira's Love
Любовные романыSalat man sa maraming bagay, masaya naman ang pamilya ni Akira, hanggang sa bawian ng buhay ang kaniyang ama. Mula noon sila na ang pumalit sa trabaho nito sa Hacienda Gracia. Bukod kasi sa nagkandautang-utang sila, kailangan din niya ang trabaho ro...