Chapter 19

190 13 6
                                    

Lunes, maaga siyang gumising dahil kailangan niyang makarating sa school bago mag-alas otso ng umaga dahil may exam sila.

Mabilis na naligo at nag-ayos ng sarili saka inasikaso ang mga gagamitin ng binata. Nagtimpla ng kape at dinala sa munting opisina nito hindi niya alam kung isasabay siya nito palabas dahil mula kahapon hindi na siya kinibo nito.

Sinuot ang uniporme bago pumasok sa opisina, pagbukas niya ng pinto nakita niyang nakaupo ito sa table at nakatutok sa monitor, mukhang abala sa tantiya wala pang tulog at hindi pa ito naliligo.

"Magandang umaga po, senyorito."

Hindi ito kumibo na tila hindi siya narinig.

Ano bang nangyayari sa lalaking ito? May mali ba siyang ginawa? Nainis na bulong sa hangin at sumakit ulo niya ang isipin iyon.

Hindi na lang niya pinansin, inilagay ang kape sa mesa.

"Papasok na po ako, kung may gagawin po akong report ibigay ninyo na lang po sa akin at gagawin ko mamaya pagbalik."

Ngunit wala pa rin siyang nakuhang sagot at patuloy pa rin ito sa pagtipa sa keyboard.

Napatitig siya dito at napabuntong hininga na lang siya ng lumabas sa silid.

Dumeritso siya sa kusina at nagpaalam sa ina.

Pagdating sa labas nakita niya si Mang Pedro na nag-intay doon.

"Ma'am Akira, sakay na po. Ma-late ka na sa klase mo." Nakangiting wika nito.

Walang ganang sumakay sa sasakyan at umupo siya sa loob.

Kinuha ang cellphone sa bulsa ng bag at tiningnan kung may mensahe ang binata pero wala. Tahimik na tumingin sa loob ng mansion habang paalis ang sasakyan.

Napatingala siya sa terrace kung saan malapit ang opisina nito, may nakatayong bulto doon hindi niya alam kung nakatingin sa paalis nilang sasakyan o  nakatanaw sa kwadra kase natatakpan iyon ng makapal kurtina.

Umiling siya na inalis nag tingin doon.

Narating na nila ang school, wala pang-alas otso. Kaya nagtanong siya kay Mang Pedro.

"Salamat po sa paghatid. May problema po ba sa negosyo at sa tinatayong kwadra sa mansion?" Hindi mapigilang tanong niya sa matanda.

Ito ang laging kasama nito sa araw-araw kapag nasa school siya.

"Wala naman po, katunayan mukhang nag-pirmahan na sila ng kontrata para sa mga dadalhing mga kabayo sa hacienda. Mukhang nagkasayahan pa silang nag-kape noong nakaraang araw." Masayang wika nito.

Tumango siya at inayos ang sarili bago lumabas.

"Balikan na lang po kita mamaya."

Halos wala sa pukos siyang mag-exam ng araw na iyon. Gusto niyang matapos na at nang makauwi, hindi siya mapalagay sa kinikilos ng lalaki.

Alas tres pa lang nang hapon tumawag na siya kay Mang Pedro na sunduin na siya. Ngunit, mag-alas kwatro na wala pa ito.

Nag-alala siya para sa matanda, mag-dial sana siya ng may humintong sasakyan sa tabi niya.

Peter!

Bumalik ang alaala niya noong nag-enroll siya. Takot ang naramdaman niya ng makita itong muli, nanginginig ang mga kamay niya ng lumabas ito sa sasakyan.

"Akira," malumay na wika nito.

Napaatras siya.

"Huwag kang lalapit! Sisigaw ako kapag humakbang ka mula diyan!" Malakas na wika niya dito.

Akira's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon