Pagkatapos kumain,inikot nila ang malawak na flower farm. At malayang tinatanaw ang lagaslas ng tubig sa gilid nito na nagsisilbing daluyan papunta sa mga bulaklak.
Nawala sa isip niya ang nangyari kanina dahil sa tanawing iyon.
Nakita niya sa kabilang dulo may green house na puno ng ibat-iabng klase ng roses. Natagpuan nila ang mga trabahador doon na abalang nag-impake ng mga dadalhing bulaklak paluwas ng bayan.
"Magandang araw po sa inyo,Señorito Liam at Señorito Brix." binaba nag mga sombrero tanda ng pagalang. "Sa inyo din po mga señorita."
Nakita niya na tinapik ng binata ang balikat ng mga ito.
"Kumusta naman po kayo?"
"Ayos lang, Señorito Liam. Welcome home po." nakangiti na sabi nito.
"Salamat, balita ko success ang marketing plan ninyo para mgkaroon pa ng ibang client ang flower farm?" seryoso ito.
"Ay oo, señorito. Katunayan si Señorito Brix ang nakapag-deal. Kaya kami'y double time ngayon at masaya kami dahil nagkaroon din kami ng extra income para sa mga pamilya namin. Salamat po." nakangiting wika nito.
" Iyon ay dahil sa sipag at dedication ninyo, congrats ho sa inyo."
Saka tumingin sa kaibigan.
"This is our business to help people and to grow our business, too." wika ni Brix.
Tumango lang ito.
Maya-maya pa nagpaalam na sila. Mataas na rin nag araw ng bumalik sa mansion.
Pagdating nila nakita niya ang ina sa kusina at abala sa mga niluluto. Napakunot-noo siya.
May handaan ba sa mansion?
Nauna na siyang pumasok sa loob dahil mg kinausap pa ibang tauhan ang señorito niya.
"Nay, ano po meron at madami ang pagkain?"
"Ngayon ang welcome party ni Señorito Liam. At imbitado lahat ng tauhan ng hacienda kaya abala ang lahat. Bakit ang tagal mo sa kwadra, ank?" nilingon siya nito.
Natigilan siya kung sasabihin ba noya kung san sila pumunta. Pero sa huli nagpasya siyang sa isang araw na lang sabihin. Total sekreto din ito.
"Pinaayos po ni señorito ang mga kabayo doon at simula bukas hindi na ho ako ang mag-aasikaso sa kwadra." wika niya.
"Saan ka ngayon magtrabaho?"
"Baka dito na sa loob ng mansion, nay." aniya.
" Mas okey na iyon para matulungan mo ako dito."
Nasa ganoong sitwasyon sila ng dumating ang mayordoma.
"Hoy! Kayong dalawa, masayado na ninyong sinasayang ang oras ninyo kakadaldal. Bilisan ninyo at kailangan bago maghapunan tapos na lahat mga pagkain na niluluto para isama sa ihain mamaya." ismid na wika nito. "Oo nga pala, dadating ang anak kung si Shiela mamaya kasama ang anak ni Mayor na kasintahan niya, pwede ba pagsabihan ang anak mo na dumistansya sa anak ko." nakapameywang na wika nito.
Tahimik na nakatingin lang siya dito at tumango. Ayaw na niyang pahabain iyon at ayaw niyang maulit ang nangyari noong isang linggo.
"Mabuti kung ganoon. Atupagin ninyo na lang pagbigay ng pagkain s mga bisita nila. Magsuot kayo ng maayos na damit dahil alam kung wala kayong formal na susuotin. Huwag naman yung damit basahan, magbibigay kayo ng pagkain baka tanggihan pa nila ang ibigay ninyo kung damit pa lang madungis na!" madiing wika nito.
Umangat ang ulo niya. Andito na naman ang matapobreng mayordoma na ito. Naramdamn niya ang marahang hawak sa kanyang braso ng nanay niya. Kaya kinalma niya ang sarili.
BINABASA MO ANG
Akira's Love
RomanceSalat man sa maraming bagay, masaya naman ang pamilya ni Akira, hanggang sa bawian ng buhay ang kaniyang ama. Mula noon sila na ang pumalit sa trabaho nito sa Hacienda Gracia. Bukod kasi sa nagkandautang-utang sila, kailangan din niya ang trabaho ro...