Chapter 8

247 12 9
                                    

Hindi siya makatulog nang gabing iyon. Nakadungaw siya sa bintana at nakatanaw sa malawak na harden.

Ngayon lang niya naranasan na pagmasdan ito. Mula sa kalangitan makikita mo ang  bilog na buwan na tumama iyon sa namumukadkad na mga bulaklak sa harden.

Mas lumapit pa siya sa bintana para pagmasdan ang magandang tanawing iyon.

Napakatahimik ng paligid at nakakabingi iyon.

Nasa ganoong sitwasyon siya ng may na mataang siyang anino palapit sa isang lalaki na nakakubli sa halaman. Napakunot ang noo niya.

Isang babae at lalaki ang nagtagpo doon, tumingin siya sa orasan ala una na nang madalaling araw.

Alam niya tulog na ang lahat pero sino ang mga ito? Nagtatakang bulong sa sarili.

Muli siyang tumitig sa dalawang anino na iyon, may inaabot ang isang babae saka yumakap ito at mabilis na umalis.

Kinurap ang mga mata at sa pagtingin niyang  wala na ang mga ito. Kinabahan siya dahil may nakapasok na ibang tao sa mansion pero paano sila nakalusot sa mga bantay sa labas.

Suot ang oversize na t-shirt inayos niya ito at hinanap ang ang tsinelas.

Muling tumanaw sa harden , tahimik na ito. Umiling siya, baka imihinasyon lang niya iyon.

Bigla siyang nauhaw sa nasaksihan kaya hinanap niya ang baso niya na nilagyan ng tubig kanina, nakasanayan na niya iyon simula ng lumipat sila dito. Ayaw niyang pumunta ng kusina dahil lang doon, pero sa pagkakataong iyon naubos na pala niya nag laman nito kanina.

No choice! Baba siya.

Maingat na binuksan ang pinto para hindi makagawa ng anumang  ingay. Nakahinga siya ng maayos ng marating niya ang ang kusina.

Ayaw niya ng malamig na tubig kaya sa water diapenser siya nagtungo. Nakaramdam siya nang kaginhawahan ng sandaling iyon saka hinugasan  ang baso at  iniagay sa lagayan.

Nang makalabas na siya nilingon niya ang malaking pintuan maayos itong nakasarado. Ipinagpatuloy ang paglakad patungo sa hagdanan.

Medyo madilim sa bahaging iyon kaya kinapa niya ang baitang nito. Isaktong ihakbang niya ang kanyang paa ng may biglang humila sa kanya patungo sa mas madilim na bahagi ng hagdan.

Isang tili pinakawalan niya pero bago pa iyon, may isang palad ang tumakip sa knyan bibig.

"Shhhh...It's me." malamyos na tinig iyon.

Na kahit nakapikit siya at alam niya nag tinig na iyon.

"Señorito~"

Nanglaki ang mata niya.

Kung gising ito at andito sa ibaba, malamang siya ang lalaki kanina pero bakit lumabas ito imbis na pumasok ito .

"Why are you still awake?" tinig nito na pabulong lang.

"A-ah...kase..a-ano po , n-nauhaw ako." nautal niyang wika.

Hanggang may narinig silang isang yabag mula sa labas. Muling tinakpan ng lalaki ang bibig niya at hinila siya nito sa isang sulok na halos magkayakap na sila. Hindi na niya alam ang sumunod na nangyari dahil mas malakas pa ang kabog nang dibdib niya sa yabag na iyon.

Nakatitig lang siya sa halos isang dangkal na layo ng mukha  at amoy niya ang mabangong hininga nito.

Ang dalawang kamay na nakaharang sa dibdib ng lalaki at kusang ibinaba dahil sa kakulangan ng espsyo sa pinagtataguan nila. Sumiksik siya sa dibdib nito.

May multo ba dito sa mansyon? Yung nakita ba niya kanina ay sanhi lang ng malawak niyang nguni-nguni?

Nakatukod ang kamay nito sa pader at dumako ang paningin nito sa kanya.

Akira's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon