1: Flowers Bloom

17 1 0
                                    

bentot

Ehemmm, mukang

nababanggit mo na

palagi si Christian, ah

catot

Palagi ko namang

binabanggit mga

kaibigan mo, ah

bentot

Abay malay ko kung

may special treatment

siya

catot

Para lang sa mga

special 'yun

bentot

Gaya ko

catot

At gaya niya

bentot reacted 😆 to your message

bentot

Edi wow

catot

Ikaw, ah. Itulog

mo na lang 'yan

bentot

Sabi ko nga mauuna

na ako hahahaha

seen

Nakangiti kong pinatay ang aking selpon bago tumingin sa kisame.

Christian Dimacua...

Pakiramdam ko'y puno ako ng sigla, lalo na kapag iniisip ko ang lalaking binanggit ng aking kaibigan na si Vincent.

Teka- bakit nga ba?

Ano ba itong nararamdaman ko?

Hindi ko rin alam kung kailan ako nagsimulang magkaroon ng interes sa taong ito. Pandemic na nang lumipat ako sa eskwelahang ito, libre at malapit lang din kasi sa bahay namin. Grade 10 na ako n'on at kaklase ko si Vincent, siya lang naman ang ka-close ko sa kanila, eh. Dahil doon, pinagkakamalan nila kaming may something kahit hindi naman hihigit doon ang turing ko sa kaniya. 

Sa sobrang close ko kay Vincent ay nakilala ko kung sino ang mga dapat iwasan pati na rin ang mga kaibigan niya. Isa sa mga napasok sa kwento niya si Mr. Dimacua alyas Top 1. Mahiyain daw ito noong una at hindi nakikipag-socialize, pero dahil na rin siguro sa kakulitan ng circle ni Vincent, eh, nagustuhan nitong maging parte ng pagkakaibigan nila. 

Hindi ko talaga siya napapansin kapag may Google Meet kami o may mga kung anu-anong  che che burecheng nagaganap sa group chat, pwera na lang sa dalawang pagkakataon; ang una ay sa bio niyang "I am the president of your heart", at sa ikalawa nang manaig ang Nihongo message niya na nagpapasalamat sa adviser namin, umani kasi siya ng maraming reactions. 

Bukod doon, hindi ako nagkaroon ng romantikong interes sa kaniya noong mga pagkakataong iyon. Kaya nakakagulat kasi umiba ang nadarama ko ngayon. Siguro dahil matalino siya? O baka dahil pogi siya? Pero paano kung nababagot lamang ako kaya dinadaya ako ng utak ko?

Hindi ko na naipagpatuloy ang pag-iisip nang malalim dahil unti-unting bumigat ang aking mata.

Nang namulat ang aking mata, siya agad ang sumagi sa aking isipan.

"Susmaryosep, Cassadiya- hindi na gawain ng matinong tao 'yan," bulong ko sa sarili ko.

Bago matulog sa gabi, siya ang laman ng isipan pati ba naman sa paggising ay siya pa rin!

Hindi ko alam kung mapipigilan ko ba 'to dahil sa kaibuturan ng aking diwa, alam kong kapag nasimulan ko na ay mahirap nang tumigil. Pero worth it naman kung sakali kasi matalino siya, gwapo, at higit sa lahat wala siyang pake sa akin.

Bumangon na ako sa aking kama't sinimulan ang ritwal- gagayumahin ko siya, charot.

Matapos kong mag-almusal at maligo'y tinawag ko na si papa para ihatid ako sa school.

Kanina pa nagsimula ang klase pero tumatakbo ang aking isipan. Gusto ko nang mag-recess. Pero hindi dahil nagugutom ako.

Gusto ko na siyang makita ulit. Kahit saglit lang- kahit isang kisapmata lamang.

Napasilip ako sa kanilang room na isang dipa ang layo sa amin. Mas maganda ngang narito kami kaysa ka-building namin sila, kasi hindi ko siya matatanaw mula roon. At least, dito makikita ko siya kung lalabas man siya sa room nila, hehe.

Nilihis ko ang aking paningin at sinubukang mag-focus sa tinuturo ng teacher namin.

"The first three elements on the periodic table: Hydrogen, Helium and Lithium started forming after the Big Bang."

Astronomy na may Chemistry? Sheesh, connected talaga ang iba't ibang branch ng science. Nakakamangha naman. Pero mas nakakamangha kung connected kami ni Christian, hehe.

Ay, tama na nga, nahihibang na talaga ako. Hindi ko dapat maging crush 'yun, maling-mali kasi kaibigan niya si Vincent. Napag-usapan kasi namin noon na ayaw niyang makamabutihan ko ang isa sa mga kaibigan niya. Kaso hindi ko alam kung anong dahilan- hindi ko na rin inalam.

Siyempre, akala ko kasi hindi muna ako magkakaroon ng interes sa isang lalaki bago mag-college.

Pero ngayon- wala pang one month ng klase at may crush na agad ako. Ang landi ko talaga!

Teka, crush? Nalilito ako. Basta interesado ako sa kaniya.

Maaari din namang dahil misteryoso lang siya kaya ako naging interesado. Hindi ko pa kasi nakitang makipag-usap kay Vincent kahit na magkasama sila. Kaso hindi lang naman siya ang tahimik sa kanila- sa kaniya lang talaga ako interesado pero hindi ko mapagtanto kung bakit.

Marahil kailangan ko munang pag-isipan at dibdibin nang mabuti bago ko sabihin kay Vincent.

Kung may makakatulong sa akin, walang iba kundi siya iyon. 

Stolen GlancesWhere stories live. Discover now