6:52 A.M
bentot
Woiiii nanaginip akoooo
Hindi nadaw matangkad yung dadating
sayo wahahaha
Pero di din siya pandak so hahahaha
7:59 A.M
bentot
Cassieeee gising naaaaa
9:10 A.M
bentot
Woiiii, male-late ka niyan
catot
So gaano siya katangkad?
bentot
Singtangkad ko
catot
Ano hitsura?
bentot
Pitch black lang naaalala ko
catot
Black?
Kumbaga blurred?
bentot
Kaya yung tangkad lang nya naalala ko
catot reacted 😔 to bentot's message
Sa katunayan, umaasa ako na banggitin niya ang pangalan ni Christian. Pero dahil may napanaginipan siyang potential na lalaki sa buhay ko, edi mukhang makakalimutan ko rin 'yung lalaking bumabagabag sa isipan ko.
Sinimulan ko na ang morning routine ko sa pagkain ng brunch ko. Hay naku, kailan kaya magiging whole day ang classes namin nang sa gayon ay mas matagal ko siyang makita sa eskwelahan. Baka sakaling mas mabilis ko ring malaman kung ano ba talaga 'tong nararamdaman ko.
Pero hangga't hindi ko pa ito natitiyak ay patuloy kong iaasar si Vincent kay Christian- na siyang ginagawa ko ngayon. Minarkahan ko ang pangalan ni Christian sa FLAMES bilang pagtatapos at ipinakita iyon kay Vincent. Hinugot niya ang papel mula sa akin at nagsimulang isulat ang pangalan ko kapalit sa kaniya. Nagpanggap akong naiinis kahit lingid sa kaalaman niya'y nanlalambot ako, patago ko ring ipinasok ang papel sa maliit na bulsa ng bag ko.
Makalipas ang dalawang araw, ngayon ay ginaganap ang Career Orientation ng bawat strand. Kaming Humanities and Social Sciences Strand ang last sa araw na ito. Nakaupo ako sa bandang hulihan at katabi ko si Vincent na nasa dulo.
Napasulyap ako sa room ng binatang hinahanap-hanap ng aking diwa.
"Ang pogi ng teacher sa STEM Zara," pabulong kong sinabi kay Vincent. Tumingin siya sa direksyong itinuro ko bago muling ibinaling ang atensiyon sa akin. Naningkit ang mga mata niyang tinignan ako na tila ba hinuhusgahan ako.
"Sa facemask lang 'yan," paninita niya.
Hmph, hindi ko alam kung paano maisisingit sa usapan si Christian kasi mahahalata ako nitong tukmol na 'to.
Bakit kasi per strand- huhu.
Hindi ko tuloy siya nakasabay, pero maganda na rin para makikita ko kung palabas na ba siya.
Hindi ko rin tuloy mabasa 'tong libro ko in a peaceful manner since may ibang itinatakbo ang isipan ko, panay "Christian Dimacua, where na you?" or "Christian Dimacua, kailan ko ba makukuha ang atensiyon mo?"
Maya-maya ay unti rin siyang lumisan sa aking isipan, marahil na rin dinadaldal ako ng kaklase kong si Grace na kapareho kong interesado sa psychology. Matapos ang mahaba-habang diskusyon ng emcee sa harapan ay nakita ko siya sa labas ng room nila na nakamasid sa amin. Kasama niya sina Anton as always.
"Uwian na nina Christian, oh," bulalas ko habang nanatiling nakatingin sa kanila.
Napatingin din si Vincent at pareho naming nakita ang pagturo ni Christian sa direksyon namin.
"Hindi niya gawain dati 'yang pagtuturo," sambit niya't tuluyang kinamkam ang atensiyon ko.
"Oh? Bakit naman?"
"Mahiyain 'yan, eh. Basta titignan ka lang niya sa malayo, pero hindi ka niya ituturo gan'on," sagot niya sa tanong ko na ikinalugod ko naman.
May bago na naman akong nakuhang information about him. And as always, namamangha at bumibilib pa rin ako. Perhaps this is just an infatuation or unfathomable admiration.
Tina-tap ko ang aking paa dahil na rin sa pagnanais ko na makasabay man lang sa kanilang pag-uwi. Ang dami kasing sinasabi ng emcee, eh.
Kaloka naman!
Pagbaling ko sa direksyon nila ay nakita ko siyang paalis na. May habit yata siyang humahawak sa straps ng bag niya- siguro kasi mabigat 'yun o dahil nakasanayan lang talaga.
Ang cute ng blue Jansport bag niya, hehe.
Hindi ko namalayan na tuluyan na silang nakalayo dahil sa mga tumatakbo sa isipan ko.
Curious lang siguro ako or bored kaya ko napagdiskitahan na isipin siya. Pero kung trip-trip lang, bakit recurrent na nangyayari?
Hindi ko man tiyak itong nararamdaman ko, sigurado akong may nagnanais sa kaibuturan ng aking diwa na titigan siya sa malayo.
YOU ARE READING
Stolen Glances
RomanceSa pagbabalik ng klase ay makikilala ni Cassandra ang lalaking babago sa kaniyang buhay, kaso wala itong ibang bagay na gusto maliban sa pag-aaral. Mapapansin kaya nito ang mga nakaw niyang tingin?