5: Confession

2 0 0
                                    

Natitiyak ko na ang aking nadarama at handa na rin akong ipagtapat ito sa mga kaibigan ko. Naisip ko rin na si Vincent muna ang sasabihan ko, bukod sa kaibigan niya si Christian, eh, nais ko siyang kunsultahin patungkol sa nararamdaman ko sa kaniyang kaibigan. 

At saka, may utang na loob 'to sa akin kasi ako ang nagsilbing tulay nila ng bebe niya ngayon. Ay- joke lang, dinadaig ko na yata ang sistema ng mga magulang dahil sa utang na loob na 'yan. Dear Utak, utang na loob, tumigil ka na, nagka-crush ka lang, ganiyan ka na mag-isip. Grabe. 

Napasinghap ako nang makitang papasok si Vincent sa aming silid aralan at patungo na sa kaniyang upuan. Paano ko kaya sisimulan? Ngayon na ba mismo o mamaya na lang?

Mamaya na lang siguro kapag lilipat ng silid sa may katapat lang nila. May privacy kasi doon, 'di kagaya rito na ladlad may apat na mahahabang mesa at monoblock chairs. Ang kagandahan lang dito sa unang palapag ay dahil nakatirik ito sa opposite side ng palapag nina Christian ay matatanaw agad siya. Ang laking coincidence rin na magkatapat ang rooms namin, kumbaga mas malayo, pero kitang-kita pa rin siya. 

Ibang-iba rito sa ikatlong palapag na katabi nga nila pero 'di ko naman siya masisilayan. Useless din, kasi sa unang palapag naman sila at nananatiling doon, hindi sila palipat-lipat gaya namin na mala-Nomad dahil walang permanenteng silid aralan.

Mabilis na lumipas ang oras at bago pa ako maging handa ay palipat na kami sa ibang room, hindi ko na naman siya masisilayan, pero siya pa rin ang tatakbo sa isipan ko. Hibang na nga ako.

Magkatabi pa rin kami ni Vincent at nasa pinaka-likod kami na malapit sa bintana. Nagbukas ang oportunidad kong maipasok si Christian sa aming usapan. Pero hinihirit na naman niya sa akin 'yung mga banat ko na panunulak sa kaniya kay Christian. Delikado na 'to, baka 'di ko mapigilang kiligin sa harapan ng aking kaibigan. 

'Dapat cool ka lang, girl,' sambit ko sa sarili ko. 

"Paano kung mahulog ako sa kaniya?" bulalas ko nang walang alinlangan.

"Hindi mo naman siya type, ah, kaya 'di ka mahuhulog sa kaniya, 'di ba?" Tanong niya na may bahid ng pang-aasar.

Hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko, ilaladlad ko na talaga ang sarili ko. Bahala na si Batman.

"Paano kung oo? Paano kung type ko nga siya?" muli kong pagtatanong na naging dahilan para pagtaasan niya ako ng kilay na may kasamang ngisi. Umiwas ako ng tingin at nanahimik lamang sa gilid hanggang sa mapagtanto niyang hindi ako nagbibiro.

Naging seryoso ang ekspresyon ng kaniyang mukha at sinabi niyang, "kasalanan ko ba? Sorry, nalilito ka na yata dahil sa akin." Umiling-illing ako sa sinabi niya bago magsalita,  "Vincent, hindi ako nalilito, sigurado akong may nararamdaman ako sa kaniya."

Napabuntong hininga siya sa sagot ko, "hindi ko naman kasi talaga inakala na magiging type mo siya," depensa niya at agad ko siyang tinignan sa mata. "Sige, ako na bahala niyan kung sakali mang lumala," dagdag niya nang makuha ang nais kong ipabatid mula sa aking mga mata. 

"Hindi 'to lalala kasi crush lang ang nararamdaman ko sa kaniya, promise," sambit ko na may kasamang ngiti. Napakibit balikat siya na para bang sinasabi na walang garantiya sa aking pahayag.

"Sumbong kita kay Kim." Nagkibit balikat lamang ako na tila hindi naaapektuhan kasi totoo naman, at saka, gusto ko ring malaman ng kaibigan namin na bebe niya. 

Magmula nang ipagtapat ko sa kaniya ang tunay kong nararamdaman ay komportable na akong ilahad ang katagang "Miss ko na si Christian," at malaya na rin akong magtanong ng mga bagay-bagay patungkol sa cutie na 'yon kahit hindi ko sila i-ship.

Stolen GlancesWhere stories live. Discover now