Ilang linggo na ang lumipas matapos ang maulang araw na iyon. Ayon kay Vincent, eh, umayaw daw ito at si Anton ang itinuro. Hindi ko alam kung tatawanan ko ba si Vincent o kakaawaan, eh. Ang lupit naman masyado ni Lodi Christian ko.
2 days ago naman ginanap 'yung Teacher's Day, wala masyadong naganap bukod sa alam na ni Grace at ng best friend niyang si Gwen na pare-parehong kaklase rin ni Christian noon. At dahil mas naunang nakaalam si Angelica, eh, naramdaman kong unti-unting nagiging close kami.
Ngayon ay kasama namin ni Vincent si Angelica na palabas ng silid aralan, sumasabay na kasi siya sa aming mag-recess. Gusto ko na ulit makita 'yung crush ko pero ramdam kong puputok na ang pantog ko kaya inaya ko si Angelica sa palikuran na malapit sa bilihan. Pagkalabas namin ni Angelica sa kyubikel ay tumambad sa dikalayuan si Vincent na may tinitignan sa parteng natatakpan ng konkreto.
Dali-dali akong lumapit sa kaniya upang kuhanin ang mga ipinahawak naming gamit sa kaniya, napatingin din ako sa tinitignan niya... at dito tumambad sa akin 'yung pinakahihintay ko.
Dayum- nakahinto rin sila, nasa gitna siya at tila titig na titig kay Vincent. Sa tingin ko ay tila bumagal ang takbo ng mundo habang nakatingin ako sa kaniya. Hindi ko mabasa ang nais ipakiwari ng mga mata niya basta nagniningning ito. Nakakalunod. Wala akong pake kung kay Vincent siya nakatingin basta susulitin ko 'tong pagkakataon para titigan siya.
Teka- oo nga 'no. Natauhan ako at agad na lumingkis kay Angelica, hinila ko na rin siya para makaalis na agad kami. Buti na lang nakabili na kami ng pagkain bago nag-cr. Sa tingin ko naman ay nakikipag-usap na ngayon si Vincent sa kanila, bahala na siya, sumunod na lang siya. Hiyang-hiya ako sa nagawa ko, impit akong napatili nang makalayo sa kanila.
"Nag-first move si Christian na kausapin ako," biglang sabi ng lalaki sa likuran namin. Lumingon ako, ang bilis naman ng mokong na 'to. "Ano?" tanong ko habang nakangiti ng abot langit, buti na lang naka-face mask ako palagi.
"Ang dami mo namang chicks, ayan 'yung sinabi niya."
~
"Vincent, basta kakaiba 'yung tingin niya sa'yo kanina, tapos ang ganda pa ng mga mata niya kanina," sambit ko habang inaalala pa rin ang mga naganap kanina. Nasa second floor kami ng building na katapat lang nila, pinagmamasdan namin sila na nakahilerang nagpa-practice ng Galaw Pilipinas.
"What if ikaw talaga 'yung tinitignan? Sabihin mo nga, paano mo nakita 'yun kung sa akin siya nakatingin," sabi ni Vincent. Binalingan ko siya ng tingin saka umismid, delulu talaga 'tong lalaking 'to. Impossible naman 'yun 'no. Hindi ko pa nga nagagayuma si Christian.
"Tange, 'di naman ako kilala n'on kaya hindi possible. At saka, magkatabi kasi tayo," sagot ko. In denial ba ako kung sasabihin kong umaasa rin ako na kahit papaano ay mapapansin niya ang mga nakaw kong tingin? Natigilan na lang ako sa pag-iisip nang makita siyang tumingala at tinuro si Vincent sa mga kaibigan din nila.
"Kumapal na talaga mukha niya," natatawang sabi ni Vincent. Nanahimik na lang ako na nakatingin kay Christian, hindi na ulit 'to binalingan ng tingin si Vincent matapos ang pagtuturo na ginawa niya.
"Tignan mo mamaya parang mga robot 'yang mga 'yan," natawa ako sa sinabi ni Vincent. Akala mo naman kung malambot katawan niya, eh, pare-pareho lang naman silang matitigas ang katawan. Ay, matigas din pala katawan ko.
Maya-maya ay may lumapit na kay Christian na babaeng kaklase nila, tinuturuan siya ng tindig at ng mga steps... pero bakit may pahawak sa balikat? Napakunot ako ng noo, pero wala akong karapatang magselos.
Tumingin ako kay Vincent na nakatingin na rin pala sa akin, tinatawanan na naman ako ng loko-lokong mokong na 'to. Pangit talaga ng ugali. Akala niya siguro mag-uusok ang magkabilang taenga ko sa selos. Hindi selos ang nararamdaman ko ngayon kundi panliliit, mukhang maganda 'yung babae at talented din. Baka gan'on 'yung mga tipo niya sa babae, bagsak agad ako.
Alam kong 'di ko na lang siya basta crush ngayon dahil habang lumilipas ang panahon ay mas lumalalim din ang nararamdaman ko sa kaniya. Gusto ko na nga yata siya, eh.
Hindi ko na lang namalayan na tapos na pala sila sa practice at pagayak na sa silid aralan nila.
YOU ARE READING
Stolen Glances
RomanceSa pagbabalik ng klase ay makikilala ni Cassandra ang lalaking babago sa kaniyang buhay, kaso wala itong ibang bagay na gusto maliban sa pag-aaral. Mapapansin kaya nito ang mga nakaw niyang tingin?