Nakakahiya 'tong suot ko ngayon kasi mukha akong christmas tree, sinubukan ko lang namang suotin 'yung biniling bistida ni mommy sa may ukay-ukay. Baka mapansin niya ako dahil dito pero tawanan lang ako. Medyo jologs akong tignan dito, buti sana kung bagay lahat ng damit sa akin. Hindi na nga ako type, baka mas lalo pang ma-turn off.
Hindi ko alam kung bakit conscious na conscious ako sa puwede niyang isipin, eh, hindi naman ako naging ganito sa ibang mga crush ko. Una akong nagka-crush noong Grade 6, sunod noong Grade 8, at ngayon naman ay Grade 12. Magkaka-iba sila ng characteristics pero masasabi kong mas angat siya kahit pagsamahin pa ang dalawang nauna. At marahil 'yan na rin ang dahilan kung bakit ako self-conscious kay Christian, ibang klaseng muwestra ito.
Nanatili ako sa kinatatayuan ko nang makalabas kami sa aming silid dahil natiyempuhan ko rin siya na kasama ang mga kaibigan niyang palabas na ng silid aralan nila. Tanaw ko pa rin siya sa malayo, kahit hindi niya pansin at 'di kailan man mapapansin.
Kasalukuyang may event ulit sa school, at ang ibig sabihin lang n'on ay maaga ang uwian. May plano ako kasama si Paolo at Janna after school kaya medyo kabado ako dahil secret plan ko ring aminin kay Janna na may itinatangi na ako.
Mabilis na tumakbo ang oras at pagkalabas ko ng silid aralan ay bumungad agad 'yung mga sySTEMa sa court, inilibot ko ang aking paningin hanggang sa nasilayan ko na siya- hindi si Janna, kundi si Christian.
Napalitan ng pagkalito ang kasiyahang naramdaman ko sapagkat nakita ko si Christian na tumingin sa isang direksyon at agad na bumaling kay Phoebe na nagtatakang nakatingin sa kaniya at nginitian niya na lamang ito. Naku- napunta tuloy sa awkward situation si Pareng Chris dahil kung saan-saan nakatingin. At sana all kay Phoebe na nginingitian.
Bakit kaya parang may hinahanap si Christian? Siguro ina-assess niya lang 'yung mga kasama niya 'no? Wala naman siguro siyang tinatangi sa mga kaklase niya 'no?
Nakakaramdam man ng hiya ay naglakad pa rin ako patungo sa stage dahil andoon 'yung Barrion. Nilapitan ko si Janna kasi excited na talaga ako at nais kong magpapansin saglit, hehe. "Pwede na kayong umuwi?" tanong ko sa kaniya at agad naman siyang tumayo, "Oo, tara na," sambit niya na biglang tumayo saka nagpapagpag ng damit.
Nakarating din kami sa destinasyon namin, sa plaza, matapos kaming bumili ng makakain sa 7/11 ay naghanap kami ng mauupuan na picnic bench. Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon at nag-eenjoy sa aming kinakain. Humiwalay sa amin si Paolo pagkatapos naming bumili ng pagkain and we couldn't care less kahit na siya naman ang nag-aya nito.
Napabuntong hininga ako, sasabihin ko na kay Janna.
"May chismis pala ako sa'yo," sambit ko sabay takip ng panyo sa bunganga.
"Ano 'yun?" tanong niya. Ito na ang pagkakataon ko, pero medyo kabado akong ipagtapat sa kaniya ang nararamdaman ko.
"May crush na ako," sagot ko at agad namang numingning ang mga mata niya.
"Sino?"
"Siya 'yung guy na inaasar ko sa'yo ngayon."
"Si Christian?!"
YOU ARE READING
Stolen Glances
RomanceSa pagbabalik ng klase ay makikilala ni Cassandra ang lalaking babago sa kaniyang buhay, kaso wala itong ibang bagay na gusto maliban sa pag-aaral. Mapapansin kaya nito ang mga nakaw niyang tingin?