"Napanaginipan kong may bebe ka na raw, ulit," pag-amin ni Vincent na agad na nakapukaw ng aking atensyon. "Anong hitsura?" pag-uusisa ko na puno ng sigla. "As usual, malabo 'yung mukha," sagot niya. May posibilidad kayang si Ginoong Christian iyon? Sana nga, pero 'di ko naman siya puwedeng banggitin nang banggitin kasi baka magtaka na si Vincent.
Sa paanong paraan ko kaya maipapasok sa usapan si Christian nang hindi nahahalata? Hmm...
Napahagikgik ako habang patagong ginagawan ng MASH si Vincent. Ano kayang magiging resulta nito? Sinimulan ko nang magbilang at magtanggal hanggang sa nasilayan ko na ang resulta; Apartment, SUV, at tatlong anak kay Christian. Agad ko itong ipinakita sa kaniya, at saka niya hinablot ito bago niya pinatungan ng mga sulating lingid sa kaniya ay paluluguran ako.
In-ekis-an niya ang Vincent X Christian na sinulat ko at pinalitan ito ng Cassandra X Christian. Pero agad ko itong pinalitan at ibinalik ang naunang premonisyon. Hindi niya dapat mahalatang ninanais ko ang kaniyang kaibigang si Christian. Itinago ko ito sa bulsa ng bag ko para 'di niya na mapalitan ulit.
"Aasarin talaga kita hanggang sa magustuhan mo siya," pagbabanta ko. Tumawa siya bago nag-rebat sa sinabi ko, "Kahit ano talaga i-asar mo sa'kin kay Christian, wala pa rin akong maisip o ma-imagine na gagawing kabastusan 'yun."
Aysus, ako rin naman. Pero walang nakasisigurado sapagkat mahilig mag-send ng ecchi at dirty minded memes si Christian sa group chat nila. Man of culture si Ginoo, isa iyon sa mga natutunan ko patungkol sa kaniya noong mga nakaraang araw lamang.
"At saka, hindi kaya nakakaasar. Nakakadiri kaya," dagdag niya. "Sa una lang 'yan," tumaas ang aking labi sa isang direksyon at tinignan siya nang malagkit. Napaawang ang kaniyang bibig sa sinabi ko, tila naubusan siya ng i-wiwika. "Itulak kita sa kanya o sa mga babae nito, eh," pamamakli niya.
Sa mga babae? Huwag na, sa akin na lang sana. Parang makakaramdam pa ako ng selos sa sinabi niya kahit wala naman talaga akong karapatan, huhu.
Matatanaw ang mayabong na acacia tree na malapit sa silid aralan ng STEM Zara. At naroon ako na may kalandian as in kayakap- malabo 'yung mukha pero sa tindig at tangkad ay kilala ko kung sino iyon. Jusko po. Ayoko pa naman sa Public Display of Affection pero kung siya nga 'yun, edi go-go-go. Sino ba naman ako para mag-inarte?
Christian Dimacua alyas Nakuha ang Puso ko.
Napabalikwas ako sa aking kinahihigaan at tila nabigla sa nangyari. I heaved a sigh, gosh, panaginip lang pala. Sa sobrang vivid, eh, akala ko totoo na. Akala ko talaga ay nakikipaglandian siya sa babae na walang iba kundi ako.
Cassadiya and her hibang moments again.
'Ganiyan ka na ba talaga ka-desperate sa pag-ibig para maging ganiyan ang concept ng panaginip mo? Ugh, and to think na si Christian ang iniisip mo na siya ang lalaki sa panaginip ay nakakaloka!' panenermon ko sa aking sarili. 'Hindi na ikaw 'yan, Cassie,' dagdag ko na may kasamang sabunot sa sarili.
Frustrated, I covered my face with a pillow and shuffled from left to right. What's wrong with me? And why do I feel elated? Damn.
Bahala na nga- babangon na ako't baka mapagalitan pa ako.
As usual, ginawa ko ang mga dapat kong gawin bago pumasok sa eskwelahan. At bago umalis ay chinat ko si Vincent na may napanaginipan akong lalaki.
catot
Bens, binangungot
ako! or kinarma, huhubentot
sweet dreams yan
eh wahahahacatot
Sweet ba 'yung may
niyayakap at nilalandi
kang lalaki? Tangina,
ang sama. At ang mas
masaklap, hindi blurred
'yung mukha niyaaaaaHalf truth-half lie, malabo 'yung mukha pero sigurado ako kung sino 'yun. Siguradong-sigurado. Feelings ko na lang for him ang hindi pa.
bentot
ako? tangina hahaha
catot
Gaga, hindi, straight ka.Ako 'yung bida at
partner 'yung palagi
kong inaasar sa'yo
bentot
dsurb hahahahacatot
huhu, kalokang
Dimacua 'yanIn-off ko na 'yung telepono ko kasi nakahanda na si papa at ang kaniyang motor. It's gonna be another day of admiring someone from afar.
YOU ARE READING
Stolen Glances
RomantizmSa pagbabalik ng klase ay makikilala ni Cassandra ang lalaking babago sa kaniyang buhay, kaso wala itong ibang bagay na gusto maliban sa pag-aaral. Mapapansin kaya nito ang mga nakaw niyang tingin?