Nang lumabas ako sa aming silid aralan ay agad akong nangahas na tumingin sa kabilang ibayo at agad na tumambad ang pigura ng matalik kong kaibigan na si Janna. May rason na ako para makalapit kay Christian. Mabuti pa ay gumiri-giri na ako papalapit kay Janna at ayain siyang sumabay na lumabas ng eskwelahan.
Siguro hinihintay niya rin 'yung ibang taga-Zara na kasabay niyang uuwi, pero magta-tag along ako saglit para makita ko si Christian nang mas malapit, hehe. Life hack.
Napahawak ako sa straps ng bagpack ko habang binibilisan ang hakbang. Bakit ba kumakabog-kabog ang aking dibdib? Hindi dapat ako kabahan kasi wala pa namang nakakaalam. At higit sa lahat, hindi pa naman ako sigurado sa nararamdaman ko. Wala akong dapat na ipangamba.
"Janna!" Bulalas ko nang makalapit sa kaniya at agad naman siyang lumingon sa akin na may matamis na ngiti.
"Oh, kumusta?" Tanong niya sa akin at bago ko masagot ay nabaling ang aming atensiyon kay Bearane na kabababa mula sa ikalawang palapag. Nagpalitan kami ng tingin ni Janna at agad kaming lumapit papunta kay Bearane upang batiin siya. Bihira lang din kasi kaming magsama-sama, kadalasan ay kami lang ni Janna.
Nakakatuwa naman at kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko noong elementarya na kasama ko ring gumala-gala sa barangay namin noon. Nagkukwento si Bearane ng mga ganap sa buhay niya ng tila nawalan ako ng abilidad na makarinig dahil lumitaw sa paningin ko si Christian at Anton na may bitbit na mga itim na plastic bag, agad namang nagbigay daan si Bearane para sa kanilang dalawa.
Napatitig siya kay Christian na may kasamang ngiti bago nagsalita, "Akala ko 'di ka na tatangkad," humalhal siya pagkatapos.
Sabay na huminto si Anton at Christian nang marinig ang mapang-asar na biro nito. Ibinaba muna ni Mr. Dimacua ang dalawang plastic bag na bitbit niya bago lumingon sa amin at nakipag-eye contact kay Bearane. "Nag-aano kasi kami," sambit niya habang may pataas at pababang kilos ng kamay.
Natawa lalo si Bearane at nagtinginan lamang kami ni Janna marahil na rin sa gulat. Noong mga nakaraang araw kasi ay sinimulan ko siyang inasar kay Christian para mapag-usapan namin siya. Napatingin ulit ako sa papalayong pigura ng dalawang mokoy. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako o mababahala.
Hindi ko kasi inakalang may ganitong side pala si Christian. Well, to be fair, nagse-send naman siya ng mga green memes sa group chat nila so siguro nagulat lang ako na komportable pala siyang makipagbiruan pagdating sa ganiyan. At imbes na maglaho o maibsan ang aking nararamdaman para sa kaniya ay para bang mas lumalalim pa ito habang sa nakikilala ko pa siya't nasisilayan.
catot
Woii Bensbentot
Yupp??catot
Hindi na talaga inosente
'yang si Christian mo.bentot
At bakettt
Inilahad ko ang bawat pangyayari na naganap kanina. Panigurado ay magigimbal 'to o 'di kaya naman ay magugulat sa pagbabago ng kaniyang kaibigan.
bentot
Wieeee matured na
sya wahahahacatot
Proud na proud ka, hahbentot
Di na sya yung naiilang
sa seggs wahahahaNakakalugod namang mas marami pang makalap na impormasyon sa kaniya, tila ba mas nakikilala ko siya't nakakabuo ng koneksyon sa kaniya.
bentot
Wahhhh may naalala
ako hahahacatot
Ano??Isinalaysay niya kung gaano ka-inosente si Christian, ayon sa kaniya sa tuwing nag-uusap sila nina Harvee, Anton, at JB, kasama na rin si Eric ng kabalbalan ay 'di siya nakaka-gets kaya itinatanong niya ito sa kanila. Tinatawanan nila si Christian dahil sa taglay nitong ka-inosentehan.
catot
Woah, ang cute niya,
ganiyan ba siya
hanggang Grade 9?bentot
Oo hanggang sa nakakasabay
na sya sa dirty jokes tas iba
iba hahaha Pero pagdating sa
babae wala hahahacatot
Whatchu mean? Like
dirty jokes about sa girls?bentot
More on boys ganun
pero nahihiya padin sya
mag banggit nung mga anoalam mona hahaha
Like boots ganun wahahaha
catot
Sayang hindi ako 'yung
nanira ng kainosentehan
niya ;<
YOU ARE READING
Stolen Glances
RomanceSa pagbabalik ng klase ay makikilala ni Cassandra ang lalaking babago sa kaniyang buhay, kaso wala itong ibang bagay na gusto maliban sa pag-aaral. Mapapansin kaya nito ang mga nakaw niyang tingin?