Ave P. O. V.
Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan ang pagpatak ng mga luha ko. Malakas ang kidlat ka kaya impit akong napahawak sa dibdib ko. Marahan akong lumakad patungo sa kusina hababg pinapalis ang luha ko, patuloy akong naglakad para kumuha ng tubig nang may narinig akong nalalag na vase sa sala.
"Pa?" Tawag ko but he didn't respond.
Matapos kong uminom ng tubig ay tinungo ko ang sala. I saw him sitting at the sofa.
"Pa naman, parang bingi." Inis kong kinamot at ulo ko. Marahan itong lumingon.
"Hi, how are you miss beautiful." That baritone voice.
I-its KENZO!
Napakurap ako ng ilang bises pero nandun parin sya sa sofa.
"Jusko nagluluksa lang naman ako bat sya nagpapakita sa akin." Bulong ko at pinikit ang mga mata ko pero pagdilat ko, nandon parin sya.
Gusto ko nang tumili dahil sa takot na nararamdaman.
Narinig ko ang mahina n'yang tawa.
"Crazy Ave." He chuckled.
Marahan akong lumapit at hinawakan ang mukha nya. Jusko ang lamig!
"Di'ba patay kana? Bat mo ako minumulto?!" Sigaw ko.
He laughed.
"Crazy! Hindi ako patay, kakusa ko yun." Sambit nito. Marami mang tanong sa utak ko pero mas pinili kong lumapit sa kanya para sampalin, bwesit pinaiyak ako!
Hinarap ko sya, at ngayon ko lang napansin ang mga pasa sa leeg at mukha."A-anong nangyare sayo?" Tanong ko.
"They try to kill me." Nahihirapan n'yang sambit, habang hawak nya ang tagiliran nya. At ngayon ko lang napansin na nagdurugo Ito.
Parang nanginig ang boung sistima ko ng makita ang dugo.
"Dadalhin kita sa hospital." Sambit ko at sinubukan s'yang buhatin patumayo.
"Arghh!!" Mas nagdurugo ang sugat nya.
"Pa!" Taranta kong tawag kay papa. Hindi ko alam ang gagawin, kung didiinan ko ba ang sugat nya o dadalhin ko sya sa ospital kahit alam ko sa sarili kong hindi ko sya kayang buhatin.
"Ano bang pinagsisigaw mo jan, anak?"
Tanong nito habang kinukusot ang mga Mata."Pa, tulungan mo si Kenzo. May sugat sya pa! Pa bilis!" Taranta kong sambit.
"Ave, calm down." Bulong ni Kenzo na parang namamaos ang boses nito.
Bumaba si papa sa hagdan ang lumapit kay Kenzo. Nilingon ako ni papa na parang nagtataka.
"Tama ng baril...." Bulong ni papa.
"Papa, dating doctor ka naman eh! Kayang kaya mo na yan!" Inis kong sambit.
"Pero kulang ang kagamitan ko dito sa bahay." Sambit nito.
"Basta, gawin mo nalang pa, pakiusap!" Umiiyak kong sambit ng makita si Kenzo na nahihirapan, nangangapos na Ito sa paghinga
Pilit itong ngumiti bago hinimatay.
"Tulungan mo akong buhatin sya papuntang guess room." Sambit ni papa.
Dinala namin si Kenzo sa isang kwarto at inayos ni papa ang mga gamit nya.
"Anak mas makakabuti siguro Kong doon ka lang sa labas." Agad akong lumabas dahil alam Kong Kung mananatili ako dun sa loob baka mauna pa akong mamatay Kay Kenzo.
Nanlalamig ang mga kamay ko habang palakad lakad sa labas.Isang oras ang lumipas bang lumabas si papa sa pinto.
"Maayos na sya, nalinis ko na rin ang sugat nya, hintayin mo nalang ang paggising nya." Sambit nito at tuluyan ng lumabas.
Agad akong pumasok at nadatnan ko s'yang natutulog, tinignan ko ang sugat nya. Ang buong katawan, mariming pilat tama Ng Bala at sugat. Napabuntong hininga ako at napansin ang tatto sa dibdib nya.
May nakasulat dito.
I read it.
"Turning into a monster."