Chapter 1

3 1 0
                                    

Night Out

My motto in life is live your life to the fullest. I don't know, pero for me gumawa ka man ng maganda at hindi, may masasabit masasabi ang mga tao. So just do what makes you happy as long wala kang ginagawang masama o tinatapakan na tao.


To: Joana

Dito nako taft naglalakad, wru?

I was walking in the busy street of Vito cruz, taft papuntang Barn, it's thurday so HAPPY T.

From: Joana

Dito na sa taas nag order nako, si Aliesa otw na daw

After reading her reply, I put back  my phone on my pocket. Naririnig ko na ang ingay ng mga tao, maging ang mga tugtugan sa barn. Mas chill lang dito, unlike sa sherwood at local.

"lieeeeeee" i shouted nang makita ko si aliesa bumaba ng jeep.

"gurl, ang sexy ha kainis" bati sakin ni aliesa, i kissed her cheeks at sabay na kaming umakyat sa taas. Binobola na naman ako ng babaeng to, simple lang naman ang suot ko ngayon. I wore a denim tattered pants partnered with black tube for my top, and white sneakers. Diba sinong tanga ang mag white shoes sa inuman, hahahahaa ayoko naman kasi mag sandals baka matapakan mga kuko ko kakapalinis ko lang.

sumalubong samin ang maingay, matao at mausok na taas. May iilan na naka school uniform pa pero naka jacket pero ang karamihan mga naka porma.

We saw Joana waving at us, and when we reached our table nagbeso kami. Joana ordered pitcher for us, panimula lang to kasi lilipat din kami sa Sherwood.

"Sis, sana maka harvat tayo tonight" si Joana habang nagtitingin sa paligid. This girl talaga, sa aming tatlo eto ang parang walking tinder. Kasi everywhete we go, may lalaki. Habang kami ni liesa, chill lang.

"Te di pa ba pagod yang puday mo" pambabara naman ni Aliesa, natawa naman kami

Sa pang-apat na pitcher namin, I excused myself and went to the bathroom. Inayos ko ang sarili at umihi na din, nang makalabas ako.

"Hi, I'm Richard. Do you mind, papakilala lang kita sa friends ko. They want to know you kasi." hindi na bago sakin tong ganito, nang maging 18 years old ako halos gabi gabi nakong nasa bar, tho I used to drink when I was 16 pero bahay bahay lang since di pa kami pinapapasok sa mga bar.

"Uhm, su---" pasagot palang ako biglang, nakatayo at sumabat na si Kuya Jes sa tabi ko, kabanda ni Kuya Kevin sa Adamson "Chard, back off" ma autoridad niyang saad

"Jes, bro nakikipagkilala lang ako" malumanay na sagot ng lalaki kay kuya

"Sa iba nalang, wag na sakanya" hinawakan na ni Kuya Jes ang pulsuhan ko, pero hinawakan ni Richard ang isang pulsuhan ko

"Bakit bawal, isa ba to sa babae mo? May girlfriend ka ah" halos galit na din nitong saad, I think dahil nakainom na din sila, shet ayoko ng gulo, bakit kasi andito sila kuya

"Kapatid to ni Kevin, now if you still insist" kuya let go of my hand, "hindi na kita sagot kapag nilumpo ka niya dahil pinopormahan mo ang kapatid niya" and just like that this Richard guy let go of my hand, at hinila nako ni kuya Jes papunta sa table nila, nakita ko na ang mga matang nakatitig sakin. Kuya Brent, shaking his head na parang natutuwa pa. At si Ate Kelsy, girlfriend ni Kuya Jes na kumakaway sakin. Kuya Kelvin, na naka dekwatro pa pero di naman siya galit. Pero ang katabi niya na si Kuya Leo, nakakunot ang noo pero malamlam ang mata. Shit

"Hello baby girl", inurong ni Ate Kelsy ang upuan sa tabi niya para itabi ako sakanya, habang si Kuya Jes naman tumabi kay Kuya may binubulong at nakikibulong din si Kuya Leo.

Save the best for lastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon