Chapter 5

2 0 0
                                    

Notification


Halos 8:30pm nako ng makarating sa Xylo. Nagpasalamat ako kay kuya.

"what time tapos niyo?" tanong nito

"depends kuya." sagot ko

"Update your kuya from time to time." Seryosong sabi nito

Sumaludo ako dito ng mapang-asar, natawa naman ito sa aking ginawa. I wave, at pinaandar na nito ang kanyang kotse. At tinext na ang mga kaibigan. Sinundo ako ni Aliesa sa baba,

"si manong bert naghatid sayo?" tanong niya

"Hindi si kuya leo, may pinuntahan sila kuya eh sinundo si ate" sagot ko

Napa OH naman ang bibig nito, "Baka kayo talaga ni Kuya leo" pangbubuyo nito, "diba crush mo yon nung high school tayo?" pangaasar parin niya

"Tanga highschool pa yon hahahahaha tsaka nakababatang kapatid na babae lang turing non sakin." I answered

"Swerte mo no, ang dami mong kuya" inggit na sabi nito

Tumango lang ako. Oo sobrang swerte ko. Nang makapasok kami sa loob. Dumarerso kami sa VIP area, nag pa reserve sila para sa couch. Bineso ko lahat ng nakitang kakilala, andun halos lahat ng kaibigan namin. Naabutan ko sa table na may 3 JD, at 4 na Cuervo. Shit pangmalakasan ata ang inuman ngayon ah.

Humabol muna ako sa inom, at hinila na nila ako tumayo. Kinembutan ako nila Ella teasing me to dance. Pinatulan ko naman iyon at naghiyawan lang silang lahat.

Naghaharutan lang kaming mga girls, at onting catch up sa mga friends na ngayon nalang namin nakasama. Ang mag kaibigang lalaki naman ay nakaupo lang, natatawa kaming pinapanood habang naguusap ng tungkol sa basketball, boys.

"Sis may papakilala ako sayo" hinila ako ni Mae papunta sa baba.

"Guys" kaway nito ng makalapit kami sa table ng mga kalalakihan na mukang ka age lang namin.

"Mae, andito ka pala di ka nagsabi" tumayo ang lalaking kaibigan nito

"Im with my friends, nasa taas kami" tinuro pa nito ang pwesto sa taas "Anws, Per. Eto na yung promise ko sayo" saad nito, binugaw ba naman ako

Pero I stared at his face. He looks familiar

San ko ba to nakita, hmm

"Ikaw" sabi nito at tumayo ng nakangiti, ngumiti din ako "I'm Topher Andrada" the extend her hand to mine

Topher Andrada ..... Andrada ... Omo "Andrada? Kelsy Andrada? Ikaw yung pinsan niya?" eto yung pinagbigyan ng number ko ni Ate Kelsy. Inabot ko naman ang kamay niya bilang pagpapakilala "Kylie Ambroce" ngiti ko dito at tinanggap ang pag kamay nito

Medyo napatagal kami roon sa kanilang table. Nagulat ako ng itinapat ni Per ang phone niya sa muka ko, at nakit ko si ate Kelsy sa screen.

"Ateee" masayang tawag ko dito

"Are you two together?" She asks excitedly

Si per naman ang sumagot "Yes ate, nagkita kami dito sa Xylo" narinig ko nalang na binibilinan ni ate kelsy si per na ingatan ako at bantayan. Halos Isang oras din kami doon. Nang magpaalam kami na babalik na kami sa table namin.

Lahat ng taong masasalubong ay nginingitian na ni Ella. May amats na to.

Naglaro kami sa taas ng bobo lasing, feeling ko inuubos nalang nila yung alak. May iilan na nakapikit na sa couch at ang karamihan ay makukulit na. Nagpaalam nako para mag cr, syet halo halo na ang ininom ko. I also check my phone medyo blurry na pero 2am na.

Habang nakaupo sa bowl, nag tipa ako ng text at isinend yon kay kuya na nagpapasundo nako. Kapag balik ko sa taas, umupo muna ako. Nahihilo nako shems.

"Sis sa condo tayo ha" Sabi ni Joana ng tumabi ito sakin at sinandal ang ulo

"I can't sunduin ako ni kuya" sabi ko, na parang wala na siyang pake dahil sa antok

Nagyon chill na inom nalang kami, lima nalang ata kaming nagiinom. 3:30am na ng magaya silang umuwi na. Siguro wala pa din si Kuya kevin dahil wala pakong natatanggap na text mula sakanya. Nagpapaalaman na kami umuwi, at natanaw ko si kuya leo nakasandal sa kotse neto at nagyosi.

Bakit siya ang nagsundo, lasing na kaya si kuya kevin?

"Kuys san si kuya?" tanong ko dito

"Nasa bahay niyo, nagiinom pa kami pag alis ko eh?" sabi niya at tinapakan ang yosi umikot tumabi para maka daan ako

"Ha eh nagpasundo ako eh, tinext ko siya" naguguluhang sabi ko

natawa naman ito at napailing. Binuksan niya ang pinto, at umikot na sa kabila para makasakay na din siya. Im confused. Nilabas ko ang phone ko at chineck ang inbox.

Dang

"HALA KUYA IKAW NA TEXT KO" pasigaw kong saad, pumasok nako sa loob na gulat padin. "Sorry kuya, napabyahe ka tuloy" I pouted.

natatawa padin ito, "it's okay, mag seatbelt kana" sabi lang nito

Tahimik naming binabaybay ang daan, walang traffic dahil wala masyadong sasakyan na pauwi. I rolled down the windom, at pinatong ang baba sa mga kamay.

"Kuya alam mo miss ko na mag rides tayo, yung ililibre moko kapag pinapagalitan ako nila mommy nung high school ako" nakangiti habang inaalala ang panahon na yon

"Yeah, dalaga kana eh." sabi nito

"Tss eh ano naman. Baby niyo padin ako" Sabi ko

"Baby" bulong niya, "Ikaw lang naman ang hindi na lumalapit sakin eh",

"Wow ikaw kaya. Tsaka eh kasi naman, syempre I know how to distance myself. Naalala ko inaway ako nung jowa ni kuya brent nung 1st year college kayo" nakangusong saad ko at sinarado na ang bintana

natawa ito, "you did nothing wrong Yv. Wala lang talaga sa lugar yung ex niya. Kaya nga niya hiniwalayan diba", tumango tango ako

"gusto ko kasi magka-girlfriend na kayo para di na ako yung kinukulit niyo" sabi ko pa

"kuya mo muna" pang-aasar nito, natawa nalang din ako

We listened to his Rex Orange playlist on his spotify, and nag jam din kami. Kanina lang ay inaantok nako pero ngayon dilat na dilat pako. Nang makarating kami sa bahay, si manang ang naabutan namin nagliligpit ng pinaginuman nila kuya.

"Manang" bati ko dito

"Nako kang bata ka, inistorbo mo pa tong si Leo, nakainom na ito eh" pagalit nito sakin, umakyat nako sa taas. Upang makapagpalit at matulog na.

I opened my messenger

To: Leo Pascual

Tenchu kuya sa pagsundo. Goodnight po.

sent.

then 2 notification on my ig. I opened it.

Patrick Abad liked your story

Patrick Abad replied to your story : Stunning.

Napakunot ang noo ko, we followed each other but we don't have that much of interaction. Gaya ng sabi ko, nakakasama ko lang ito sa room pero di kami ganon ka close. I distance myself to their circle.

Then I saw,  leojace_ liked your story.

pinindot ko ito at nakitang ang video namin ito na kumakanta.

at muli another notification.

Patrick Abad: Hi!

At tuluyan na akong kinuha ng kadiliman.

Save the best for lastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon