For you.
Bakit ba kasi ang lapit ng saturday at sunday sa lunes eh. Tapos ang layo ng lunes sa friday. Argggg kainis.
"Good morning Kylie" bati ni Patrick sakin habang nakatambay sila sa hallway. Tinignan ko lang ito at nginitian.
Ang weird niya ha.
Nang magsimula ang unang klase, nagreport lang sila Jay sa harapan namin para Undertsanding the Self, tapos na kami kaya chill nalang kami dito sa gedli. Buti nalang nag chat agad yung prof namin sa second subject namin na di siya makakapasok, hays kaso ang next subject ko pa ay 1pm.
Habang nakaupo kami nila Ares, Rhizalyn at Keith sa arcade, ang init dito. Nagulat naman kami biglang umupo si Patrick sa harap ko. Nagkatinginan kaming apat, classmates namin sila pero, my friends knew I don't like their circle.
"Bakit ka andito Pat?" tanong ni keith habang nagphone
"Uhm wala lang" nakangiting sagot niya, mas lalo akong nagulat ng tumayo ito at nilapag ang iced coffee sa harap ko. Hindi niya na ako hinayaan pang magsalita at umalis na ito.
May note doon ' for you.'
Siniko naman ako ng katabi kong si Ares "Girl magkakajowa kana ata" pangaasar neto
Tinukso lang nila ako ng tinukso.
"Classmates ko yan nung high school, dito din siya nag aral. Mabait yan. As in madalas nga mapagkamalang bakla yan eh kasi laging nakangiti tapos ang feminine niya kasi kumilos, soft spoken pa" sabi naman ni keith, tinuon ko naman ang attention si impormasyon na nasagap
"Pero diba sabi nila pinopormahan non si Nicole?" si nicole yung classmates namin na tropa niya, alam ko din yon naririnig ko din yon.
kumunot naman ang noo ni Rhizalyn "ha? alam ko may jowa yon si nicole eh. Sa ibang school. Baka barkada, diba malapit talaga siya sa babae"
Hindi ako interesado. Pero kung ano man tong palabas niya, di ko siya sasabayan.
Pumasok na kami sa last subject namin na Intro to Psych. Anf prof namin dito siya din ang program chair ng psychology. So nag announce muna siya bago mag klase.
"This coming August magkakaron ng Buwan ng Wika. 1 week yon so there will be no classes. Each course should have a representative." Sabi nito, "Eto yung paper, ipapaikot ko to kindly write your name kung saan kayo sasali" dagdag niya pa
Nakarating sakin ang papel, walang sumali sa pagkanta, sinulat ko ang pangalan ko don.
Binalik namin ang papel kay maam, "sa mga nagsulat bawal mag backout, para sa sasali may incentives naman yon sa bawat subject." binasa nito ang nakasulat "Hm Ms. Ambroce, kakanta ka?" tanong nito, ramdam ko ang mga titig ng mga classmates ko sakin.
Tumango at ngumiti ako kay maam.
"Do you have any piece on your mind?" she asked
"Madami naman po maam, siguro mamimili pa po ako" nahihiya kong sagot
"Would you mind, I want to hear you. Any song would do" request neto, paano naman ako makakatanggi eh si maam na nag request
Nag isip ako, Huling Sandali nalang siguro
"At sa bawat minuto
Ako'y 'di natuto
Ipilit mang iba ako'y maghihintay sayo
Ikaw ang aking kapiling sa huling sandali
Kasalanan ba kung puso natin ang magwawagi"Lahat sila pumalakpak, nung hinarap ko sila nagtagpo ang mata namin ni Patrick.
"Nakakabitin naman, pero sige sa contest mo na yan tago mo muna baka maiingiit yung ibang course" nagtawanan naman sila sa sinabi ni maam
Nagpatuloy ang klase, pero di maalis sa isip ko ang tingin ni Patrick.
Siniko naman ako ni Ares, "tangina mo be, nabihag mo ata si Abad, grabe makatingin" pambubuyo niya sakin
Hindi ko na ito pinansin.
Nang matapos ang class ko, umuwi na agad ako. Kahit na may driver kami, mas pinipili ko pading mag commute pauwi lalo na kapag di ako masasabay ni kuya since gabi ang tapos ng class nila madalas. Lunes palang pero pagod nako. Ang dami naming assignments, need ko pa mag sulat ng notes. Fuck numbers, sana kasi nakuha ko yung talino ni kuya sa math eh.
Balak ko sanang mag power nap lang pero nagising ako, 7:00 pm na. So ginawa ko na dapat ang mga dapat gawin while eating my salad for dinner., yes healthy living tayo hahahahaha.
I took a picture of my messy desk, with notebooks, ipad, pens and stabilo for my story. And I put cption 'mas gaganahan sana ako kapag may sb eh'.
Maya maya, nag reply si Kuya Brent ng picture nila ni Kuya nasa SB. Kainis iniinggit pako.
I replied, enge :(
Nag reply ito ng, 'tunaw na to bebe kapag dating sayo hahaha bleh'
Nag reply din si Kuya Kevs sakin ng, 'I'll treat you on weekend'
Nag ningning agad ang mata ko, and I type my reply, 'thank you kuyaaa, i love youuu. Ingat pauwi'
30 minutes passed, may nag text sakin na grab. May otw daw na delivery.
What the fuck? What did I order?. So, I opened my Grab app, wala naman. Shit baka na wrong bookings or scam si kuya?
Maya maya, the driver called me. Nasa baba na daw siya.
Inabot nito sakin ang paper bag ng starbucks. Inopen ko and I saw my favorite drink Matcha Green Tea Frappuccino with Crepe Cake Slice.
"Kuya how much po?" I ask
"Ay bayad na po yan maam" he answered
"Po? wala po kasi akong inorder. May name po ba dyan para makita kung sino nag order?" sabi ko
"Ay baka secret admirer mo mam" biro neto, "meron maam kaso di po pwede, may note kasi na secret lang. Baka ireklamo ako kapag sinabi ko" sabi nito sabay alis na
Shit. Sino ka?
Umakyat ako agad sa taas, I check who viewed my story. Sila ares, some of my classmates, friends, Ate Kelsy, Kuya Brent, Kuya Kevs, Kuya Leo and Patrick.
"Could it be?" bulong ko sa sarili ko
Pinicturan ko ito, with caption. 'Thank you kung sino ka man ❤️🔥'. Andito naman na eh, bayad na rin. Might as well eat it.
Ilang oras lang bombarded na notifs ko, madaming nag like at reply sa story ko ang iilan dito ay sina
aRESinpeace: Hala ginawa na ni patrick ang baso
I replied; 'gagu'
yourjo: the whooooo?
I replied; 'not sure walang nakalagay sino nagpadala uwu'
rhzlnvn: Ay babaeng marangal siya
I replied; 'huy b ako lang to'
brntigs: Okay screenshot sinend ko na sa kuya mo
I replied; ''KUYAAAAAAAAA
Itskelsy: Omo, baby girl is not so baby anymore.
I replied; 'ate baka sayo to galing ha, nasa sb kayo nila kuya eh'
then it was my kuya kevin calling me.
Patay.
"Kuya" sabi ko when I answered the phone
"Anong kuya, sino nag padala niyan ha?" Tanong nito
"I don't know, walang name eh. Baka kayo nasa sb kayo eh" Sabi ko. I heard he asks his friends if sila ba, narinig kong sumagot sila na hindi
"Spill it who? Nang makilatis" saad nito, hindi galit
"Kuya naman eh, di ko nga alam" sagot ko dito
"Tss" At binaba nito ang tawag
Hay good lord.
BINABASA MO ANG
Save the best for last
General FictionIn the end, we discover that loving and letting go can be the same thing ......