Chapter 2

2 0 0
                                    

Encounter

Nagmamadali akong maglakad, dahil late nako. 10 am nako nakarating sa school. Second subject na. Bukod sa may hangover pako nag commute lang ako papasok dito sa Baste wala kasing pasok sila kuya at kapag alis ko kanina tulog padin siya. Hindi ko din alam, bakit dito ako nag enroll, eh may Baste naman sa Cavite pero siguro kasi sinundan ko lang ang mga friends ko. We wanted to explore Manila dito kami napadpad. Dapat kasi sa UE kaso, di kami naka abot sa pagpasa ng application, same din sa beda. Eh nagsimula na ang first sem nila, cutoff na din ang Psychology course sakanila. Buti nalang available pa dito. Wala atang nag enroll charot.

Nagmamadali akong maglakad sa hallway. Nang bigla akong nabunggo, masakit yon kaya napa aray ako, si Patrick pala. "Aray shuta naman" masungit na sabi ko dito. "Ay kylie, Sorry" saad nito pero hindi ko pinansin.

Medyo nagbagal nakong maglakad, since nandito sila sa labas then I guess walang prof. Kapag pasok ko, hinanap agad ng mata ko group of friends ko sa school. When I reached them, "Tangena babes lasing ka pa ata" sabi ni Ares, tumawa lang ako at umupo.

Hindi ako yung tipo na palaaway, I can easily get along with other people. Pero I just don't like their circle. Though nakakasama ko naman sila, di lang madalas.

"Babes, gisingin moko kapag may prof na" bilin ko sa classmate ko at nagsuot ng hoodie, earphone at natulog lang ako sa likod, habang walang prof.

Ilang sandali palang ginising nako ni wish dumating na si Maam Cabuhal para sa Math in the Modern World na subject, late na siya. May hangover pako shit nahihilo pako sa mga numbers nato.

My phone vibrated, I took it out and saw my kuya's name on the screen

From: Kuya Kevin

Nakapasok kana? Sorry kakagising ko lang. Sana nagpahatid kana kay manong bert.

I secretly type to reply,

To: KuyaKevin

Yes kuya, It's okay pahinga ka lang. Wasted ka kagabi, weak.

sent.


Tinignan ko ang oras, ang bagal ng oras tangina. 11:30 palang, 30mins pa para matapos to. gusto ko na kumain, I haven't had my breakfast.

"Naintindihan niyo ba class? is there any questiosn? any clarification?" Maam Cabuhal

"None so far maam" saad ng classmate ko ng walang gustong magtanong

"Okay since there's no question and clarification. I will dismiss this class now." napa yes naman ang class "Timothy kindly lead the prayer", pumunta si tim sa harapan at nagtayuan kami.

Nang matapos ang pagdarasal, inaya ko ang mga kaibigan  sa mcdo. Gusto pa nga nila boss bong, pero di ko kaya magantay at lakad ng malayo feeling ko hihimatayin nako.

"Next po, May I take your order" sabi ng nakangiting babaeng cashier sakin

"yung 1pc chicken with medium fries and drinks po" sabi ko

"spicy po yung chicken?" cashier

"hindi po, thigh please. Coke po yung drinks and pa add ng 1 vanilla iced coffee pero can it be served later?" I answered politely

"Sure maam, lapit nalang po kayo sakanila. that would be 239 pesos" cashier

Inabot ko ang 500 peso bill, at inabot naman nito agad ang sukli at resibo maging ang number para sa take out kong iced coffee

Mcdo is my comfort food, dalhin moko sa mamahaling kainan pero mabubusog agad ako pero di ako satisfy. Pero sa mcdo ewan ko ba hinahanap hanap ng bibig ko hahahahha madalas ako napapagalitan sa bahay dahil sa hilig ko dito.

Save the best for lastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon