Chapter 2•

9 2 0
                                    

Savi

-continuation of the flashbacks-

-
'I saw Leigh changed because of her passion to art, pero pa'no kung hindi talaga at ako ang nag-kamali?'

Pag pasok ko ng bahay nakita ko kung gaano kagulo at karumi ang bahay, mga pintura na nakakalat kung saan-saan. Pula, dilaw, asul at iba pa. May mga putol na mga paint brushes at sira na mga canvas. At alam ko na si Leigh nanaman ang dahilan, nag-wala nanaman s'ya.

"Ano mayro'n sa mga company ngayon? Ayaw nanaman nila 'yung piece ko, sabi nila na i didn't do enough. Mga gago kasi." Ang reklamo n'ya, nakayuko s'ya habang nakaupo.
"Leigh, may kakilala ako'ng tao na baka mag-accept sa'yo kapag nag-apply ka sa kan'ya-"
"El, ang kailangan ng mga painter ngayon ay galing hindi kagaguhan."  Ang sabi n'ya habang dinadampot ko ang mga kalat n'ya kahit pagod na ako sa araw na 'to.
"Tutulungan kita mag hanap ng companies-"
"Hindi na El."
"El, no. Ako nalang, leave it to me."

Pumunta nalang ako sa kusina upang mag hugas ng mga pinggan.

-

"I'm sorry El." Naramdaman ko ang mga mainit at malalambot na mga kamay ni Leigh sa likod ko na yumayakap sa'kin habang nag-huhugas ako
"Nakaka-drain lang ang mga nangyayari sa'kin lately."
"okay lang." Ang sabi ko at tumingin ako sa kan'ya.

-

"Nasan ka na? Saviella, this is MCAT, Get here on time."  Ang sabi ng kaibigan ko na si Maiko, he's gay and very wise. Future doctor kami'ng dalawa.
"Yes, I'll be there." Pinatay ko ang tawag at pinuntahan ko na si Leigh sa isang bar.

"Bayaran mo 'to lahat!" Ang sabi ng guard kay Leigh, nakita ko na sinisigawan ng guard si Leigh habang lasing na lasing na s'ya.
Pinuntahan ko s'ya at tinulungan ko s'ya tumayo.
"El,let's go. May exam ako today."

Habang tinutulungan ko s'ya lumabas, bigla'ng may lumapit na waiter sa akin.
"Ma'am, eto po 'yung total damages."
"Bayaran mo 'yan lahat!" Ang sabay pa ng guard.
"Nakasira rin po s'ya ng upuan, at nabigyan n'ya po ng damage gas stove na'min ma'am."

At s'yempre binayaran ko lahat.

-

"Leigh please." Ang sabi ko habang ang mga mata ko ay paiyak na dahil pagod na pagod na ako, pero gusto ko na ligtas si Leigh. Ayoko maiwan s'ya mag isa sa daan.
"Leigh please, halika na, please."
"sorry Savi." Ang sabi ni Leigh habang hirap na hirap na ako.
"it's okay, ayos lang." Naramdaman ko ang mga luha ko sa tumutulo na.

Habang palakad na kami sa babaan ng jeep, biglang tumawag si Maiko.

"Maiko?"
"Savi! Nasaan ka na?! Bilisan mo, malapit na mag simula!"
"Oo, wait, wai-"
'Di ko pa natatapos ang sinasabi ko pero bigla nalang sumuka si Leigh sa damit ko.

"Na ko po Savi! Iwan mo na si Leigh d'yan, okay? Iwan mo na s'ya."
"Are you thinking of sacrificing med school? 'Wag naman, 'wag mo itapon kinabukasan mo para sa gago'ng 'yan! For once, try putting yourself first!" Pinatay ni Maiko ang tawag.
Hindi ko na mapigilan ang tuluyan na pag luha ko.

"I'm sorry, kailangan ko lang 'to gawin. Ngayon lang 'to, pag-bigyan mo ako Leigh."
Iniwan ko na nakahiga sa daan si Leigh, lasing, wala sa sarili at umiiyak na 'rin.
Sumakay ako sa jeep at tumingin agad ako sa kan'ya habang umaandar na ang jeep.

As i look at Leigh, nag-sisi ako na iniwan ko s'ya kaya i decided to go back to her. At hindi ko na namalayan na tinalukuran ko na ang dream ko.

"Kuya, baba po ako! Para!" Ang sabi ko sa driver at madaling-madali ako bumaba. At pinuntahan ko na s'ya.

---

•Huling Sandali•Where stories live. Discover now