Savi
-
Pag uwi ko, hinihintay ako ni Leigh, nakaupo s'ya sa may bintana.
"Good evening madam Savi." Ang sabi n'ya habang paakyat ako sa hagdan at hindi ko s'ya pinansin. Nung nakarating na ako sa may pinto, kinuha ko ang susi at sinubukan ko buksan ang pinto, pero ayaw. Tumingin ako kay Leigh at nakangiti lang s'ya sa akin, ah alam ko na kung bakit 'to nakangiti. "Pinalitan mo ang lock ng pinto 'no?" Humarap ako sa kan'ya, hindi s'ya sumasagot nakangiti lang talaga s'ya. "Tangina neto-" Pumunta ako sa harap ng bintana at hahatawin ko na sana s'ya, pero nakailag na agad s'ya at tumakbo s'ya papunta sa may pinto. She opened the door at tumawa s'ya, "Come in na madam Savi." Ang sabi n'ya at ngumiti s'ya.Pag pasok ko, napatingin ako sa paligid. Ang linis, wala ng alikabok sa sofa, nakatabi na ang mga gamit ni Leigh sa sala, wala'ng kaguluhan.
"Inayos ko bahay na'tin El, napaka-rumi kasi at may mga germs pa. Baka mag-kavirus pa ang Savi ko." Ang sabi n'ya at lumuhod s'ya harap ko, akala ko kung ano gagawin n'ya pero bigla n'ya pinunasan ang mga sapatos ko gamit ang wipes. Aba? Is this you Leigh?
"Don't call me El and you don't have the rights to call me 'Savi ko' diba?" Tumayo s'ya at ngumiti. "Ay na-miss kasi talaga kita Savi e." She pouted, teka ba't ba ako kinikilig sa babae na 'to.
"Tumabi ka nga, alis." I rolled my eyes and i push her aside, aggresively.
"Nakakasakit ka na Savivi ah." Sinundan n'ya ako papunta sa kusina at hinawakan n'ya ako sa braso ko at tinanggal ko ito ng mabilis,
"Hoy ikaw, you crossed the line na ah." Ang sabi ko habang naka hawak ako sa kamay n'ya na hindi ko namalayan.
"Wala naman line oh." She said sarcastically at tumingin s'ya sa sahig. Napipikon na ako puta.
"Edi gagawa ako." Ngumiti ako na pang-asar sa kan'ya.-
kinabukasan, natapos na rin ang paghati ko ng side na'min sa bahay. Nilagyan ko ng line gamit ang ang tape.
"Ayan, d'yan ka sa sala hanggang sa kalahati ng kusina." Ang sabi ko at tumingin ako sa kan'ya.
"Hala, Savi sa sofa ako matutulog?" Ang tanong n'ya sa'kin at napakamot s'ya sa likod ng leeg n'ya.
"Oo malamang, ayaw kita makasama sa higaan ko, may rules ako."
"May rules-rules pa'ng nalalaman nge nge." Ang bulong ni Leigh habang nakatingin s'ya sa paligid namin, akala n'ya 'di ko naririnig reklamo n'ya ah.
"May sinasabi ka ba Leigh?" Ang seryoso na pag tanong ko sa kan'ya at napatingin s'ya sa akin. Haha, takot.
"Wala po hehe, ano po ba rules n'yo Savi ko?" Ang tanong n'ya at ngumiti s'ya. Amputa 'Savi ko' yuck kadiri,shooshoo.
"You can't cross over the line, at 'di ko rin pwede gawin 'yun sa'yo. May schedule rin tayo sa cr. And lastly, wala'ng pakielaman ng gamit." Ang sabi ko at tinulak ko s'ya papasok sa line n'ya.
"Ayun lang pala e! Pero Savi ko, kawawa ako oh, sa sofa lang ako matutulog." Ang mahina n'yang pag sabi, sa tingin n'ya ba maaawa ako? No way.
"You don't have a choice." Ngumiti ako para maasar na s'ya.
"Ah sige, ginagan'yan mo ako Savi ako." Ang sabi n'ya. Nag eye contact kami pa kami, shit. Ang ganda ng mga mata n'ya, inaakit nanaman n'ya ako.
Bigla s'ya tumawid sa guhit at tumakbo s'ya papunta sa kwarto ko."Leigh! Diba kakasabi ko lang ng mga rules?!" Sinundan ko s'ya.
Tumalon s'ya sa higaan ko at tumingin s'ya sa akin. "Tabi nalang tayo dito, para may kasama ako. I'm scared of the dark diba?" She pouted, tinatapik n'ya ang space na natira sa higaan na para ba'ng niyaya n'ya ako tumabi sa kan'ya.
"Oh ano gusto mo gawin ko? Ew ka kaya, ang demanding mo talaga Leigh 'no?"
"Tabi nga tayo e." She started to stomp her feet habang naka higa s'ya.
"Magugulo 'yung higaan ano ba-" Sinubukan ko s'ya paalisin pero ayaw n'ya talaga n'ya.
"Oh? Ano gagawin mo ngayon Savi ko?" She smiled teasingly.I went on her top, I placed my hand sa may waist n'ya.
"Hm, Leigh. Akin nalang 'yung baba ng ref at sa'yo ang freezer ah?" Ang tanong ko habang inaakit ko s'ya, alam ko pa'rin ang kahinaan n'ya.
Nakatulala lang s'ya sa akin at she nodded. "Akin nalang 'rin ang gripo ah?" Ang tanong ko habang nakangiti na ako sa tagumpay.
"Y-yes..-" Nauutal na rin s'ya, alam ko na nanghihina na s'ya.
Umalis ako sa ibabaw n'ya "Thanks Leigh, shoo shoo ka na nga sa higaan ko." Ngumiti ako sa lumabas ako ng kwarto.Sinundan n'ya ako papunta sa kusina. "HALA HOY PA'NO AKO IINOM GAMIT ANG FREEZER?" Ang tanong n'ya at binuksan n'ya ang freezer na puro yelo lang ang laman.
"Bahala ka d'yan, bye mag-wowork na ako. 'Yung rules ah?" Tumingin ako sa kan'ya habang palabas na ako sa pinto. "HOY TANGINA MO TALAGA SAVI-" Sumigaw s'ya, aw kawawa naman ang Leigh na 'yan,
I waved at her, sinabayan ko ng ngiti at umalis na ako.
Ang cute n'ya mainis, wala'ng nag bago.---
YOU ARE READING
•Huling Sandali•
RomanceA young couple dreams of growing old together, as they deal with the struggles of being in a long term relationship.