Savi
-continuation of flashbacks-
Gabi na, kakauwi ko lang galing sa side job ko, ang dami ko pa'ng gagawin sa bahay. Napakagulo ng bahay, wala pa so Leigh. Puro gamit ni Leigh ang pakalat-kalat.
Pagod na ako oh.Umupo ako sa lamesa at sinindihan ang kandila ng cake ko na kaunti at expired pa. Wala na kami'ng pera, wala'ng kuryente, wala'ng tubig, wala'ng wala na kami.
Nakatulala lang ako, hinihintay si Leigh.Bumukas 'yung pinto pero hindi na ako tumingin dahil alam ko na si Leigh 'yun.
"El?" Si Leigh nga.
Tinabihan n'ya ako pero wala ako'ng kibo. Nakatulala lang ako.
"Happy birthday El." She smiled at me. Pero ngayon lang n'ya naalala na birthday ko? Grabe matatapos na nga e.
"Eto,El. I bought that for you." Binigyan n'ya ako ng regalo, isang libro.
I slammed the book sa table at pumunta ako sa sala para ayusin ang mga gamit doon, may sama ako ng loob kay Leigh. Sumusobra na s'ya sa lahat."Savi ko, galit ka ba?"
"El, kausapin mo naman ako oh." Sa bawat salita n'ya na sinasabi, hindi ko s'ya pinapansin dahil sa sama ng loob ko.
"Kung galit ka sabihin mo sa akin, Savi ko."
"May nagawa ba ako?"
"Kausapin mo ako ,El." Natahimik ng ilang segundo, nakatingin lang s'ya sa'kin habang nililigpit ko mga kalat n'ya kung saan-saan."Akin na 'yan, akin na." Inagaw n'ya sa'kin ang hawak-hawak ko na libro na nililigpit ko, kaya napatingin ako sa kan'ya.
"El, ano mayro'n? Sabihin mo sa'kin El. Para ako'ng tanga dito oh, kausapin mo na ako." Naramdaman ko na kumirot puso ko sa galit, sa pagot at sa sakit na nanggagaling kay Leigh.-
"Kung galit ka, murahin mo ko! Kung gusto mo saktan mo pa ako e!" Ang sigaw ni Leigh sa'kin habang nakatalikod ako, ayaw ko tumingin sa kan'ya. Nasasaktan ako lalo kung nakatingin ako sa kan'ya.
"Pagod ka na?"
"Sumusuko ka na ba? Pagod ka na ba sa akin-?""Oo! Pagod na pagod na pagod na ako Leigh!" Hindi ko na napigilan
"Pagod na ako sa pag linis ng mga kalat mo, pagod na ako mag-aral, pagod na 'ko isipin kung pa'no mo ko nakikita na naghihirap para lang mabayaran 'yung mga putangina na bills na'tin!" Tumingin ako kay Leigh habang sinisigawan ko s'ya, wala nang lumalabas sa bibig n'ya. Bigla s'ya natahimik.
"Pero ikaw, tuloy-tuloy ka pa'rin sa lintik na passion mo na 'yan!" Ang sabi ko habang sinisira ko na ang mga bagay na nasa paligid ko, nasama na ang mga libro na paborito na'min ni Leigh. "Tangina'ng passion 'yan! Hindi tayo mapapakain ng passion mo!" Pinag-babaksak ko mga gamit na nasa shelves dahil sa galit ko sa kan'ya."Wala ka'ng pera pambili ng cupcake para sakin?!" Ang tanong ko sa kan'ya.
"Pero may pera ka para dito!" Pumunta ako sa lamesa at binato ko ang libro na binili n'ya para sa akin."Pagod na ako gumising at umasa na 'yung dati'ng Leigh na minahal ko babalk na! Pagod na ako mag hintay na itutupad mo mga pangako mo sa akin! Pagod na ako ipagtanggol ka sa mga kaibigan ko!" Ang mga sigaw ko kay Leigh habang umiiyak na ako sa harap n'ya.
"Bakit Savi? Wala ka na ba'ng tiwala sa akin? Hindi ka na ba naniniwala sa akin?" Ang mahina na pag sabi ni Leigh.
"Naniwala ako sa'yo and that was my biggest mistake. Pagod na ako m-mag mukha'ng tanga, L-leigh." Nauutal na ako sa pag-iyak ko habang nakayuko na ako dahil nanghihina rin ako."Will your life be better without me?" Ang tanong ni Leigh na nag-paramdaman sa'kin na parang nagkawasakwasak na ang bawat piyesa ko.
"Gusto mo ba na umalis na ako, Savi?" Nakita ko ang pag-luha ni Leigh habang nakayuko s'ya.
"Umalis ka na, p-please. Just leave." Ang sabi ko habang iyak ako nang iyak. 'Di ko na mapigilan ang sarili ko.Sinunod ako ni Leigh, umalis s'ya. Nung nakita ko s'ya mag-lakad palabas, huminto mundo ko. Parang sinaksak ako nang paulit-ulit. Bigla nalang umulan, kumulog nang malakas at bigla nalang ako nagising. Why did i let her go?
Tumakbo ako palabas at pumunta ako sa kalsada.
"Leigh? Leigh, nasaan ka na?" Tumingin ako sa paligid ko, napansin ko na wala na s'ya. Wala na ang Leigh ko.---
YOU ARE READING
•Huling Sandali•
RomanceA young couple dreams of growing old together, as they deal with the struggles of being in a long term relationship.