7:10 AM.
Gusto na lang sumabog at magsabi ng masasamang words si Freen nang makita niya ang oras sa kanyang wall clock na nakasabit sa kanyang kwarto. 8AM ang kanyang pasok sa opisina, lunes ngayon at may meeting kasama ang may-ari ng kanyang pinagtratrabahuan. Coding siya ngayon kaya wala siyang ibang choice kung hindi ang mag commute. Hindi naman kaya ng taxi ang bumyahe sa EDSA ng 30 mins lang, kaya kailangan na niya talagang mag-jeep na sobrang ayaw niya dahil sa polusyon at siksikan.
Isang kalahating oras ang kailangan niya para makapag-ayos ng sarili. Para sa isang babae, napaka-vain niya talaga kung maituturing. Pero dahil nga sa gandang pogi siya at maporma, wala rin namang duda kung bakit. Nag-iisip siya ngayon kung paano pagkakasyahin ang 20 minutes sa pagliligo, pag-aayos ng buhok, pamimili ng damit, at iba pa niyang ginagawa tuwing umaga.
Dahil sa pagmamadali, patakbo-takbo siya sa kanyang condo unit, pabalik-balik sa kwarto at sa banyo. Mag-isa lang siyang nakatira kaya ang kalat-kalat, kung saan saan niya lang nilalagay ang kanyang maruruming damit lalo na kapag nagmamadali siya. Sabi nga ng mga kaibigan niya na si Lisa at Winter, kung gaano kalinis sa katawan si Freen, ganun naman kadumi ang kanyang condo unit. Looks can be deceiving ika nga nila.
Palabas na siya sa kanyang condo unit nang sinilip niya ang oras sa kanyang wristwatch at nagulat dahil 7:35 na, may twenty-five minutes na lang siya na naiwan. Dali dali siyang tumakbo patungo sa terminal ng jeep. Hindi niya inakala na kaya niya palang bilisan ang kanyang pagkilos kapag late na siya. Kung ang trabaho naman ang nakataya, kailangan talaga na maging mabilis.
Nang makarating sa terminal ng jeep, biglang napamura si Freen dahil dalawang ikot pa ang haba ng pila. Swerte siya ngayon dahil mabilis naman ang dating ng mga jeep at dire-diretso lang ang usad ng pila. Akmang aakyat na si Freen sa jeep dahil siya ang huling pasahero na nakalinya nang may lumapit sa kanyang babae na nakasuot ng corporate attire at hingal na hingal.
"Pwede ba na mauna muna ako? Nagmamadali rin kasi ako eh. Please!" sabi ng babae habang inaayos ang nagusot na damit at magulo nitong buhok na tumatakip na sa kanyang mukha.
Napakamot naman sa batok si Freen. "Nako miss ako rin eh, pasensya- "
"Unang araw ko kasi sa trabaho, sige na po maawa ka na."
"Baka naman maging last day ko na ngayon sa trabaho miss."
Bigla namang sumingit ang barker at sumigaw. "Pakiayos na po yan, maraming naaabala! Aalis na itong jeep!"
Napabuntong hinga naman ng malalim si Freen. Naawa rin siya sa babae, at maganda rin naman ito kaya okay lang.
"Okay sige sasabit nalang ako miss." Sabi niya sa babae at nginitian ito.
"Thank you po, thank you talaga!" at sumakay na ang babae. Sumabit na rin si Freen at umandar na ang sinasakyang jeep.
Hindi naman maiwasang magsisi ni Freen sa kanyang desisyon. Dahil nga sa nakasabit siya sa jeep, amoy usok na siya at ang aga aga pa. Para tuloy siyang tanga tingnan na pormal ang suot pero nakasabit ngayon sa jeep. Wala bang bababa sa inyo dyan?! Inis na sigaw niya sa kanyang isipan. Inayos naman niya ang pwesto niya para makasandal at maipasok ang ulo sa loob ng jeep. Nakita naman niya ang babae na kaninang kausap niya na pinasakay niya na ngayon ay natutulog at nalalaglag-laglag pa ang ulo dahil sa sinasakyang jeep.
Napangiti naman si Freen sa nakita. Guilty pleasure niya ang makakita ng mga taong ganito kapag nagcocommute siya. Masama man pakinggan pero hindi niya kasi talaga mapigilan. Nagising naman ang babae at sumilip sa bintana, tinitingnan kung malapit na ba siyang bumaba o baka lumampas na. Napahinga naman siya ng maluwag at nag-ayos ng sarili.
May bumaba kaya nakaupo na rin sa wakas si Freen. Tumingin siya sa kanyang wristwatch, 7:55. Sumilip siya sa bintana at natatanaw na niya ang building kung saan siya nagtratrabaho. Hindi pa siya late kung tatakbo siya agad pagkababa niya ng jeep.
BINABASA MO ANG
FIX YOU
FanfictionFREENBECKY | ADAPTATION ©ORIGINAL AUTHOR RECEIVES CREDIT AND APPRECIATION To what extent are you willing to offer and do just to break in and be with her when she has already decided to enclose herself in a self-built universe full of hatred?