CHIKAHAN TIME

68 6 0
                                    

Nagulat si Becca nang magising siya sa higaan, Naalala niyang sa sahig siya nakatulog kagabi dahil sa paghihintay kay Freen, o baka hindi niya lang maalalang pumunta muna siya sa kama dahil sa sobrang antok.

Dali-dali siyang lumingon sa kaliwa at tiningnan kung may katabi ba siya sa higaan pero wala siyang nakita. Nakahinga naman siya ng maluwang. Nakarinig siya ng mahina at mababang paghilik na nanggagaling sa gilid ng higaan at napangiti siya nang makita si Freen na himbing na himbing pa sa pagtulog.

Dumiretso siya sa banyo para sa kanyang morning rituals. Pagkatapos mag-ayos ng sarili, pumunta siya sa mini-kitchen at binuksan ang ref para maghanap ng makakain. May mga microwavable na food, carton of milk and iba pa. Kumuha siya ng dalawang pack ng food at inilagay sa microwave para initin pero natigilan siya saglit.

Kailangan ko pa ba siyang handaan ng makakain? baka ma-misinterpret niya, ang feeler pa naman nun. Nevermind, bahala na siya pagkagising niya.

"Ano yan?" nagulat naman si Becca nang may biglang nagsalita sa likod niya. Si Freen, bagong gising at napakagulo pa ng buhok. "Wala na bang ibang ulam? Hindi kasi ako kumakain nyan eh." Sabi niya habang naglalakad papalapit sa ref.

"Freen, please wear your pants or anything longer and more appropriate than that." Sabi ni Becca habang nakaharap pa rin sa counter at hindi tumitingin kay Freen.

Natawa naman si Freen at naalala niyang nakasuot nga lang pala siya ng boxers. Kinusot-kusot niya ang mata niya para mawala ang antok at naglakad papunta sa banyo. "Sorry. Nasanay lang. may coffee ba dyan?"

"I'll check kung meron, ipagtitimpla kita pero please Freen magbihis ka na." at binuksan ang kitchen cabinets to check kung may coffee. Meron naman siyang nakita at nilabas rin ang bread at nagsimula na siyang magtimpla.

"Ito na nga. Grabe first time mo bang makakita ng babaeng nakaboxers?" sabi ni Freen habang nasa loob pa rin ng banyo.

Nag-blush naman si Becca. "We barely know each other, ang weird lang na nakaboxers ka no."

"So pag close na tayo, okay na?" tanong ni Freen habang tumatawa.

"Baliw!"

After several minutes, lumabas na rin ng banyo si Freen habang pinupunasan ang mukha niya ng towel at sinabit ito sa balikat niya pagkatapos.

"Ang tagal mo ha, talo mo pa ako." sabi ni Becca habang kumakain. Sinaluhan naman siya ni Freen at uminom ng kape niya.

"Hala si Becca, miss ako agad." Pang-aasar ni Freen.

"The coffee is still hot, gusto mong mabuhusan?"

"May 7 hours pa pala tayo."

"Buti naman naglagay sila ng maraming stock ng pagkain dyan. Wala pa namang tv, gusto ko sana manuod ng movie. Pwede rin matulog nalang ulit."

"Diba kumakanta ka?"

"Before, nung nasa banda pa ako."

"What happened sa banda niyo?"

"Wala na eh. Ikaw rin kumakanta ka diba?"

"Yeah. Sa chorale dati. Ngayon sa karaoke lalo na pag-inuman. Hahaha. Sama ka sa amin minsan! Do you drink? I mean, hard drinks like vodka, gin?"

"Yes, pero hindi ako malakas uminom. Low tolerance lang ako sa alchohol."

"Okay. Pero you can join us minsan, kasi sa department natin minsan nagkakayayaan pumarty pero madalas sa mga resto grill lang. Lalo pa may live band. Ang dami sa atin na nagbabanda no?"

"Si Giselle and Ning-Ning may banda rin dati diba?"

"Oo. Bakit nga pala wala na yung banda niyo? Iba-iba na priorities?"

FIX YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon