"Hindi mo kailangang sabihing late na naman ako o ang tagal ko, araw-araw na lang eh." sabi ni Freen pagkakita niya kay Becca na mukhang naiinip na sa paghihintay sa parking lot. Naglakad na rin sila papunta sa kotse ni Freen.
"Nasasanay na nga ako eh. Nag-breakfast ka na ba? ito oh." tanong ni Becca at inabot ang sandwich kay Freen.
Napangiti naman si Freen at kinuha ito kay Becca. Bubuksan niya sana ito para tignan kung ano ang laman nang unahan siya ni Becca.
"Wag kang maarte, chicken sandwich lang yan, walang gulay. Alam kong ayaw mo ng gulay."
"Nagdadrive ako, pakisubuan ako please. pleaseeeee." nilapag niya sa lap ni Becca ang sandwich at ngumanga lang habang nagdadrive at nakatingin pa rin sa kalsada. Becca unwrap the wrapper sa sandwich at sinubo ng buo kay Freen ang sandwich.
"Yan. ang arte mo talaga. kainin mo yan ha." sabi niya habang tumatawa.
-
"Are you two dating? nililigawan ka na ba niya? I swear girl, magkakapalitan na kayo ng mukha. Hindi na kayo mapaghiwalay ha. Kung hindi lang kita friend, natawag na kitang malandi." pangungulit ni Karina kay Becca pagkadating pa lang niya sa office.
Hindi naman siya tiningnan ni Becca at nagsalita habang hinuhubad ang suot niyang high heels at nagpalit ng slippers. "Seriously? we're close, oo. pero yun lang naman yun."
"Ang showbiz ng sagot."
"Baliw. hindi kami artista kaya hindi ko naman kailangan magsinungaling sayo."
"But do you like her?"
Umayos ng upo si Becca at tumingin kay Karina. "I like her as a human being. I like her platonically, but romantically? no. never."
"How can you not like Freen? Seryoso ka ba?" tanong ni Karina with a tone of disbelief.
"You talk about her like she's a goddess or something."
"She's close to that!" sigaw ni Karina na napalingon ang ilan nilang kasama sa gawin nilang dalawa dahil sa sigaw. Ngumiti naman apologetically si Becca at kinurot sa tagiliran si Karina.
Nag-make face naman si Karina. "Almost perfect na kaya ni Freen." dagdag ni Karina.
"Then you clearly don't know her. I admit, she has the looks. But she is so immature and mayabang. if ever na maging girlfriend mo si Freen, magiging babysitter ka. and ayoko ng romantic attachment. she's a great friend though."
Karina leaned in closer and whispered. "What do you mean by no romantic relationship? fubu lang, ganon? friend with benefits?"
binato naman siya ng crumpled paper ni Becca. "Sira ka Rina!"
"Hey I'm serious! uso kaya yon."
"No romantic and no sexual attachments, ayan ha, malinaw na. actually, no emotional attachments at all."
"yung totoo Bec, anong problema mo? but okay, kung ayaw mo sa kanya, ilakad mo na lang ako! close naman kayo diba."
"Karina, I'm not cupid nor a matchmaker. that's not my thing."
"Ang daya mo Becca. gusto mo lang talaga siyang masolo eh, admit it girl. everyone has a thing for that girl, I understand you being all selfish and possessive. swerte mo talaga!"
Napairap nalang si Becca sa sinabi ni Karina. "Sige, ipilit mo yan."
-
Kumatok si Freen sa office ni Jennie at isinilip ang ulo niya sa loob. "Kim." she said while flashing a big toothy grin like a little kid.
BINABASA MO ANG
FIX YOU
FanfictionFREENBECKY | ADAPTATION ©ORIGINAL AUTHOR RECEIVES CREDIT AND APPRECIATION To what extent are you willing to offer and do just to break in and be with her when she has already decided to enclose herself in a self-built universe full of hatred?