FREEN MARTYR

67 4 0
                                    

Natapos ang palabas at naka-uwi narin sila nang hindi man lang nagkikibuan. Nakatulog narin si Becca sa byahe dahil siguro sa kakaiyak at nahihiya naman si Freen sa ginawa niya kaya hindi niya magawang magstart ng conversation.

Freen was the one who pulled away from the kiss. She wanted to punch herself then and there because of what she did, she was afraid that Becca would think she's taking advantage of her vulnerability. Ang layo na masyado ng naabot niya sa friendship nila Becca at ayaw niya itong masira nang dahil sa isang kiss na hindi man lang niya sigurado kung well-received nga ba.

On the other hand, Becca chose to keep mum about it. Hindi naman siya naging awkward, pero hindi rin naman siya mukhang thrilled sa nangayari. Parang napadaan lang yung memory sakanya pero nawala agad.

That night, hindi makatulog si Freen. Halos isang oras na siyang pagulong-gulong sa higaan niya, iniisip kung anong mangyayari bukas. Hindi niya maintindihan kung dapat ba siyang matuwa because finally she got to kiss Becca, but as lame and as hopeless as this sounds, gusto niya sanang hindi sa ganung paraan mangayari yon. She wanted it to be more romantic, she wanted it to be real.

Bumangon siya at kinuha ang phone niya sa bedside table. Mas nababother siya na hindi man lang nagsalita si Becca tungkol dun. Sana sinabi nalang niya kung nabastos ba siya sa ginawa ko. O sinampal nalang niya ko kung ayaw niya. Ni hindi nga niya alam kung okay lang ba kay Becca na magsabay sila bukas pumasok. Magtetext na sana siya ng sorry kay Becca pero binura niya ang message at nahiga nalang ulit.

"Shit ang arte ko." Bulong niya sa sarili at natawa nalang.

-

"Oh? Himala naunahan mo ko. Mali ba oras ko?" gulat na gulat na bungad ni Becca nang makita niyang nag-aabang na si Freen sa lobby na nakaupo at nagbabasa ng dyaryo. Tumingin siya sa wall clock at pabalik sa watch niya. "Tama naman ah."

Nataranta naman si Freen at tinabi lang ang dyaryo basta-basta sa pinagkukuhanan niya nito at hindi man lang finold. Tumayo siya, naghihintay ng any reaction from Becca about yesterday.

"Nakalimutan ko pang coding ka nga pala ngayon, pumunta tuloy ako ng parking lot kanina. Kaya siguro nauna ka sakin. Pero hindi eh, ang aga aga mo talaga!" sabi ni Becca casually.

Kasi hindi ako nakatulog kagabi, gusto sanang sabihin ni Freen. Nag-shrug nalang siya at naglakad na palabas ng building. Sumunod narin sakanya si Becca.

Buong byahe sa jeep papuntang office nila ay parang normal na Monday lang, kwentuhan tungkol sa mga nabasa nilang balita, sa trabaho, at sa mga random na bagay na napapansin nila sa mundo. Nakaabang naman si Freen kung mababanggit man lang ba ni Becca yung film kahapon, o kahit ano mang nangyari kahapon, pero wala talaga.

Hindi naman niya alam kung dapat ba niyang isingit yun sa usapan, baka naman iniiwasan talaga ni Becca yon in purpose.

"Freen." Becca snapped her fingers in front of her face, stopping her thoughts. "Are you okay?"

Ngumiti siya. "Kailan ba ko naging hindi okay?"

-

"Eto magyayaya ng inuman tapos tutunganga. Ano? tinginan nalang tayo dito Sarocha?" sabi ni Winter.

Nag-lean forward si Freen at kinuha ang isang bote ng beer at ininom ito ng diretso. Nilapag niya ito nang malakas sa mesa at sumandal ulit sa upuan niya.

"Hindi ko talaga siya maintindihan. Bakit parang walang pinagbabago? Tatlong buwan mahigit na. Hindi ko alam kung mainipin lang ba talaga ako o wala lang talaga akong pinatutunguhan eh. Pero kasi go with the flow lang siya. Pag di ko siya niyayang lumabas, edi wala. Pag di ko siya kukulitin at hahanapin, wala. Alam niyo yon, parang wala talaga siyang pakialam. Parang ako nalang nang ako yung nagpipilit." Sabi ni Freen scornfully. Kumuha ulit ito ng isang bote at uminom. "Parang mali nga ata. Kinakaibigan ko siya ngayon, oo naman gusto ko naman talagang gawin yun. Pero paano kung yung makuha niyang signal eh hanggang dun lang talaga yung intention ko? Kumbaga parang nandun siya sa state na sinesegregate niya yung friends sa potential lovers. Edi nawalan na ko ng pag-asa?"

FIX YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon