"Sarocha open the door!" tawag ni Becca habang kumakatok sa unit ni Freen.
Pinagbuksan naman siya agad nito pero isinilip lang ang ulo niya sa pinto. "Oh, bakit wala ka man lang pasabi na pupunta ka? Kakakita lang natin kahapon namiss mo agad ako." Sabi ni Freen at nag-smirk.
"Ang feelingero mo talaga Sarocha. Wala lang akong magawa sa condo, may xbox ka dyan diba? Makikilaro lang ako."
Freen looked at her teasingly. "Ikaw ah, gusto mong makipaglaro."
"Sira! Eh kung pinapapasok mo na kaya ako diba. Bastos nito sa bisita, aba."
"Okay, wait lang, give me 5 minutes. Wag ka munang papasok maglili-"
Tinulak ng sobrang lakas ni Becca ang pinto kaya nauntog si Freen sa kabilang dulo nito at napaatras. Nagulat naman si Becca sa tumambad sa kanyang kaguluhan sa unit ni Freen. Nakakalat sa sahig ang mga bote ng tubig at wrappers ng junk foods. Pati mga nasuot niyang shirts at boxer shorts ay nakatabi lang sa may pinto ng CR at hindi man lang nakafold.
"Oh my God, is this the condo's garbage chute?!" sabi ni Becca habang sinisipa sa tabi ang mga kalat na nadadaanan niya.
"Thanks ah." sagot ni Freen habang nirarub ang noo niya.
Dumiretso si Becca sa kitchen para kumuha sana ng tubig. Pagbukas niya ng ref ni Freen, puro soft drinks, bottled water, coffee in can at iilang itlog lang ang laman nito.
"Bakit walang kalaman-laman itong ref mo? anong kinakain mo dito? Nag-lunch ka na ba?"
Naupo na si Freen sa sofa at naglaro ulit ng Xbox niya. "Oo, corned beef pa nga eh. Ang daming canned goods dyan, kakagrocery ko lang. may instant noodles din. Malapit lang yung mcdo. Marami naman akong nakakain."
"Huy baliw! Gusto mo bang mamatay ng maaga? Hindi kaya healthy ang pagkain sa fastfood tsaka yang mga instant instant na yan." Pangaral ni Becca habang nakapamewang pa.
"Marunong din naman ako magluto no."
"Ng ano?"
"Itlog. Hotdog."
Binato ni Becca kay Freen ang bote ng tubig na ininom niya at tumama ito sa mukha ni Freen. Napatingin naman siya kay Becca saglit at nag-scowl pero binalik din ang attention sa nilalaro niya. "Ano ba yan Freen. Ang tanda tanda mo na hindi ka parin marunong magluto. Tapos ang kalat pa ng unit mo." sabi ni Becca habang nagliligpit ng mga kalat ni Freen sa sahig at nilalagay sa trash bag na nakuha niya sa kitchen.
Pinatay na ni Freen ang Xbox niya and decided to help sa pagliligpit dahil nahiya na rin siya kay Becca. "Utang na loob Becca, daig mo pa nanay ko pag umuuwi siya dito. Tsaka normal kaya ang chaos, nature of all things yan. It's called entropy. Second law of thermodynamics.
"Nerd"
"Rational"
"Geek"
"Scientific"
Pinitik naman ni Becca si Freen sa noo. "Whatever. mag-gogrocery tayo. Dapat kang matuto magluto nang mabuhay ka naman."
Inakbayan siya ni Freen at kinuha sakanya ang trash bag. "Eh kung dito ka nalang din kasi tumira? Ikaw yung magluluto, tapos ako naman yung driver. Mag live-in na tayo, edi mas madali pa buhay natin pareho diba."
"Sira!" sinusubukan niyang tanggalin ang braso ni Freen na nakapatong sakanya pero hindi niya talaga magawa.
Natawa naman si Freen at mas lalong hinigpitan ang akbay kay Becca at kinurot pa ang pisngi nito para mas lalong mang-asar. "ayaw mo nung term? Sige, roomies nalang."
BINABASA MO ANG
FIX YOU
FanficFREENBECKY | ADAPTATION ©ORIGINAL AUTHOR RECEIVES CREDIT AND APPRECIATION To what extent are you willing to offer and do just to break in and be with her when she has already decided to enclose herself in a self-built universe full of hatred?