TINAMAAN NA NGA

63 3 0
                                    

Pagkabalik nila ng Manila, parang nagbago narin ang lahat sa pagitan nilang dalawa. Sumasama na sakanila minsan si Becca na mag lunch, at bago umuwi kapag wala na silang kanya-kanyang lakad lagi silang magdidinner muna sa labas. Dahil narin sa pagiging comfortable sa isa-isat, lagi silang nagbibiruan at nag-aasaran. Kung dati sinasabayan ni Freen si Becca papasok at pauwi para lang inisin ito, ngayon ay nagsasabay sila araw-araw dahil napag-usapan at napagkasunduan na nila ito. Minsan nag cocomute sila, minsan naman gamit nila ang sasakyan ni Freen. Sa loob lang ng isang buwan, ang dami nang nagbago sa kanilang dalawa.

"Good morning!" bati ni Freen while waving at Becca at tumakbo papunta sa kanya. Nagsimula na silang maglakad papunta sa parking lot at sa kotse ni Freen.

"Lilipad na naman tayo nito, ang bagal bagal mo talaga kumilos Freen."

Nagtakip naman ng tenga si Freen. "Wala akong naririnig" pang-aasar ni Freen kay Becca. Hinampas tuloy siya ni Becca. "Ang aga-aga tumatalak ka eh, para kang nanay."

Tiningnan naman siya ni Becca ng masama. "Nanay ng mga anak natin" natatawang pahabol ni Freen. Kinurot naman siya ni Becca dahil nagiging maharot na naman.

"Di ba tayo nagkakasawaan nito halos buong araw tayong nagkikita at magkasama."

"Parang lugi ka pa nyan ah? sa gandang gwapo kong to? Swerte mo nga eh, umaga pa lang buo na araw mo."

"Ang feeler mo talaga. Anyway, give me your phone."

Inabot naman ito ni Freen sakanya. "bakit?"

Hindi naman sumagot si Becca at patuloy na kinakalikot ang phone ni Freen. Kinabahan naman si Freen baka kung anong makita nito doon. Kinawayan at nginitian sila ng guard paglabas nila ng parking area. Pagkatapos ng ilang minuto binalik narin ni Becca ang phone niya.

"Nag set na ako ng alarm sa phone mo. Don't you dare dismiss kapag tumunog alarm mo. Lagi nalang tayong muntik ma-late, ang bagal bagal mo kasi kumilos. Ang aga-aga nagtatatakbo tayo."

Freen checks her phone at nanlaki ang mata. "What the fuc-" hinampas naman siya ni Becca ng bitbit nitong shoulder bag. "Freen ang aga-aga pero ang pangit ng lumalabas sa bibig mo." Napangiwi naman si Freen sa paghampas sa kanya ni Becca at nag-sorry.

"Becca naman, ano 'to? every minute may alarm?" reklamo ni Freen.

"Para hindi ka na matulog ulit! Papasok talaga ako ng mag-isa bahala ka. Dapat 7:20 nasa lobby ka na."

Napakamot nalang ng kilay si Freen. "Opo, masusunod kamahalan."

-

"Guys later ha, Bank Bar." Sabi ni Jennie. Birthday treat niya 'to for her colleagues, and sakto na saturday naman ngayon at wala silang pasok kinabukasan kaya pwedeng-pwede silang magpuyat.

"May lakad kayo?" tanong ni Freen kanila Lisa at Winter.

"Uuwi muna ako sa condo at matutulog, tapos diretso na ako mamaya." Sagot ni Lisa.

"Same, matutulog nalang din ako para may energy mamaya." Sabi naman ni Winter.

"Laro sana tayo ng basketball, pero sige. Text niyo ako mamaya kung what time kayo pupunta ah. Ingat kayo." Sabi ni Freen at bumalik sa desk niya para ayusin ang mga papeles at inilagay sa lagayan. Pagkatapos magligpit, umalis narin siya ng office.

"Becca may lakad ka ba ngayon?"

"Wala naman. Why? I'm hungry na rin."

Tumingin naman si Freen sa kanyang relo. "Lunch time na naman pala. Tara lunch na muna tayo."

Sa malapit na Jollibee nalang sila kumain para mabilis lang ang pag-serve dahil nagmamaldita na si Becca dahil sa gutom. Tinatawanan naman siya ni Freen, ngayon niya lang nalaman na ganito pala si Becca pag gutom.

FIX YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon