Chapter 21

171 3 0
                                    

East of Eden

Warning

Mahigit isang linggo na naninirahan si Faith sa kumbento, nang matapos mag kumpisal ay pinag hiwalay na sina Carina at Faith. Si Carina ay pinauwi ng pilit, si Faith ay pinapunta na sa kumbento para manirahan doon.

Hindi pa siya lumalabas sa kwarto niya at tanging inaabotan lamang ng pagkain ng mga madre. Maya't maya at mamumuni-muni siya tsaka mag dadasal. Matapos doon ay bigla siyang iiyak at matutulog. Alam niyang ito ang hatol sakanyang pagtataksil sa mga tao na nasa simbahan. Andiyan ang kasalanan para ipamukha saatin na mahihirapan tayo at masasakta  pag ginawa natin ito.

Tanging ang Ina niya at ang pari ang nakagawa nito, ginawa siyang madre kahit ayaw niya. Sobrang sakit ng loob niya sa nangyare, nakakapangulila at nakakainis kung isipin niya pa ito ng husto.

It'll take days for the bishop to realize what's going on in their place. Even Faith was fumbled, this isn't how the church should be. They were holding a different agenda, an agenda that Faith currently couldn't follow. But Faith knew some of these were wrong.

Faith heard a knock on the door and she immediately opens it, her posture steadied when she saw one of the sisters inside the convent. It was again a different sister, a younger one.

"Kumain kana raw." Wika nito at ngumiti kay Faith.

Nagsalubong ang kilay nito at binigyang tingin ang kuwarto ni Faith. Nasa sulok lang ang bag nito at halos walang nagbago sa walang laman na kuwarto. Nahagit nito ang nakahanger na panamit ng mga madre.

"Hindi mo pa sinusuot ang pinapadamit sayo." Simangot nitong saad. Mas mabuti itong kausap kesa sa mga matatandang madre na pumupunta sakanya. Mha mukha iyong strikta at may ilang beses pa na hinihila siya ng mga ito papalabas ng kuwarto.

Kumunot ang noo ni Faith at binigyang tingin ang nakahanger na damit. "Hindi naman sakto ang ginawa ko, may proseso ang pagiging madre, hindi ba?" Pag papaalala niya sa babae. Maraming proseso ang oag mamadre kaya hindi niya tinatanggap ito. Bukod sa ayaw niya ay mali ang pag proseso nito.

"Alam ko, akala ko galing ka sa ibang ministeryo at pinapunta dito." She mumbled a response and looked down. Faith hummed a response.

"Hindi ko rin alam bakit ganoon ang nangyare." Dagdag pa na sabi ng madre at mukhang naguguluhan na rin ito.

Napkibit balikat nalang si Faith. "Pinapunta ako dito para bayaran ko ang kasalanan ko o ipawala raw ang kasalanan ko." Paliwanag niya at nakinig naman ang madre sakanya.

"Ano ba ang kasalanan mo?" Hindi mapigilang tanong ng madre sakanya.

"Nag mahal ako." Mapait na sabi ni Faith.

Kumunit naman ang noo nito. "Hindi kailan man nagiging kasalanan ang pag mamahal." Saad pa ng madre at mukhang nagalit ito.

"Napamahal ako sa isang babae." Napuno ng katahimikan ang buong kapaligiran. Napalunok ang madre tsaka binigay niya ang plato ng pagkain at baso kay Faith.

Huminga ng malalim si Faith tsaka nilapag ang mga ito sa maliit na lamesa. "Kaya ako nandito, hindi ako mag mamadre. May kasalanan ako na hindi nagustuhan ng mga tao kaya ito ay isang hatol para sakin." Binalik niya ang tingin sa madre at napaawang lang ang labi niyo. Walang masabi kaya't natawa nalang si Faith sa reaction nito.

"Itong babae ba, maiksi ang buhok?" Biglaang tanong ng madre sakanya.

"Bakit?" Nagsalubong ang kanyang kilay habang napatanong.

"Halos pumupunta siya rito, doon siya sa gate at parang may hinihintay palagi." Wika niya at mukhang nag aalala. Napakurap naman si Faith nang marinig niya ito.

HS#1 : She is my ReligionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon