Chapter 10

298 4 0
                                    

Holy Water

"Faith! Tara na raw sabi ni Father Caleb!" Sigaw ni Klyd sa labas ng bahay nito. Mainam na inaayos ni Faith ang kanyang buhok at tumayo na rin pagkatapos tsaka hinablot ang kanyang puti na bag.

"Sandali!" Wika ni Faith at nag mamadaling umalis sakanyang kuwarto. Ngayon ay isang pagdiriwang nag simpleng selebrasyon sa kaarawan ng isang Pari rin na kakarating isang linggong nakaraan, kasama lang ni Padre Caleb sa kumbento.

"Nasan si Mama?" Tumingin tingin si Faith sa labas at napasimangot dahil wala na ito.

"Nasa truck up truck na si Tita." Hingang malalim na saad ni Klyd dahilan ng pag simangot ni Faith sa tugon nito.

"Iniwan ako?" Tanong niya at parang magdadabog na dahil dito.

"Sama tayo, may espasyo pa sa kotse ni Father Caleb, hali kana." Saad ni Klyd habang nag susuot si Faith sakanyang sandal.

Her sundress became flowy, so full of flower designs and in a yellow fabric. Faith's hair is also tied in a pony tail and her dress looks exactly as simple but when she's the one wearing the attire is becomes so pricey looking.

"Hm, tara na nga." Yamot nitong saad at hinayaan nalang din ni Faith ito, napakachikadora din ng kanyang Ina kaya't marami itong kausap halos at napapag iwanan siya.

"Si Father Joshua?" Tanong ni Faith habang nagmamadali silang naglakad papunta sa gate ng simbahan kase andoon na lahat ang sasakyan.

"Ayon marami nang nakasakay sa pick up truck niya." Tawang saad ni Klyd at napakibig balikat nalang din.

"No choice, kay Father Caleb tayo." Wika ni Faith at nagpatuloy sila sa paglalakad. Sinamaan agad nila ng tingin si John na nakasakay na sa pick-up truck ni Father Joshua. Nakita rin ni Faith ang kanyang Ina na may kausap at nasa isang malaking pick up truck na din nakasakay.

"Oh! Kayo nalang hinihintay!" Tawa ni Father Caleb at binuksan niya ang front seat at backseat ng kanyang sasakya. Nahagip ni Faith and onti-onting pagkawala ng ngiti ni Klyd.

"Si Klyd sa backseat kasama ninyong apat." Mapayat na matangkad na babae si Klyd at saktong lang siya doon. Tumango lang ang mga servers na nasa likuran nakaupo.

"Sige." Saad ni Klyd at binigyang tingin si Faith bago pumasok sa kotse.

"Good Morning Father Caleb." Pagbati ni Faith sa pari at tinapik-tapik ang kanyang likuran ng bahagya baka mahinang napatawa.

"Ang ganda mo ngayon,mukhang ready kana mag swimming." Saad ng pari kay Faith at nakatingin sa damit nito.

"Hindi ako marunong mag swimming, Padre."  Tawang saad ni Faith,sumama lang siya para makipag bonding nalang rin.

"Turuan kita." Mahinang wika nito sakanya, maimpit na nginitian ni Faith ang pari.

"Halikana, dito ka oh." Binuksan ni Father Caleb ang pintuan ng sasakyan ng husto at tumango lang naman si Faith at akmang papasok na ngunit may narinig siyang sigaw.

"Sandali!" Wika nito dahilan ng pag baling ng kanyang atensiyon doon, lumingon siya at nakita ang isang dalaga na kumakaway at papunta sakanila.

"Padre may na late!" Saad ng lola na nasa pick up truck at tinuturo ang dalaga.

Nag iba ang mukha ni Padre at naningkit ang kanyang mga mata. "Bakit may nahuli? Ang sabi sainyo mag madali na." Napabuntong hinga ang pari tsaka umiling-iling. Bahagyang nahiya ang dalaga dahil dito at napayuko.

"Wala na bang espasyo diyan?" Tumingin sa pari sa mga taong nasa pick up truck.

"Wala na po." They chorused an answer.

HS#1 : She is my ReligionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon