8. Di na Fresh

414 8 4
                                    

kasi Sophomore na.

akalain mo, nakaabot na ako ng 2nd yr? di ko rin akalain e. akala ko mapapashift or transfer na ako ng 1st yr palang.

ang daming twists and turns pero in the end, PUMASA. at yun ang mahalaga.

Nung High School, lagi akong kasama sa Recognition Day. Award dito, medal don, certificate dyan.

Pero pagtapak ko sa college, naknamputa, sige kahit Tres, ayos na.

Pero DOS policy. kaya doble kayod diba?

Naging successful naman ang First Sem ko noong First yr. and Fortunately, 2.0 pa rin ako sa Acctg nung 2nd sem. Samakatuwid, hindi ako nag-SQE nung First year ako. Glory to God.

Kaso hindi talaga naabot ang Goal ko nung first yr. Nakakalungkot pero ayos lang naman ako.

Goal ko kasing mapasama sa Top ng Batch namin. Kaso di umabot ang GPA ko :(

But as the oh-so-famous line says, "Grades are just numbers, it doesn't define who you are." linya ng mga tamad.

So here I am, starting a new academic year. fighting against tres monsters.

May tatlong nakakalokang bagay na nangyari ngayong second year na ako.

una, RESECTIONING. Hampaslupa naman oh. BAKIT? pakiexplain. Bakit kailangang magresectioning mga bebelabs???

bakit kung kelan masaya na kaming magkasama, saka mo kami paghihiwalayin?

WALANG POREBER.

Masayang pamilya na kami nung first year kahit mejo siraulo mga kaklase ko. Masaya silang kasama kahit maingay. At maniwala ka man o sa hindi, ginawa akong presidente ng klase nung 2nd sem. ayaw na daw kasi nila kay BE THE BE THE. hahaha. peace bruh

from BSA 1-13 to BSA 2-4.


ang drama ko, shet.

pangalawa, FINACC. Mas hampaslupa to. BAKIT? bakit di kita maintindihan? kahit ROBLES o VALIX pa ang kaibiganin kong libro, hindi pa rin kita maintindihan kapag nagquiz na kami.

Bakit ka naging komplikado? ang hirap mo nang intindihin. ayos ka naman nung una ah. simple ka lang. pero bakit ngayon, ang dami mo ng arte? may proof of cash ka pang nalalaman -_- kahit magreconciliation tayo, hindi pa rin tayo magbabalance! dahil walang poreber.

pangatlo, PROF. tengene telege. BAKIT? sa dinami-dami ng prof, bakit siya pa napunta samin? No dropping names pero siya yung terror na prof na lalakeng mahilig magpaquiz na ubod nang hirap.

I fell for him. BABAGSAK AKO SA KANYA.

real talk, ANG BABA NG SCORES KO SA QUIZZES NIYA. wala pa sa kalahati. laslas na ba?

sagarang pag-aaral naman na. nagbreak na kami ng boypren ko. tinigil ko na rin ang kakatwitter. pinalitan ko na rin calcu ko kasi baka may sumpa ek ek. review lang nang review pero NGANGA beh, nganga.

pero kakayanin. dahil kung hindi, wala kaming kakaining kanin.




ba't ganuuuun? :(

yung pimples kooo, KAGE BUNSHIN TECHNIQUE! times two times two times two

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BUHAY PUP (Polytechnic University of the Philippines)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon