7. FINALS

513 15 9
                                    

Eating my book at the moment -____-


Bumagsak ako sa Midterms kaya't babangon ako't dudurugin kita FINALS.


Lumapit ako sa iba't ibang upperclass upang makahanap ng mga reviewers. lumapit sa lahat ng pwedeng magtutor. at nagdasal. nang bonggang bongga.


TIP: wag makuntento sa isang reviewer, the more, the merrier. ops, teka, walang konek sa love yan a. about sa books and reviewers yan. :p


Bumagsak ako kaya babawi ako.


"Beh, tara library tayo? bukas na finals" tanong ko sa aking napakagandang bestfriend na si Hazel

"sige. meet natin dun si ate zel" - bestfriend

"sino sya?"

"papatutor ako sa kanya." - bestfriend

"ay sige, damay mo na rin kami ni Guia."

"sige."


pagkarating naming tatlo sa LIBRARY, na kung saan labasan ng utak o jerbak,

review notes. review books. review review review.

halos lamunin na ko ng libro ko -____-


hanggang sa dumating si ate zel

tinuruan niya kami sa mga mahihirap na parts. at dahil sa kanya, nagets namin yung mga komplikadong tanong na puro workback chevarlu. 

kailangan nang umuwi ni ate zel

pero kailangan pa rin naming mag-aral

kaya nagstay muna kami sa library. patuloy pa rin sa pag-aaral kasi hindi ako makakapag-aral sa bahay. puro utos lang at ingay.


Alam mo yung feeling na nagrereview ka tapos uutusan kang magsaing, maghugas ng plato o kung ano ano pa. -_- DITO NAKASALALAY GRADES KO. Nak ng kabayo naman oh.


hanggang sa mejo ginabi na at kailangan na naming umuwi.

sa mga gantong pagkakataon ng buhay ko, hindi ako nakakatulog nang mahimbing dahil sa katotohanang DO or DIE nanaman ang set-up ko bukas. kaya review lang ulit ng theories hanggang sa makatulog.


*kinabukasan*


FINALS NAAAAAAAAAAAAAAAA. pinlantsa ko pa ang aking YAKULT UNIFORM kaya 10minutes na lang bago mag 8am. 8-11am ang finals.  manghihiram pa ako ng CALCU sa kaibigan ko. luma na kasi calcu ko. 3rd yr high school pa at mura lang kase to kaya nag-aalangan na ako. Mahirap na. Baka dun pa maubusan ng baterya.


so sumakay ako agad ng jeep as fast as i can. dahil late na ako, as usual.


pagkarating ko sa gate, narealize kong sa 5th floor pa pala ang room namin -_-


5 minutes na akong late pero wala pa naman yung nagbabantay. like midterms, alphabetically arranged ang batch namin pag finals. kaya hindi ko kilala mga kasama ko sa room. sadnu?


at sakto pa, nasa pinakaunang upuan ako, tapat ng pintuan. napapakanta na lang ako ng, "love is an open dooooor."

binigay na ang mga answer sheet and questionnaire.

I prayed before writing my name and shading the letters below. then,


LET THE GAMES BEGIN


after 3 hours of blood letting, charot, natapos na SAWAKAS ang kalbaryo ng 1st sem ko.

dito na nagtatapos lahat ng paghihirap ko ngayong semestre.

nagdasal ulit pagkatapos ng exam. pasasalamat dahil natapos ko ito at natapos na paghihirap ko.


a week after the exam, nirelease na ang RESULTS.


GREEN kapag nakapasa. BLACK kapag hindi.

take note: 75% ang passing rate.

diba 66% lang ang score ko nung midterms?

tapos pasang awa lang ang Quizzes ko dahil sa katamaran ko..

kaya tanging FINALS lang ang sasagip sa FINAL GRADE ko.


sa dami ng nireview ko. binasa ko. kinain kong libro. guess what? NAGBUNGA ITO. ^_____^


Berde ang name ko sa results so it meeeaans, I PASSED <3


90.69% ang score ko. Highest ako sa block namin ^_________^

:"""""((((( *tears of joy*


Naloka din ako sa .69 lol, haha. Berde nga XD


SOBRANG SAYA KO. all caps na yan, para intense <3

nagpasalamat ako, syempre, kay Lord God, kay ate zel at sa sarili ko.


GOOD news palang yan para sakin.

ang BETTER news ay...


pagkaopen ko ng SIS account ko after a few weeks,

nakita ko na grades ko...


2.0 ako sa ACCOUNTING <3 <3 <3

it means, umabot ako sa kota ng Dos Policy

HINDI AKO MAGTETAKE NG SQE. *tumbling*

ako na yata yung biglang natutong magtumbling. Hahahaha sobrang saya beh. :") mas masaya pa sa nalaman mo na crush ka ng crush mo! Ay basta, ganern!


may BEST news pa...


1.73 ang GWA ko <3 <3 <3

it means, pasok ako sa DEAN'S LISTER ^_____^


LESSON: wag sumuko. wag manlumo. dahil kaya mo namang tumayo. tiwala lang. kaya mo yan, ikaw pa?


I am very blessed. To God be all the glory <3

BUHAY PUP (Polytechnic University of the Philippines)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon