5. PROF

701 7 2
                                    

MGA URI NG PROPESOR SA SINTANG PAARALAN

(c) www.facebook.com/PeyupiMemes

1. ROLETA MASTER - pasado ka sa lahat ng exams niya, complete requirements and attendance ka. pero yung final grade mo? ayun, pasang-awa. pero yung classmate mong tambay sa sm at pacific, mas mataas pa sayo. sadnu?

2. KWAK KWAK - malayo na ang narating nila sa pagtuturo. may doctorate degree, maraming libro at research paper ngunit magkukwentuhan lang kayo ng talambuhay niya buong period, mga hinarap niyang problema/pagsubok sa buhay, achievements, awards, mga bansang napuntahan, educational background ng kanyang mga anak at bilang ng kotse nila.

3. PALITAW - minsan lang talaga pumasok. magpapakita lang kapag patapos na ang semestre at magbibigay ng tambak na requirements at pamatay na exams. ipagdasal mo na lang grade mo sa kanya. #SumalangitNawaAngSingko

4. ANTIGO - ang unang reaksyon sa kanya ay, "nakakapagturo pa kaya sya?" para kasing kaedad na niya ang sintang paaralan. maraming aral sa buhay ang matututunan sa kanya dahil ikukwento niya ang kanyang buhay lalo na ang People Power at Martial Law.

5. CRUSH NG BAYAN - hindi niyo pinansin nung unang pasok dahil akala niyo studyante rin. mas mukha pa syang studyante kesa sa inyo. nakakamatay na titig. nakakainspire pumasok.

6. TERORISTA - kilalang terror sa buong campus. tirador ng mga pangarap. nagpapaulan ng tres o singko at walang konsiderasyon. maayos naman magturo pero magbubuffer talaga utak mo. mataas pa ang standards. mapapahashtag ka na lang ng #TresLangSapatNa

7. ENDANGERED SPECIE - masipag pumasok, malupet magturo. hindi nakakatamad sa klase niya dahil kwela sya. makatarungan ang pagbibigay ng grades dahil may basehan talaga. kaso, bihira lang sila :(

-

(author's note: maraming salamat sa PUP memes sa approval ninyo. Itong LIST at IDEA ay galing sa kanila, hindi po ito sakin. may kaunting pagbabago lamang sa nilalaman. )

hindi ko naman ginegeneralize ang PROFs sa PUP. I just wanna share this own experience. and you should learn from it.

midterms na namin sa English. MAJOR subj. syempre, todo review ako. bonggang 3pages back to back ang ginawa ko for my reviewer kahit na may book naman ako.

effort kong ginawa yun at 1week akong nagreview para lang dun.

hanggang sa dumating na yung araw na hinihintay ko. midterms na.

bored ako nun.. walang magawa kaya nireview ko yung katabi ko, si AICA.

"what are the guidelines in inferring?"

"halaaa.. hindi ko alam yan. peram ng reviewer mo?"

"sige lang." napakaboring talaga at wala pa si prof. kaya nagkwentuhan lang kameng tatlo ni aica at cassy about sa province life namin...

"nakakamiss ang buhay probinsya. dati, paggising mo, nakahanda na ang lahat. ngayon, mag-isa lang ako sa dorm, iisipin ko pa yung kakainin ko para bukas." kwento sa amin ni cassy.

napapasarap na usapan namin at nagiging malalim kaya't napaiyak silang dalawa. habang ako, patuloy pa rin sa pagrereview. kinakabahan.

after a few minutes, dumating na si sir.

pinaayos niYa ang upuan at pinaharap sa may bintana. so nasa likod ko si cassy at nasa harap ko si aica.

pagkaabot ko sa test paper, naloka ako. hindi dahil sa mahirap, kundi dahil HINDI KO MAINTINDIHAN YUNG SULAT.

fotaena. PHOTOCOPY NA HAND WRITTEN ANG MIDTERMS NAMIN. at hindi talaga maganda yung sulat. may erasures pa. nakakaimberna.

inuna kong sinagutan yung last 2 parts na essay writing. mejo natagalan ako dun kase binonggahan ko nang bongga.

kaso patapos na ang exam time. kaya sinimulan ko nang sagutan yung sa test 1 & 2.

kaso hindi ko talaga maintindihan yung sulat niya.

tapos na karamihan ang mga mates ko. nagpapasa na sila kay sir ng papers kaya hindi ko na naisip na itanong kay sir ang words na hindi ko magets.

tapos na si aica. nasa harap ko sya, nakatayo, nag-aayos ng gamit. tinanong ko sya

"aica, ano 'to?" sabay turo dun sa isang word na nakaunderline na hindi ko talaga maintindihan ang sulat.

"patience."

after ilang seconds, sumugod na si sir samin. literally.

"amina papel niyo! kanina pa kayo nagkokopyahan! I caught you in the act!!! first yr palang kayo, ganyan na kayo?! anong klaseng studyante kayo!!"

"sir.." magpapaliwanag sana ako pero...

"no! i don't need your explanation! i caught you in the act! pagmumukhain mo pa akong sinungaling?! mabait ako pero yan ang hirap sa pagiging masyadong mabait! gagawin mo pang sinungaling ang prof tapos magagalit pa kayo samin! write your name on your test paper!! at ikaw! nasan ang papel mo?"

"sir napasa ko na po papel ko" - aica

"kunin mo dun, hanapin mo!"

wtf. WHAT THE FUCK. TUNGUNU.

kanina pa daw kame nagkokopyahan?? e hindi ko nga binuksan bibig ko the whole time!! shit. shit. shit.

kinuha niya papers namin. at nilagay niya sa pinakataas ang papel namin ni aica. lumabas na siya ng room. at lumabas na rin ako. mag-isa.

wala akong magawa kundi umiyak.

Kaya wag na wag magtatanong sa katabi kahit na hindi ka talaga nangongopya. ok? learn from this example.

maraming profs ang kakaiba. hindi naman literal na alien pero magkakaiba tayo ng ugali. hindi mo masusukat ang kanyang kakayahan. kahit na mabait sa unang tingin, pero ang ugali ay hindi mo maaatim. wag masyadong magtiwala sa sinasabe ng iba na "AY BEH, HINDI DAW NAMBABAGSAK YAN. KAYA OK LNG." "TOL, MABAIT DAW YAN SABE NUNG UPPERCLASS, HINDI DAW NAGBIBIGAY NG SINGKO" mag-aral ka nang mabuti. mas mabuting pagkatiwalaan ang iyong sarili at ang iyong kakayahan.

after ilang days,

nabalitaan ko nalang na kinwento niya kami ni aica sa ibang sections at sinabi niyang,

"MAGKIKITA-KITA NA LANG KAME SA SQE."

#DosPolicy #CPAwannabe

BUHAY PUP (Polytechnic University of the Philippines)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon