2. ENROLLMENT

1K 8 1
                                    

PUP stands for P-ila U-lit P-ila

Naexperience mo na bang pumila for hooouuuurs? =___= yung tipong kailangan mong magbaon ng pagkain, electricfan at toilet bowl? OO, seryoso ako. dahil ang isang PUPian lang ang nakakaintindi sa sinasabi ko.

1. unang pila ay para sa stapler -___- charot. eto yung ipapacheck mo sa kanila kung kumpleto ang requirements mo. Tapos iistaple nila. napakahaba at napakatagal ng pila dito.

*habang inoorient kami ng mga upperclass*

"ganto ang mga pagkakasunod...." sabe ni kuyang upperclass

"paano po kung walang GOOD MORAL?" sabe ni kuyang kapwa ko enrollee

"Hala, nasan ba good moral mo?" sabe ni ateng upper class

"Pinasa ko po kase para sa scholarship ng CHED" sagot ni kuyang freshie

"Dapat inuna mo muna yung enrollment kesa sa scholarship. hindi ka makakapag-enroll kung wala yun." sabe ni beking upperclass

"punta ka sa school mo, kuha ka ulit tapos balik ka na lang ulit dito." sabe ni kuyang upperclass

*kuya freshie exits the room with a sad face*

kaya make sure na kumpleto ang requirements mo kapag mag-eenroll ka na.

2. sumunod naman ay para sa pagpapasa ng mga requirements sa ARO. kayo'y mag-ingat dahil sila ay fragile. dapat hindi lukot lukot ang envelope mo kundi magiging lukot lukot ang face mo. REALTALK.

next line ay para sa college interview. pumila kami. at ayun, hindi na kame ininterview dahil sa dami ng students. kaya walang maibigay na tips :( sorrrryyyyy :(
 sabe naman ng ibang course, madali lang daw, wala namang pamatay na tanong. basic questions lang. Kung naniniwala ka ba daw sa forever. Ganoin.

3. sumunod ay yung para sa x-ray. sa gym yan pipila.

inabot ako ng 3 days para lang dyan sa x-ray na yan. pero 2 days lang talaga. 

una, papax-ray ka dun sa loob ng isang sasakyan na nasa tapat ng gym. mahaba din pila dito. kaya mas maganda kung maaga kang pipila. wag kang magsusuot ng damit na may bakal na design like studs or kung ano man. plain na tshirt lang or blouse para hindi hassle.

kinabukasan mo makukuha yung result ng xray. kung umaga ka nagpaxray, umaga mo rin kinabukasan makukuha ang result. kung hapon naman, hapon mo makukuha kinabukasan.

TIP: wag hayaang maabutan ng cut off. cut off nila kase kapag lunch break at pag uwian na.

pwede ring magpaX-ray sa labas ng school.

kapag nakuha mo na yan, pupunta na sa clinic para ipasa yung x-ray results.

 4. sumunod na pila ay para sa CASHIER. mas mahaba pa sa teleserye ng be careful with my heart ang pila dito. umabot hanggang 6th floor. nakakaloka. magbaon ka ng pagkain, tubig, arinola, electricfan, tv, crush mo, LAHAT NA.

TIP: siguraduhing gwapo/maganda ang katabi para instant sparks. Joke.

TIP (totoo na talagang tip) : WAG LILINGON. kasi uso dito ang mga kabuteng biglaang susulpot sa harapan mo na wala naman sa pila kanina. wag ka ring papauto sa kaibigan mong kakausapin ka kuno pero makikisingit lang pala sa pila. TRUST ISSUES.

5. last  na pila ay para sa pagkuha ng regicard. ito ay makukuha after ilang weeks.

isa isang tatawagin ang pangalan sa lagoon. bongga yun e, tila graduation :D hahaha. pila ulit nang maaga para maagang matapos! kase lahat ng estudyanteng freshie nandito e. baka dito mo na rin mahanap si Love of your life. balita ko, may nagkukuhaan ng number. pero charot lang! ARAL MUNA, MAHAL ANG GATAS!

tapos na! hindi pa kase kasali yung ID. Sa pasukan pa yun. kaya pwede nang umuwi at magpost sa fb o magtweet sa twitter ng

"JGH from sintang paaralan. got my regicard. t3xt.o2 n4 p0h taY0whszxc"

take note: dito kana talaga pipili ng course na gusto mo. lalo na kung naubusan ka ng slot. pwedeng hindi sundin ang choices na napili mo nung nag-apply ka sa iApply.

TIP: kunin mo yung course na GUSTO MO AT KAKAYANIN MO. para di sayang tuition at panahon. MAAWA KA SA MAGULANG MO.

it's official, welcome to Polytechnic University of the Philippines <3 #EdukasyongDosePesosBitch #WalaSaUpuanYanNasaUmuupoYan #PUPScorchingChairs #ClubHauzLangSapatNa #TripToJerusalem

BUHAY PUP (Polytechnic University of the Philippines)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon