3. 1st Day ko, 2nd Day na nila

817 12 3
                                    

konti lang makakarelate sakin sa WALANG PASOK NUNG FIRST DAY OF CLASS. may banda pa sa school. jamming sila samantalang ako, kaholdinghands si mouse! tokneneng talaga.

tama na drama.

june10 / tuesday

12pm pa naman ang 1st subject namin so kampante pa ako. syempre, FB muna at Twitter. handa na ang #OOTD ko. first day kaya bonggang bonggang christmas party lang ang peg ng damit ko. gray pants + checkered b&w shirt+ black doll shoes. o diba? TARA CHESS.

so ayun, sumakay nako sa unang jeep at tengene telege, isang kanto palang, TRAFFIC NA ampota.

nakasakay nako sa pangalawang jeep at nakababa na agad sa TERESA. syempre, umiral nanaman ang radar.

may mga nakita akong babae

- t-shirt girl

- skater skirt girl

- kpop girl

- manang girl

- maria clara

- dinaig ka pa ng bakla girl

- cleavage girl

- nagshort ka pa kita naman kaluluwa girl

hindi na kailangan ienumerate pa yung sa lalake dahil halos parepareho lang din naman ang porma. agree?

pagpasok ko sa main gate, na mejo epic pa dahil pinakuha pa ni lady gaguard regicard ko na nasa pinakailalim ng bag, nakita ko na agad friend ko na blockmate ko rin. naglakad na kami habang tirik ang araw. north wing, 5th floor. inuulit ko, FIFTH FLOOR. tongono doboooo?

pagkarating namin sa room, Hingal na hingal. naniniwala pa naman ako sa First Impression Lasts. so puta, First Impression sakin ng mga blockmates ko ay MAY HIKA? -___-

kadalasan, walang prof daw pag first meeting. may pumasok na prof samin e, gagu ba u? >___<

pero dalawa lang. kaya nakapag-get-to-know-each-other sa room.

ang ingay! tanungan here and there.

syempre, papatalo ba ko? ang daldal ko kaya. (obvious ba?)


hanggang sa may BE THE BE THE na nagpasimuno ng STAND UP AND TELL US ABOUT YOURSELF.

at dahil dun, si be the be the ang naging presidente. HAHAHA.

TIP: huwag pabida para hindi maging president. dahil sa college, PRESIDENT = ALIPIN.

at dahil sa kadaldalan ko, naging officer ako. PIO. dafuq. hahaha.

nakipagclose ako sa iba. hindi para sa SPARKS -___- kundi para sa travel buddy :D so ayun, may nahanap akong tatlo.

mejo boring sa first day namin. nakakagutom at uhaw. pero putangina, kung bababa pa ako sa canteen, pagpanik ko ulit sa 5th floor, GUTOM AT UHAW ULIT AKO!

kaya wag kalimutang magbaon ng snacks at tubig.

wag kang mahihiya dahil hindi ka nila ididiscriminate. dahil sa PUP, uso ang packed lunch. wag kang mahiya kung may baon ka. laking tipid din kaya! pero kung ayaw mo, pwede rin namang bumili sa canteen. mura lang din dun, promise :)

uwian na. nasa teresa na ako naglalakad nang biglang umulan. anyare sa OOTD beh?

pagkadaan ko pa sa court, may nagsusuntukan.

ganito pala sa kolehiyo. napakahirap. nakakapanibago. kakaiba. CULTURE SHOCK, kumbaga. para bang isa akong alien na bagong lipat sa mundo na nagkazombie apocalypse.

pero makakaya ko kaya? makakaya ko bang ipasa itong panibagong yugto ng buhay ko? walang kasiguraduhan, walang tiyak na patutunguhan. dahil sa kolehiyo, mag-isa na lang ako.

hindi na spoon-feeding dito.

BUHAY PUP (Polytechnic University of the Philippines)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon