1. PUPCET (entrance exam)

1.6K 10 30
                                    

feb15

"TANG*NA MO KA! LUMAYAS KA DITO! PALAMUNIN!"

"IKAW ANG LUMAYAS! HAMPASLUPA KA!"

-___- =___= O___O leche. Ito ba ang usong alarm clock ngayon? BUNGANGA NG KAPITBAHAY???! 10am na pala. inaantok pa ako :( tinignan ang lamesa, walang almusal so bumili na lang ako ng biscuit para magkalaman tyan ko.

12pm pumunta na ako papuntang school. isang sakay lang naman ng jeep pero tengene, TRAFFIC. leche talaga. first time kong makikita ang PUP. never pa ko nakakapunta dito. sympre, mejo nakakaturn off yung riles pero keri lng yan.

nasa teresa palang ako, ang dami ng tao.

may beki na nagreretouch. may tomboy na nakatambay. may lalake na naninigarilyo. may babae na kumakain ng kwek kwek. iba iba. nakakapanibago para sa isang probinsyanang gaya ko.

nasa main gate palang ako...

"ate! may lapis ka na ba? bili ka na!" -- kuya1

"miss, mongol2 ang kailangan, bili ka na dito, nakatasa na" -- kuya2

"dalawang lapis ang kailangan ate bawal ang isa lang!" --kuya3

"hindi ka makakapagtest pag isa lang, bili ka na dali" -- kuya4

syempre, hindi ako bumili. dora yata to, always ready.

WAG NA WAG MAGPAPALINLANG SA MGA YAN. Yung iba, ang mahal ng benta kaya much better kung bili ka nang mas maaga. at make sure na may pambura. ok? ok.

gogora na ko. this is it. nasa loob na ko ng PUP. sa catwalk na. feel na feel ko na ang college life.....

"ate, saan po dito yung ****?"

"diretso ka dito sa gym, good luck :)"

sila ay mga volunteers na PUPian na handang mag-assist sa inyo kaya wag mong isipin na walang gagabay sayo pagdating mo sa PUP. Yes, malaki ang school. pero hindi ka maliligaw.

pagpasok ko sa GYM, ang daming tao. ang daming echos. ang daming nagrereview. ay pota. REVIEW?! O.O

(wag na wag niyo akong gagayahin ok? magreview kayo. wag kayong umasa sa STOCK KNOWLEDGE lalo na kung WALA NAMANG STOCK.)

iba-iba ang place kung saan unang pipila. according sa First letter ng examinee number mo. ito ay maaaring N, E, W, S. ang mga letrang ito ay sumisimbolo sa kung anong wing ka mag-eexam.

sa north wing kame. pero pinapila muna sa canteen. dito ko unang nabasa ang Virgin Shake. HAHAHAHAHA. lol.

so ayun, nakapanik na kame. orientation ni ate, ni kuya, lahat na. after ilang minutes, nagsimula na ang gera.

150 yata yung items ng test. hindi ito madali pero kung gusto mo mapunta sa higher section at maraming choices na course ang gusto mong pagpilian dahil isa kang choosy na nilalang, magreview ka. kasi ang score ay isa sa pagbabasehan ng course na pwede mong makuha. for short, WAG MONG ISIPING PETIKS LANG ANG PUPCET!

take note: maraming gustong mag-aral sa PUP. paunahan sa slots. pag wala ng available slot sa course na first choice mo, sa ibang course ka na lng. sarreh. kumbaga, UBUSAN NG LAHI. 

 Kaya safe na safe ka kung 100+ ang score mo. dahil magiging FIRST DAY ENROLLEE KA. which means, AVAILABLE PA ANG LAHAT NG SLOTS SA LAHAT NG COURSES. for short, ANG HABA NG HAIR MO.

napaisip ako. isa lang akong probinsyana. makakaya ko kaya?

nakakapanghina ng loob lalo na kung RK ang kasama mo sa loob ng classroom, may connection sa school or sa prof, o yung mukhang pinakasalan ang encyclopedia. pero hindi dapat iunderestimate ang sarili. chin up, smile and pass the PUPCET :) kaya mo yan.

91 ang score ko. pasado naman. at umabot ako sa quota ng ACCOUNTANCY.

Hi Dos Policy. x____x

BUHAY PUP (Polytechnic University of the Philippines)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon