ENTRY 4

472 23 8
                                    

ENTRY 4

Dear Diary,

Masama bang kiligin ang lalaki Diary? Kasi kanina kinilig ako nung nakasalubong ko sa daan si Anna. Ganto kasi 'yun Diary.

"Oy JR." sabi ng isang babae habang lumalapit sa akin. Nginitian niya ako kahit na hingal na hingal na siya. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya pa sa akin Diary. Naramdaman ko namang lumikot si Junjun sa loob ng aking pantalon. "Ahm... Bibili lang ng pagkain ng alaga ko eh." Kinuha ko si Junjun at pinakita kay Anna.

Nagulat si Anna at parang nabigla ng nakita si Junjun. "Ang laki naman niyan." Nawala ang pagkagulat sa mukha niya at napaltan ng pagkatuwa.

Akala ko matatakot siya Diary kay Junjun pero mukhang natuwa pa siya. "May sasabihin nga pala akong sikreto sayo ah! Tayong dalawa lang ang dapat na makaalam dahil kababata kita." Napatango na lang ako kahit hindi ko alam ang gusto niyang ipahiwatig.

Nakita kong may kinuha siya sa loob ng minimaong shorts niya na aking kinagulat. "Meet Pocky, ang alaga ko ding hamster." Ibinuka niya ang kanyang kanang palad at lumitaw ang isang puting hamster. Si Junjun, na nasa aking kanang palad din ay biglang nanigas mula sa kanyang kinatatayuan. Lumabas din ang mga ugat nito sa katawan na para bang nagpapakitang gilas kay Pocky.

Mukhang nalove-at-first-sight si Junjun kay Pocky Diary ano?

"Bakit nga pala mag-isa ka lang Anna? Nasaan si Biboy?" tanong ko kay Anna habang nakain kami sa Mcdo. Niyaya ko kasi muna siyang kumain dahil gutom na rin ako. Buti na lang at sa Mcdo ko dinala si Anna dahil nailibre ko pa siya mula sa kupit ko sa wallet ni papa.

Binigyan ako ng malungkot na mukha ni Anna bago magsalita. "Tumakas nga lang ako sa kanya JR eh. Masyado kasi akong nasasakal sa kanya. At isa pa, para na rin mailabas ko si Pocky. Ayaw kasi ni Babe-boy sa mga hayop eh. Lalo na sa hamster." Pagkwekwento niya pa sa akin Diary. Naawa tuloy ako sa kanya. Kung kami na lang sana, kung ako na lang sana ang minahal ni Anna, hindi siguro siya mahihirapan ngayon.

Pagkatapos naming kumain ay namasyal pa kami at nagpunta sa arcade para maglaro. Katulad ko ay tuwang-tuwa din si Junjun dahil nagkakalampungan sila ni Pocky. Ano kaya ang loveteam nila Diary? #JunCky? O #PoJun?

Buti pa si Junjun may kaloveteam na. Ako kaya? Kelan kaya, magiging kami ni Anna? Kahit napakaimposible Diary, alam kong magiging posible pa rin ang lahat di ba?

Sige na Diary, bukas na ulit, paubos na ng tinta ang ballpen ko.

~JR

Diary ni JunjunWhere stories live. Discover now