ENTRY 7 (Epilogue)

386 23 16
                                    

ENTRY 7 (Epilogue)

Dear Diary,

Kamusta na Diary? Ginabok ka na ano? Sorry ah. Hindi na kasi ako masyadong nakakapagsulat sayo. Simula kasi nung namatay si Junjun ay parang namatay na rin ako. Si Junjun kasi ang nagbibigay buhay sa akin. Siya ang nagpapasaya sa akin kapag malungkot ako. Siya ang madalas napaglalabasan ko ng sama ng loob at siya rin ang nasasabihan ko ng aking mga problema bukod sayo Diary. Dahil wala na siya, wala na ring kwenta ang buhay ko.

Pero akala ko lang pala lahat ng 'yuon Diary. Madami din palang magandang nangyari pagkatapos ng pangyayaring 'yun. Naghiwalay na sina Biboy at Anna dahil nalaman ni Biboy ang tungkol kay Pocky. Naparusahan din ng kalikasan sina Biboy dahil nagkaroon sila ng mga pantal-pantal, marahil ay dahil sa pag-ihi nila sa isang punso. Siguro Diary, 'yun na ang karmang natamo nila dahil sa ginawa nila kay Junjun.

Sige Diary, see you soon na ulit, magiging busy na ako eh. Kami na ni Anna, at ngayon ay bibili kami ng bago kong alaga. Tingin mo ang ibon na may itlog na? Okay lang kaya Diary?

Bye~~

~JR

THE END

Diary ni JunjunWhere stories live. Discover now