ENTRY 5

412 22 15
                                    

ENTRY 5

Dear Diary,

(Umaga) May outing ang barkada at kasama si Anna dahil boyfriend niya si Biboy na katropa namin. Isinama ko si Junjun dahil itinext ako ni Anna na isasama niya si Pocky. Halos lahat din sa mga kasamahan ko Diary ay may mga kasamang syota maliban saken. Nakakaiyak lang. #ForeverAlone

(patanghali) Diary ang hirap magsulat sayo ah. Nasa byahe pa rin kami at sabi ni Kyle, 'yung isa ko pang kabarkada diary, ay malayo-layo pa daw 'yung pupuntahan namin. Alam mo ba 'yung Pagsanjan Falls Diary? Hindi kami dun pupunta. Pero may falls din 'yung pangalan nung pagliliguan namin. At sa pagkakatanda ko, Virgin Falls ata ang tawag dun dahil kakaunti palang ang nakakapunta dun.

(Tanghali) Malapit na kami Diary sa Virgin falls kaso nagpahinga muna kami. Sobrang layo pala nung Virgin Falls ano Diary? Sa gitna pa pala 'yun ng gubat na tinatakahak namin ngayon. Kaya pala, kakaunti lang ang nakakapunta dun kasi nga ang layo at ang liblib masyado. Nakita kong hingal na hingal na rin si Anna habang nagpupunas ng pawis sa kanyang noo. Kahit anong anggulo diary, sobrang ganda niya eh. Nakakabighani talaga siya. Naramdaman kong nanigas ulit si Junjun sa aking maong na shorts. Siguro ay kinikilig din siya kay Pocky.

(Pahapon) Ang sarap ngang lumangoy sa Virgin Falls Diary, sariwang sariwa! Sobrang linis ng dumadaloy na tubig. Sayang hindi makakalangoy dito si Junjun kasi nakatago sila ni Pocky sa bag ni Anna. Ano kaya ang ginagawa nila Diary? Excited na akong malaman ang mabubuo mula sa kanila.

(Gabi) Nakakapagod lumangoy Diary, sumakit ang mga kasu-kasuan ko eh. Anyway Diary, itinabi ko na si Junjun sa loob ng shorts ko. Baka kasi makita pa ng mga kabarkada ko, pagtawanan pa ako.

Sige, bukas na ulit Diary. Itatago na kita at baka ipanggatong ka pa sa bonfire. Kumakain ng marshmallow-cue.

~JR

------
Last two chapters mga Junjunatics. Nakakaiyak. Huhuhu.

Diary ni JunjunWhere stories live. Discover now