ENTRY 6

416 22 37
                                    

ENTRY 6

Dear Diary,

Nagising ako ng hindi nararamdaman si Junjun sa kahit saang parte ng katawan ko. Napabalikwas ako bigla Diary sa sobrang pag-aalala. Lumabas ako ng aking tent at nagmasid sa paligid. Nakita ko si Anna na mag-isa lang sa isang tabi habang hinhimas ang minipants niya. Marahil ay hinahawakan niya si Pocky. Lumapit ako sa kanya Diary at tinanong. "Anna nakita mo ba si Junjun?" nahihiya kong tanong sa kanya. Ngumiti siya sa akin ng maalaala ang pangalan ng hamster ko, naikwento ko kasi sa kanya ang tungkol sa pagpapangalan ko dito.

"Hindi eh. Baka naman namasyal lang diyan sa tabi-tabi." Pagpapagaan niya ng loob ko. Baka nga namasyal lang si Junjun sa kung saan. Biglang dumating sina Biboy at 'yung tatlo pa namaing katropa. Nagtatawanan sila tapos ay napatingin sa akin. "Oh JR, gising ka na pala? Alam mo bang may nakita kaming daga kanina na pakalat kalat lang. Buti nga at nakita ni Kyle eh. Ayun hi-nunting namin a-" Humahagikgik pa si Biboy Diary habang kinukwento ang kagaguhang ginawa nila kay Junjun.

Hindi na ako nakapagpigil Diary, sinakal ko si Biboy at itinaas sa may puno. Mukhang nagulat naman siya dahil hindi niya inakala na maggagawa ko ang bagay na 'yun sa kanya. "Asan na si Junjun? Nasaan na ang hamster ko?" galit na galit kong tanong sa kanya. Hinigpitan ko ang pagkakasakal ko sa kwelyo niya.

"Na-nandun sa kweba!" sigaw niya. Binitiwan ko siya pagkatapos ay nagtatakbo na ako. Binilisan ko ang pagtakbo ko. Kailangan kong malaman kung saang kweba naroroon si Junjun! Sana walang mangyaring masama sa kanya.

Nang makakita ako ng isang malaking kweba ay napatigil ako sa pagtakbo. Nandito ba sa kwebang ito si Junjun? Sana nandito siya!

'yan ang mga naiisip ko habang pumapasok sa kweba.

Binuhay ko ang flashlight ng cellphone ko at kinumpas sa buong paligid. Nakakita ako ng isang maliit na supot na naibo. Lumapit ako dito at nagimbal Diary sa itsura.

Si Junjun nakabalot sa isang fitted na plastic. Plastic ata 'to ng ice-candy! Sa sobrang sikip ng plastic na ito ay hindi talaga makakahinga si Junjun niyan Diary.

Inalis ko ang plastic na nakabalot sa kanya. Naglulungad na si Junjun at halos hindi na makahinga ng ayos. Hinawakan ko siya at sinubukang iCPR. Hinipan ko ang ulo ni JR-ang bibig pala niya Diary.

Hinawakan ni Junjun ang aking kamay. Nakita kong may tumulong luha sa kanyang mga mata Diary. Nagsimula na ring kumawala ang mga luha sa aking mata.

Iniabot niya ang aking kamay at parang hinawakan niya ito. Naglungad siya at mula sa paninigas ay nanlambot siya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata habang nakangiting nahimlay.

Wala akong naggawa Diary! Wala na si Junjun. Namatay na siya.

Umiiyak habang nagsusulat,

~JR

Diary ni JunjunWhere stories live. Discover now