ENTRY 2

709 29 46
                                    

ENTRY 2

 

Dear Diary,

 

Ngayon ay nasa loob lang ako ng kwarto ko dahil naulan ng malakas. Nagtataka nga ako kung bakit naulan ay kalagitnaan pa lang naman ng summer. Kinuha ko si Junjun at nilaro siya. Sinakal-sakal ko siya, pero hindi naman gaanong marahas na malalagutan siya ng hininga. Naalala ko bigla kung paano ko nakita si Junjun Diary.

 

Umuulan din noon habang naglalakad ako pauwe galing sa paaralan ay napadaan ako sa tapat ng isang Pet Shop. Malalim ang aking iniisip noon dahil nalaman ko na naging sina Anna na at Biboy. Kung kelan pa naman ako magtatapat na ng aking pag-ibig sa kanya tsaka naman naging sila Diary. Bakit unfair ang mundo? Bakit Diary?

 

Sa paglalakad ko ay may muntikan na akong matapakan na isang bagay na umiibo sa aspaltong sidewalk ng kalsada. Nilimot ko ito at pinunasan dahil sa madungis na itsura nito gawa na rin siguro ng putik.

 

Natuwa ako ng bigla ulit itong gumalaw. Pinagmasdan ko ang itsura nito; medyo malago ang buhok nito at may malaking ulo kesa sa katawan nito. Inilagay ko ito Sa aking bulsa at dali-daling umuwi.

 

Kinagabihan Diary ay pinaliguan ko 'yung mukhang daga na nakita ko sa tapat ng Pet Shop. Isinearch ko rin sa google kung ano ang tawag sa hayop na ito at nalamang isa pala itong hamster. Natuwa ako ng sobra kasi sobrang gana niyang kumain ng ubas na binigay ko sa kanya. Parang nawala bigla ang lungkot sa isipan ko ang tungkol kay Anna at Biboy dahil sa hamster na 'to.

 

Bakit nga ba Junjun ang pinangalan ko sa hamster na 'to? Simple lang ang sagot Diary, dati kasi nung mga bata pa kami ni Anna ay Junjun ang tawag niya sa akin dahil na rin sa Junior na palayaw ko.

 

Tumila na ang ulan Diary. Hindi ko namalayan na naglungad na pala si Junjun, napasobra ata sa sakal ko!

 

Sige mamaya na lang ulit Diary, paliliguan ko muna si Junjun.

 

~JR

 

Diary ni JunjunWhere stories live. Discover now