Bebang

129 152 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bebang!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Bebang!"

"Arnold?"

"Liligawan kita! Hindi kita tatantanan!"

"Arnold-" Nagsimula akong matawa. Ginaya pa talaga niya ang boses ng sikat na tagabalita sa telebisyon. "Arnold Clavio, ikaw ba 'yan?"

"Arnold Santos and you're gonna be Mrs. Santos!"

Nagsimulang magkantsawan ang mga tao sa palibot namin. Nakatayo siya sa ibaba ng entablado habang nakayuko naman ako mula sa itaas. Basang-basa siya ng pawis halatang katatapos lamang ng laro nila.

"Baliw!" bulalas ko. Panay ang sigaw niya sa aking pangalan kasama ang buong basketball team. Tinaasan ko siya ng kamao. "Maligo ka muna bago landi!"

Kasunod noon ay malakas na tawanan ng mga tao. Pero hindi niya inalis ang tingin niya sa akin. Tumatawa siyang naglakad patalikod habang nakatuon sa direksyon ko.

"Bakit hindi mo pa kasi sagutin?" usisa ng matalik kong kaibigang si Samantha. Abala kami sa pagtapos ng malaking banner para sa darating na pagdiriwang sa paaralan. "Campus crush iyang si Arnold. Maraming nagkakandahumaling sa kanya."

Napatingin ulit ako sa soccer field. Sumasayaw pa si Arnold kasama ang mga kabarkada niya. Pinaglalaruan nila ang hose ng tubig na halatang kinuha nila mula sa Janitor's room. Gaya ng nakagawian, naglalaro sila ng tubig tuwing nananalo at nagbabasaan sa damuhan.

"Iyan? Mula bata pa ay kilala ko na budhi niyan. Malakas mambabae-"

Hindi ko na naituloy ang sunod kong sasabihin. Natigilan ako nang biglang nagtilian ang mga dalaga sa paligid nang magsimulang hubarin ni Arnold ang sando niya. Tumambad sa lahat ang malapad niyang balikat, matipuno niyang dibdib, at ang anim na pandesal sa kanyang harapan.

"As you were saying?" usisa sa akin ni Samantha. "Natigilan ka ata?"

"Magkulay na lang tayo!" Mabilis akong napayuko. Pinilit kong pinturahan ang mga letra sa harapan ko. Panay ang alog ng aking ulo habang nagtitilian pa rin ang mga babae sa likod ko.

"Girl! Kung nakikita mo lang ang itsura mo. Mas pula pa ang pisngi mo kaysa sa pintura natin."

Tinaasan ko ng kilay si Samantha. Pinipigilan naman niya ang tawa niya. Hindi namin napansin na unti-unting lumalakas ang tilian ng mga tao. Huli na nang makita kong nasa harapan na naman ng entablado si Arnold.

"Oh, nakaligo na ako. Puwede na bang manligaw?"

Lalong lumakas ang tilian. Napakagat ako ng labi.

Hindi ko siya pinansin. Panay ang kanyang banat habang sinisiko ako ng babaeng katabi ko. Maging ang mga taong nasa likod namin ay walang ginawa kundi makikantsaw habang panay ang banat ng lalaking nakadungaw sa harapan ko.

Natapos ang araw na iyon at umuwi ako sa bahay. Nakahiga na ako sa kama habang inaalala ang mga patutsada ni Arnold kanina.

Napatingin ako sa labas ng bintana. Pinatay ko agad ang ilaw ko. Mula sa kabilang bahay ay nakita ko ang silweta ni Arnold habang nagpapalit ng kanyang pang-itaas.

Bigla niya akong tinawag.

"Bebs-"

Bebs? Kanina Bebang, ngayon Bebs?

"I know you're watching. Buksan mo ang bintana mo, may sasabihin ako."

Ang totoo ay kababata ko itong si Arnold. Magkapitbahay lang kami. Kinalakhan ko na ang pamilyar na tanawin ng lalaki sa bintana ko. Mula sa isang paslit hanggang sa magmukhang modelo na hinulma sa bato.

"Hindi ka talaga mauubusan ng sasabihin, ano?" Nakalugay na ang aking buhok nang buksan ko ang bintana at umupo sa gilid nito.

Magkasalungat ang personalidad namin. Ako ay babaeng boyish kung tawagin. Sa paaralan ay laging nakataas ang aking manggas at tinatago ng sumbrero ang maganda kong buhok.

"You look so much better with your hair down."

Bolero.

"Wig lang talaga 'to. Kalbo talaga ako."

Nagsimula siyang humalakhak. Muli kong nasaksihan ang maganda niyang ngiti habang nagtatampisaw siya katatawa sa kanyang silid. Ganito si Arnold. Daig pa niya ang madaldal na babae. Madali niyang makagaanan ng loob ang maraming tao dahil sa sobrang palakaibigan niya.

"Hikain ka na naman diyan," babala ko. "Anong sasabihin mo?"

"Oo nga pala."

Bigla siyang tumayo nang maayos. May kinuha siya mula sa kanyang kuwarto. Humakbang siya palabas ng bintana. Tinawid niya ang bakod bago marahang umakyat sa bahay ko.

"Adik ka talaga Arnold! Hindi na tayo bata." Tinatawanan ko siya. Ang hikaing paslit noon ay nagpupumilit na umakyat sa aking silid hanggang sa tuluyan siyang makapasok.

"Adik talaga ako," ani ni Arnold. "Adik sa'yo."

"Quota ka na sa mga banat mo today, baliw!"

Tatalikod na sana ako nang bigla niyang inilabas ang dala niya. Isang malaking tela ang ibinulatlat niya sa harapan ko. Malamang ay kinuha niya ito sa mga retasong gamit namin sa entablado. Maging ang pintura ay ang mula sa mga natira namin kanina.

"Tama na ang corny lines Bebang, seryoso na ako. Hindi na tayo bata."

Matapos niyang sabihin iyon ay sabay naming binasa ang nakasulat sa dala niya.

"Bebang, mahal kita, matagal na."

Ibinaba niya ang hawak niya. Nakangiti siya sa akin.

Hindi ako sigurado pero ramdam ko ang pag-init ng mga pisngi ko sa pagkakataong iyon.

TABULARASATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon