Ikaw

59 6 0
                                    

Martin,

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Martin,

I am so proud of you.

Sa tuwing nagmumukmok ako sa malamig na panahon ng Pebrero gaya nito, ikaw ang naalala ko. Remembering you gives me strength.

Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa hinaharap. Kung kakayanin ko ba ang darating pang mga pagsubok. How long can I keep it together before the world breaks me apart? Hindi ko sigurado kung hanggang kailan ako luluha. Kung hanggang kailan ako maniniwalang matutupad ko ang iba pa nating mga pangarap sa kabila ng lahat ng ito.

Nandito ako ngayon sa malamig na lugar. I would constantly let the cold air fill my lungs habang ginugunita ko ang mga kinaya mong pagsubok. Siguro, kesa ang magmukmok sa kawalan, pasasalamatan na lang kita dahil sa mga ginawa mo para sa atin. Dahil sa lahat ng inalay mong sakripisyo, ang layo na ng ating narating.

Thank you for remaining strong in the face of numerous challenges. Hindi ko na mabilang halos. How the huge fire destroyed your house at the age of six. How you lost your parents and started from scratch because of that. Kung paano ka nagpatuloy sa pag-aaral kahit tanging poste lamang sa kanto ang gamit mong liwanag sa tuwing gumagawa ka ng asignatura.

Naalala ko pa iyong mga panahong nagwawalis ka ng mga nakaparadang jeep para sa limang pisong bayad. How you would spend the summer vacation selling ice candy unlike the other kids. How you took in so many jobs at a young age masigurado mo lamang na makakapagpatuloy ka sa pag-aaral.

I witnessed how many times you cried.

Iyong mga panahong walang-wala na talaga tayo.

Lumaki kang ulila at walang tahanan pero hindi ka nawalan ng pag-asa. Kahit wala kang naging permanenteng bahay, hindi ka naman nawalan ng tahanan. Sabi mo nga, "A home is a place where you have cried your heart out." Totoo iyon. A home can be any place; it can be many places. As long as it's somewhere that makes you feel safe while being vulnerable, you can call it home. You had yourself. You had us. Itinatak mo iyon sa puso mo kaya siguro naabot natin ang ganito kalayo.

As I sat down beside the frozen lake here in Canada, hindi ko mapigilang mapangiti para sa lahat ng sakripisyong ginawa mo. Habang dumadampi sa aking mukha ang bawat butil ng niyebe mula sa langit, panay ang pasasalamat ko dahil sa pagmamahal mo para sa iyong sarili at para sa pangarap natin.

I am now the fruit of your labors. The result of your tenacity despite the countless tears you poured out of your innocent eyes. I wouldn't be here without you. Salamat at kinaya mo.

Pangako, tatatagan ko rin.

Thank you for loving and believing in yourself.

Nagmamahal,

Ikaw

Ikaw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TABULARASATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon