CHAPTER 22

17 1 0
                                    

PM's P.O.V

'Alam mo ba anak, hanggang ngayon mahal na mahal ko parin si Rosie. 33 years na. Hanggang ngayon umaasa parin ako.' Sabi niya.

'Hindi po ba kayo nagkagusto sa iba? Wala po ba kayong pamilya?' Tanong ko sakanya.

'Kahit kelan di ako nagkagusto sa iba, kay Rosie lang. Wala akong pamilya. Ang pangarap ko kasi ay bumuo ng pamilya kasama si Rosie, pero di na mangyayari yun.' Sagot niya. Sobrang lungkot ng mukha niya. 'Kung di dahil sakanya, wala na siguro ako dito sa mundo. Niligtas niya ang buhay ko.'

ha?

'Ano pong ibig niyong sabihin?' Nagtataka kong tanong.

'Nag away sila ng kasintahan niyang si Leonardo, hindi ko alam na sinasaktan pala siya nun. Mabuti nalang at nandun ako sa bahay nila nun at napagtanggol ko siya. Sinabi ko kay Leonardo na dapat hindi siya nananakit ng kahit sino lalo na at babae. Sinabi niyang wala akong karapatan pag sabihan siya ng ganun at wala akong karapatang mangialam sakanila dahil kaibigan lang ako ni Rosie. 'Oo wala akong karapatan, pero mahal ko si Rosie at ayokong may nananakit sakanya' sabi ko sakanya nainis siya at naglabas ng baril. Babarilin niya na sana ako pero humarang si Rosie at siya ang nabaril. Sa ulo ang tama niya. Dinala ko siya sa Hospital pero huli na. Sobrang sakit. Napakahirap tanggapin.' Namumuo na ang luha niya.

Grabe pala ang napagdaanan niya. Kung ako siguro nasa kalagayan niya sumuko na ko at nagpakamatay nalang. Ang tapang ni Lolo.

'Kinulong si Leonardo. Hanggang ngayon nakakulong parin siya kasi hindi lang pala si Rosie ang pinatay niya lahat ng nakarelasyon niya ay pinapatay niya pag nakikipaghiwalay sakanya. Nung araw nang libing ni Rosie, dun ko naisip na wala na talaga akong pag-asa, wala na siya e. ang gusto ko nalang gawin nun ay sundan siya. Magpakamatay rin' Tumawa siya. ''Hindi gugustuhin ni Rosie yang balak mong gawin.' sabi ng nanany niya sakin kaya hindi ko rin tinuloy. Ang ginawa ko nalang ay patuloy na ibigin siya kahit wala na siya..'

Why Can't I Have You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon