CHAPTER 19

14 1 0
                                    

Paris's P.O.V

Dadalhin ko siya sa El nido, Palawan. Nung bata pa ko lagi akong dinadala ng mama ko din at pupunta kami kung san walang tao. Tas laging siyang sisigaw. Sabi niya sakin kung may mga bagay na di ko masabi sa taong gusto kong pagsabihan nito, pumunta lang ako dito at ilabas ang lahat.

Gusto ko matulungan si PM kahit sa simpleng paraan lang. Siguro hirap na hirap na siya sa pagtago ng nararamdaman niya.

'Andito na tayo.' Sabi ko sakanya at nagbayad na sa taxi. Pagpasok palang namin, halatang na amaze si PM.

'Ang ganda dito..' sabi niya na medyo napapanganga.

'Sobra. At napakapeaceful pa.' Sabi ko.

'Pero pano ako matutulungan nito?' Tanong niya na parang naiiyak nanaman.

'Sundan mo ko.' Sagot ko at naglakad. Di ko na kelangan magbayad dahil sabi ng Lola ko, na kaibigan ang nagpapatakbo ng resort na okay na daw.

Buti walang masyadong tao ngayon..

Naglakad kame hanggang sa marating namin ang spot kung san laging naglalabas si mama ng sama ng loob. Masakit mang tumayo dito, gusto ko matulungan si PM kaya ito..

I miss my mom.

'Ito.' Sabi ko. Tumingin siya sakin na parang nagtataka. 'Isigaw mo lahat ng nararamdaman mo. Alam kong walang mababago sainyo ni Luke to, pero ilabas mo yan lahat. Para medyo gumaan yung loob mo.' Pageexplain ko.

Namuo nanaman ang luha niya at bigla akong niyakap. 'Salamat Paris. Malaking tulong to para sakin.' Sabi niya at nginitian ako.

'No problem. Sige aalis muna ko, ilabas mo na lahat yan. Lahat. Text mo nalang ako pag ayos na.' Sabi ko. Niyakap niya ulit ako at nagpasalamat.

Umalis na ko. Mag iikot ikot muna ako. Pumunta ako sa isang sulok na maraming bato na lagi naming pinagtatambayan ni mama noon. Dito kami lagi nagsusulat sa buhangin ng kung ano ano. Huling punta namin dito, pangalan ko ang sinulat niya.

Namuo ang luha ko. I miss you Mom. Namatay ang mama ko nung 10 years old ako. Walang nakakaalam samin na may cancer pala siya. Nalaman ko nalang nung wala na siya..

This place makes me feel free, happy and sad all at the same time.

Why Can't I Have You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon