CHAPTER 25

35 2 0
                                    

Unknown's P.O.V

Ang boring naman. Sinundan ko pa naman sila dito sa beach pero walang exciting na nangyayari. Basta ang alam ko ngayon, di lang bestfriend ang tingin ni Paris kay Calum at ni PM kay Luke. Hmmmmm I can use this to blackmail them? Ayaw pa naman nila umamin. Hmmm... great idea.

Paris's P.O.V

Andito na ulit kami sa beach. Sinalubong kami ni Franz at Calum. Niyakap agad ako ni Franz. 'Uy! San ba kayo galing? Di man lang kayo nag aya!' Sabi niya.

Ngumiti ako. 'Naglibot libot lang. Sorry nawala na kasi sa isip ko.' Sagot ko nalang.

'Okay kana ba PM? O may masakit parin sayo?' Tanong niya naman kay PM.

Sus may masakit parin diyan.

'Ah hehe.. okay na ko.' Sagot niya at umiiwas ng tingin.

'Tara na dun tayo sa room nila Luke, may game daw e!' Sabi ni Franz na excited na excited.

'Game?' Tanong ko.

'Oo maglalaro tayo' Sagot niya.

'Anong laro?' Tanong naman ni PM.

'Di ko alam e. Basta tara na!' Hinila ni Franz si PM at nauna na sila. Naiwan kami ni Calum. Katahimikan. Nakakabinging katahimikan.

'Di man lang kayo nagpaalam bago umalis.' Biglang sabi ni Calum.

'E kasi-'

'Pano kung may nangyaring masama sayo?' Putol niya sakin.

'Wala namang nangyari e. Okay na andito na kame. Safe naman kami dba.' Sagot ko at tumalikod sakanya. Magsisimula na sana akong maglakad pero may yumakap sa likod ko.

'Di mo alam kung gaano ako nagalala.'

Calum... why are you doing this to me?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Why Can't I Have You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon