CHAPTER 21

14 1 0
                                    

PM's P.O.V

'Naaalala ko nung mga kasing edad mo pa ako, nainlove din ako nun. Ang pangalan niya ay Rosie' Ngumiti siya at umupo sa tabi ko.

'Ano pong nangyari?' Tanong ko.

'Wala. Inlove lang ako sakanya, pero di niya alam. Gusto ko sabihin pero wala akong lakas nang loob, lalo na at may kasintahan siya noon.'

Parehas pala kami.

'Hanggang ganun na lang ako. Tingin sakanya galing malayo, pinapangarap siya, humihiling na sana akin nalang siya.' Tumawa siya at umiling.

'Pakiramdam ko nun, wala akong pag-asa, kaya ang ginawa ko? Pinilit kong kalimutan ang nararamdaman ko para sakanya. Itinuon ko ang pansin ko sa iba. At nagawa ko yun. May nagustuhan akong ibang babae at niligawan ko ito, nung sinagot niya ko ay tuwang tuwa ako. Hindi lang dahil sakin na siya, tuwang tuwa ako kasi sa wakas, wala na kong nararamdaman para kay Rosie.'

Pano niya nagawa yun? Sana magawa ko rin yun.

'Maayos ang relasyon namin ni Anna, nagmamahalan kami, masaya. Pero dahil lang sa isang pangyayari, nasira ang relasyon namin.' Lumungkot ang mukha niya.

'Ano pong nangyari?' Tanong ko.

'Kinausap ako ni Rosie. Ang sabi niya ay gusto niya ko maging kaibigan. Yun lang, yung mga salitang yun, binalik lahat ng nararamdaman ko para sakanya. Akala ko lang pala na wala na kong nararamdaman sakanya. Sinabi ko ito agad kay Anna dahil ayoko namang paasahin siya at saktan lang siya, kaya nakipaghiwalay siya sa akin.'

'Naging matalik kaming magkaibigan ni Rosie. Minsan nga iniisip ko kung may gusto na rin ba siya sakin, wala na kasi siyang kasintahan nun at talaga namang napakabait niya sakin. Lagi siyang nag-aalala kapag may sakit ako, pag wala akong baon, hahatiin niya ang baon niya at sasabihing mag share kami. At dahil sa mga ginagawa niya, mas nahuhulog ang loob ko sakanya. Dahil sa mga motibasyon na ipinapakita niya, naisip kong umamin. Sobrang saya ko nung araw na aamin ako, iniisip ang mga pwedeng mangyari pagtapos ko umamin. Naglalakad ako sa park kung san kami magkikita. Pagkakita ko sakanya, nahirapan akong huminga. May kahawak siya ng kamay at sobrang laki ng kanyang ngiti. Dumiin ang hawak ko sa dala kong bulaklak. Lumapit sila sakin. Pinakilala sakin ni Rosie ang kanyang kasama, ang bago niyang kasintahan. Tinanong niya para saan ang bulaklak, di ako makasagot. Gusto ko nang umamin pero naisip ko na masasaktan lang naman ako, na wala na talaga akong pag-asa. 'Para sa nanay ko' yun nalang ang sinabi ko.'

Ouch.

Why Can't I Have You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon