CHAPTER 23

19 1 1
                                    

PM's P.O.V

'Ikaw anak? ano ba ang iyong problema at sumisigaw habang umiiyak ka dito kanina?' Tanong niya sakin.

Kinwento niya ang karanasan niya sakin, ang unfair naman kung di ko sasabihin yung problema ko sakanya. At mukha naman siyang mabait. Sige na nga.

'May bestfriend po kasi ako. 5 years na po kaming magbestfriend. 2 years naman pong hinihiling ko na sana hindi lang kami magbestfriend..'

'Mahal mo siya hindi lang bilang kaibigan tama ba anak?'

'Opo, lo. Problema po dun, mukhang hanggang bestfriend nalang po talaga ang tingin niya sakin at he's getting married. So wala na po talaga akong pag asa. Dinala po ako ng isa ko pang bestfriend dito para ilabas lahat ng nararamdaman ko. Medyo nakatulong po pero yung sakit.. hindi nawawala, andito parin po, masakit parin po sobra.' Namumuo nanaman luha ko. Ano ba PM tama na naman please.

'Mukhang mahirap nga yan. E alam niya ba na gusto mo siya?'

'Hindi po, lo. Hindi niya na po kelangan malaman. I mean, para san pa po diba? wala naman po siyang pake. Ikakasal na po siya, di na mababago yun.' Sagot ko sakanya.

'Wala namang masama kung sasabihin mo sakanya diba? Oo, siguro walang mababago pag nalaman niya pero gagaan ang loob mo pag naamin mo na yan.'

Gagaan loob? hindi. mas masasaktan lang kamo.

'Sana po ganun kadaling umamin. Pag umamin po ako, mas masasaktan lang ako sa isasagot niya at masisira pa po ang samahan namin pag ganun..'

Natahimik kami saglit.

'Bat kasi napakahirap magmahal. Bat di pwedeng yung taong mahal mo mahal kana lang din. hays.' sabi ko.

napakahirap na nga. napakasakit pa.

'Mismo, anak. Nahuhulog tayo sa mga taong hindi pwedeng maging atin.'

-

Hi ! Sorry ngayon lang ulit ako naka-ud. Medyo nagkaproblema lang. Thank you sa reads! :D at votessssss. Salamat po ^_^

Why Can't I Have You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon