CHAPTER 20

19 1 0
                                    

PM's P.O.V

This is it. Malalabas ko na yung tunay na nararamdaman ko. Masisigaw ko na. Lahat.

'I LOVE YOU LUKE! I F*CKING LOVE YOU!'
Namuo nanaman yung luha ko.

'HINDI LANG KAIBIGAN ANG TINGIN KO SAYO LUKE HINDI KO GUSTONG HANGGANG MAGKAIBIGAN LANG TAYO. TANG*NA LUKE DI KO ALAM KUNG TORPE LANG AKO O SADYANG MANHID KA!' Tumulo na ang mga luha ko.

'Luke bakit si Paulette pa? Mas nauna mo kong nakilala e. Ang daya naman e.' Tumawa ako habang umiiyak. Parang baliw lang. Pero di pa ko tapos.

'Ang sakit. Sobrang sakit. SOBRANG SAKIT!!!!!!! Mas mahihirapan pa kong abutin yung pangarap ko. Wala na nga e, di ko na maaabot. Alam mo kung bakit? Nakatali na siya. Nakatago. Secured. Imposibleng maabot.' Tumawa nanaman ako. 'Luke sana ako nalang. Sana ako yung katabi mo tuwing gigising ka sa umaga. Sana ako yung dahilan ng kasiyahan mo. Sana kamay ko hinawakan mo. Sana labi ko hinahalikan mo. Sana.. sa-sana'

Nahihirapan na ko huminga. 'Sana ako nalang yung mahal mo,.Luke. Sana ako nalang. Please.. hirap na hirap na kasi ako e. Sobrang sakit na Luke. Sobra sobrang sakit na. Minsan naiisip ko na itigil na to pero wala. Ayaw ng puso ko e.' *laughs*

'Kung kaya ko lang.. matagal ko nang ginawa. Para di na ko masaktan, mahirapan. Pero di ko kaya. Pasensya ka na aa. Sobrang mahal lang kasi talaga kita e' umupo nalang ako dun at umiyak ng umiyak.

Kahit nalabas ko na ang sakit parin. sobrang sakit pa din.

'May problema ka ba anak?'

Tinignan ko ang nagsalita. Isang matandang lalaki, siguro mga nasa 70's na siya.

'Wala po, lo.' sagot ko at nginitian siya.

'Imposibleng wala, sumisigaw at umiiyak ka kanina pa. Anong problema anak? Baka pwede kitang matulungan.'

Di ako sumagot. Bat ko sasabihin sakanya ang problema ko? Di ko naman siya kilala.

'Inlove ka siguro noh' Tumawa siya.

Opo lolo. Inlove na inlove.

Why Can't I Have You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon